CHAPTER XXX: CLASH

1.4K 49 5
                                    


Isang linggo na lang at mag oopen na ang bagong business ni Mang Nato. At lahat ng tao ay excited paano kasi madaming pakulo. May Bikini open. Hahaha, kaya suportado ng mga sang kabaklaan tapos host pa sina Amor at Claudia... San ka pa...

Sa totoo, nabuo lang lahat ng ito kagabi, nung nagpa boodle fight si Mang Nato. Lahat ng nandun gustong mag participate... bakit naman hindi. Pamilya kami dito sa carwash, kaya lahat ay gustong tumulong pwera nalang kay Mang Luis. Kanya na lang daw ang puhunan. GANUN TALAGA... MAYAMANG TAMAD... ay sorry ... boss ko pa rin nga pala yun.

Masaya ang kaganapan kagabi. Sapat para malimutan ko yung iniinda ko. Naguumapaw ang pagkain. Sabinaman kasi ni Mang Nato , bumawi kasi ng husto ang kita nung araw na yun. Malaki talaga ang hatak ni Shima kasi nakabuo na sya ng relasyon sa mga tagadito. Certified na taga Antipolo na sya.

Binigyan na sya ng barangay clearance nung gabing yun. Tinawagan kasi ni Jonas ang mga contact nya sa barangay. Yung working permit ay aasikasuhin namin ngayon. Buti na lang yung visa ni Shima ay binibigyan sya ng kalayaang magtrabaho kaysanung dati... na travel visa lang ang meron sya. Paano ko nalaman? Kusa nyang binigay sa akin yung passport nya... panigurado ko daw na hindi sya basta basta makakaalis... hmmm... wala akong reacton. Wala. WALA NGA!!! Ok ... may konting kilig... pero konti lang...

So tigilan muna natin ang petchayan tulad ng madalas sabihin nina Amor at Claudia, balik tayo sa mga totoong drama ng buhay... hehehe, PBB lang. Kagabi ay nakapag usap kami ni Shima, habang papauwi kami, kasama si Karma. Gusto nya akong mag enroll sa school.ko dati para magkasama kami. Sabi ko hindi ko kaya ang tuition. Dagdag ko pa nga, " International school na yun ngayon, kaya international na rin ang tuition... buti na nga lang mas malaki ang palitan ng lapad kaya napapaaral ka dito kahit ganung kamahal."

" I wanted to study there kasi gusto ko na makasama ka.", sagot ni Shima sa akin.

" utot mo!", sarcastic kong sagot.

Tinawanan nya lang ako. Ako naman ay pumasok na sa balai bus. Napatanga ako bigla ng nagpunta ako sa higaan. Bago na yung kama ... at makapal ito. Agad agad,lumingon ako sa pinto at ibinalik ang tingin sa higaan. Mangilang ulit. Paano nagkasya to sa pinto?

" Yung bed natin kasi medyo sobra nang luma kaya pinalitan ko na with something better...", hirit ni Shima.

" Nasaan yung mga lumang kutson? ", nakakunot kung tanong.

" iInilabas ko na ... nilagay ko na likod...".

" Naman eh...", sabay takbo ko palabas.... " ang dumi dumi doon...".

Sinundan ako agad ni Shima." Hey , wait... Lumana yun , hindi mo ba gusto yung bago."

Huminto ako at humarap kay Shima ." Sana sinabi mo.muna sa akin bago ka nagdedesisyon bago mo tinatapon yung mga bagay dito.", sagot ko nang pagalit.

"Bakit ka nagagalit... I was just trying to make you happy kasi napansin ko lang dati na hindi kana kumportable sa bed mo dahil sa surot." , mahinahon nyang sagot sa akin.

" Happy ako sa kutson na may surot, sa luma... ", sabay talikod at diretso ako agad sa likod.

Pagkarating ko sa likod, nakabunton lang ang kutson sa isang lumang pick up na puno ng kalawang... at nahawaan na ito ng kalawang kaya lalo akong nainis.

Agad ko itong kinuha at dinala sa labahan. Sinimulan kong labhan.Tahimik lang ako. Nakatingin lang sa akin si Shima. Alam ko na hindi nya alam kung ano ang dapat nyang sabihin. Lumapit sya at tinulungan ako. Wala na ako sa mood para magsalita , hinayaan ko sya.

Mababaw ang kinagagalit ko. Dapat nga matuwa ako dahil may bago nakong mahihigaan, pero paano ako matutuwa kung yung kutson ni nanay naman ang kapalit. Yun na nga lang ang natitira na alaala nya. Yung tanging paraan para maramdaman ko na katabi sya.

DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)Where stories live. Discover now