CHAPTER XXXIX: SHOWTIME... i GUESS?!

915 45 1
                                    

Nagsimula ng tumugtog ang music na sya mismong sayaw na dapat sana ay opening ng bikini open.

Makapal na ang tao sa shop at yung iba ay pumasok na sa reception set up para makapanood. Kahit ako sabik na makita kasi dapat kasali ako dapat kaso dahil nagaksidente ako... wala na akong alam.

Sa una ay isang dancer lang sumasayaw sa music ng enya.Pero unti unting dumadami. And with the great mix, the next thing puno na tung carwash... at lumalabas si Owen at si Shima na may dalang sulo at nagbuga sila ng apoy... habang si Owen ay naka jumpsuit na rin at walang pangtaas.

Wow... parang asap yung opening hanep... dapat talaga na ipakita sa tao. Worth it talaga.

Habang pinapanood ang performance ay kumakabog ang dibdib ko... wala kaming menu, wala pang drinks, biglaang restaurant kami... yung mga karne hindi pa luto. Maitatawid ba ito?

Biglang lumapit sa akin si Topher... at nakita ko na nagserve ng sushi si Aldrin pati si Tomah. Napansin ko rin na patago na ipinapasok yung mga soft drinks.

" Okey ba kayo sa likod... At saka san galing yan... ", tanong ko.

" Wag ka na mag alala sa mangyayari sa kusina... pagkain, drinks pati lutuan. Ayos na ... hanep mga hapon mong kasama ... halimaw din...parang si Shima. ", sabi ni Topher at pagkatapos ay iniwanan ako ng kahit anung paliwanag. Panung naging halimaw ang mga hapon.

Bumalik ang focus ko sa performance , grabe talaga! Kahit ako ay nagulat dahil parang isa na syang eksena sa movie na kung saan yung mga dancer ay nagsasayaw sa isang parking lot sa harap ng carwash kung saan ginamit na rin na props ang kotse , ang tubig , bula ng carwash at syempre sina Shima at Owen na parang lumalabas na sila ang nagtutunggali....

Sigawan ang tao... sobrang killer performance ang napanood ko... hindi ako nakapagsalita.

Agad na lumapit si Owen sa akin na may bula bula pa at kinuha ang mic... nakakakaba sya ngayon... aggresive nya akong tiningnan...

" Salamat po , dahil nakuha namin ang attention nyo..." , sagot ni Owen. " ito po ang Opening ng Detour car wash at ngayon with Auto mechanics na din. ", sabi ni Owen sabay abot ng mic kay Shima.

" That's right... and just for today and tommorrow... will do free check up on your car... just like the 3 cars that are in front of you. So among the 3 , nagawa na namin yung dalawa, buy just replacing a spare part , and sir dun na lang po kayo magbayad sa manager namin dun...at yung kay mam nalang ang gagawin natin , yung may pinaka malalang sira, at mapapanood nyo pa po kami in action." , dugsong ni Shima. Sigawan ang mga tao dahil mukhang artistahin ang dalawa tapos gaganda pa ng katawan at basang basa... hahaha , magwater ang audience... Check!

Inagaw ni Owen ang mic at pagkatapos ay sya naman ang nagsalita.

" Pero hindi lang po sa may kotse ang araw na ito, pati rin po sa mga taong gutom... kasi for two days po, magbubukas po ang Detour restaurant... with chef Owen , ako yun at Chef Tomah... at nagbigay na po kami ng sampler. Ngayon ready na po ba kayong umorder... 4:15 na po... your food will be ready in an hour... ", explain ni Owen. " so find your table....now! ", paanyaya ni Owen.

Inabot ni Owen ang mic sa akin at nakatitig sa akin...sabay bulong , " pagkatapos nito... may pag uusapan tayo... ".

Agad na umalis si Owen at dali dali na nagsuot ng apron. Huh? Bakit kaya? Anung pag uusapan namin? Agad kong tiningnan si Shima at buti na lang hindi nya nakita kasi busy ito sa kotse. Kasi baka magkariot na naman sa dalawa... hay , minsan, hindi ko makapaniwala sa aking gandang hindi inakala!!! Hehehe...

Any way, Kala ko mga chilaxs lang magiging reaction ng tao ... kasi hindi ako nag eexpect na may seseryoso sa idea kong ito . Isa pa sino ba naman ang kakain nang biglaan sa isang kainan ng biglaan din . Sa analysis ko mga bukas pa ang pick up ng tao dahil word of mouth ang magiging marketing namin , kapag may masarapan at gustong umulit tiyak may magkukuwento. Magkakaroon din kami ng sapat na oras para maiayos ang lahat...

DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon