CHAPTER XXXI: BACKFIRE

1.2K 44 1
                                    

Saka lumabas ang pagkamaldito ng hitad. Tumaas ang isang kilay nito at bakas mo sa mukha nya ang pagsama ng mood.Hindi rin nya nalabanan ang naturalesa nya. Sa kabila ng maamong mukha ay nagtatago ang amaskad nyang pag-uugali.

Walk out na lang ang nagawa ni Jiro. Para akong nabunutan ng tinik ng makalayo ang mga ito. Napaupo ako dahil nanginginig ako sa galit.

" Ok ka lang ba?" , nag-aalalang tanong ni Owen habang agad na humingi ng mainit na tubig sa tasa si shima. Dumukot ng isang pakete at inilagay sa tubig. Agad nyang ponaiinum sakin.

" Ano to? Dahon dahon?".
" ulong tea, to relax your nerves...", sabay pacute akong pinaiinum.

No choice. Kilala nyo naman si Shima pag namilit. Laging oo na lang magiging sagot mo. Ikaw pa ang mahihiyang umayaw sa kanya.

Sumigop ako. Hindi mapait parang wala lang. Pagkatapos ay pinakalma ko ang sarili. Napansin ko yung mga kasama ni Shima. Yung dalawa parang robot. Hindi marunung ngumiti.

"Teka sino ang mga yan. ", tanong ko kay Shima.

Nagkatinginan si Shima at yung isa pa nyang kasama.

" Yuri...", sagot ng isa na katinginan ni Shima. Inabot nito ang kanyang kamay at kinamayan ko naman.

" Rodney at si Owen... ",

Habang nagkakamay sina Owen at Yuri, bumaling ako ng tingin kay Shima,"pure nihonggo ba tong mga to, nose bleed english?"

"Marunung akong magtagalog.", sagot ni Yuri

Ngumingisi si Shima habang nakatingin sa akin," Halata ko agad na kinabahan ka... kala mo mapapalaban ka sa englishan no!".

"Hindi kaya... may interpreter ako... ", sabay turo kay Owen. Kumaway naman si Owen.

" Pinsan kababata ko si Yuri, sabay na rin kaming lumaki. Kaya sa tagal ng panahon na magkasama kami, natutunan na rin nyang magpinoy.", dagdag ni Shima.

Pinagmasdan ko yung tatlong kasama ni Shima. Ok naman si Yuri pero yung dalawa, hindi ko gets. Galing bang militar ang mga ito? Ang guguwapo pero mukhang tatlong araw na hindi pinatae. Napaigtad ako nung biglang tumingin sa akin. Creepy...

" eh itong dalawa... sino sila? Nagtatae ba yung mga yan? Parang hindi marunung ngumiti...", sabi ko sabay turo dun sa dalawa.

Tiningnan nina Yuri at Shima ang dalawang kasama. Nagsalita ng hapon si Yuri. Para silang laruang disusi. Parang may sinabi si Yuri laya instant ngumiti yung dalawa... at dabay pa. ANO TO? Choreography? Dapat synchronized?

"Ito si Tomah at ito naman si Yamato,mga kaibigan namin,Pagpasensyahan mo na, first time nila na lumabas ng Japan tapos galing pa sila sa Tr..."

"TRIATHLON...",sabay siko kay Yuri sa hindi ko malaman kung bakit."Athlete yung dalawa kaya pagod lang. Off nila sa training.", dagdag ni Shima.

"Wow angas nun ah...", sabay ngiti ko.

"Eh, Rodney , sino naman yung mga yun? ", singit naman ni Owen . ,"Sila ba yung dahilan kaya bigla ka na lang tumigil sumali sa dance group? "

" Bakit mo nasabi yan?", Tanong ni Shima.

"Hai... saka nalang nating pag usapan , pagkatapos nating kumain...", sabay tayo at kinuha ang wallet ko. May laman pang 1000 ang secret packet.Umorder agad ako dun sa tindera. Isang bilao ng pansit habhab para kina Shima. Syempre kaibigan nya mga ito... kailangan maging maasukaso, Pilipino hospitality nga naman.

Ito kasi dati ang inoorder ko at tama kina Shima. Ito yung pansit na inilalagay sa dahon ng saging at kinakain ng hindi kinukubyertos. Nilalagyan din ito ng timpladong suka sa ibabaw para lalong sumarap. Kaya habhab ang tawag dito kasi , gahawin mong plato ang dahon.ng saging aydiretso na sa bibig pagkain ng pansit na parang hinahabdab.

DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)Where stories live. Discover now