CHAPTER XLIX: PROMISE

937 44 5
                                    


Thursday na ng umaga... tinawagan ago ng organizer ng party sa rotary kagabi na walang practice ngayon. Magiging busy daw ang mga tao sa pagseset up ng stage kaya wala daw kaming pagpapapraktisan pero pinuri ako dahil ang ganda daw ng ginawa kong mga sayaw. Mukha na daw pang-ASAP Live ang performance ng mga magpeperform. Mabuti na rin yun. Ngayon pwede kong ifocus ang paghahanap ng school.

SHit, heto ako sa unit ni Dasuri ... ako lang mag-isa. Hindi umuwi si Shima kagabi pero tinawagan naman nya ako para magsorry na hindi nya ako nasamahan, kamustahin ang check up ko at para na rin magpaalam. Meron lang daw syang aasikasuhin para sa talent nya. SHocks !!! Yun yung isang detalye na nakalimutan ko! Wala palang talent si Shima... Anyway, sinabi ni Shima na wag daw akong mag alala. Kaya na daw ito. Wow, confident si kups. Basta ang sabi nya, pumunta na lang daw ako ngayon ng mga alas kuwatro sa may Cloud 9 Antipolo... kasi dun daw gagawin ang talent portion.

Habang nakahiga sa kama, napapaisip ako. Kinakabahan. Nag-aalala kung anong resulta ng test ko kagabi. Ito kasi ang mahirap , ang agony ng paghihintay ng resulta. Lately kasi , parang lumalabo ng lumalabo yung mga mata ko tapos yung ulo ko sumasakit ng mas madalas. Although hindi kasing sharp ang pain tulad ng mga nauna... hindi ko rin sigurado kung may pagkakaiba. Mataas kasi ang tolerance ko to pain. Pwede kasing nakasanayan ko na yung sakit kaya nasanay na ako.

Tama na ang Pagmomonologue. Kailangan ko ng bumangon.Tumayo ako at inayos ang higaan. Bigla akong napatigil habang nakatingin sa kama. In fairness. Namiss ko ang may katabi. Para kasing sobrang luwag ng higaan, hindi na ako sanay na walang sumisiksik sa akin.

Ano ba'to?Rodney! Wag masyadong mag-isip!

Lumapit ako sa bag ko at kumuha ng gamot sabay dampot ng cellphone at pagkatapos ay lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

Habang umiinow ay tumunog ang cellphone. Agad ko itong tiningnan. Si Owen.

" Kamusta ang check up mo kahapon, kelan daw malalaman ang resulta?"

" Okey naman ... kaso aaralin pa daw ang resulta ... baka medyo matagalan."

" Kamusta ka na? "

" Totoo?"

" Syempre yung totoo..."

" Hindi ko alam... Malapit na ang pasukan ... wala pa rin. "

" Wag ka na lang kaya magtransfer... kaya naman kita sponsoran..."

" Alam ko sasabihin mo yan ... pero ayoko. Owen, kaibigan mo ako . Baka pag tinanggap ko yan, mapasubo ka lang ... mahal sa school lalo pa at IS na sya ngayon... Isa pa hindi ko rin alam kung paano kita mababayaran... malulubog lang ako sa utang na loob ..."

Hindi ako naniningil , Rodney. Nga pala , pre judging na mamaya ... alam ko alam mo na... pero sana wag kang mawawala. "

" Bakit ano ba ang gagawin mo?"

" Alala mo yung Anawangin trip natin..."

Natahimik ako bigla... Sino ba ang makakalimot dun.

@@@@@@@

Nakapag-ayos na ako . Mga important documents, check. Hininga , check. helmet, check. Ayos na ang lahat. Ang tanong saan ako pupunta... Sumakay ako ng Motor. Nagsimula nang maglakbay. Kahit medyo malayo narating ng pagtakbo ko, na stuck pa rin ang isip ko sa huling message ni Owen.

DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)Where stories live. Discover now