Chapter 38

709 94 7
                                    

(Hillary Alexis Smith on the side)



"Pwede ba Dayle, tumigil ka na. Kanina ka pa paikot-ikot. Nahihilo na ako sayo," sumalampak naman ako sa upuan na malapit sa kama niya. Tinatapik-tapik ko pa ang aking pisngi na sana'y magising sa katotohanan. Agad naman iyong pinigilan ni Hillary. Tsk. Hindi niya ba alam ang mind your own business? Psh.

"Eh kasi naman eh! Anong kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganito? Tell me Sis! Tell me! Huhuhuhu. Gulong gulo na ang utak ko. Bakit? Bakit hindi ko man lang pinigilan na mangyari yun? Ang sama ko! Huhuhuhu. Paano na si Bryce?" binato niya ako ng unan na tatama sana sa mukha ko pero agad ko namang naiwasan. Dinampot ko ang natapon na unan at binato ko pabalik sa kanya. Boom! Sapul. Bwahahahahaha.

Hindi niya ata inaasahang gaganti ako kaya hindi siya nakailag sa pabalik na unan. Kumuha pa ulit ako ng isa at ibinato sa kanya. Hahahahaha. Ang epic ng face niya. Lol

Hindi ko alam kung may pagkatanga siya o sadyang hindi niya lang makita ang paparating na lumilipad na unan papunta sa mukha niya? Ang laki kaya nun para hindi makita. Bwahahahahaha.

Kumuha rin siya ng iba pang unan mula sa kwarto ko dahil dinampot ko na agad lahat ng unan niya para hindi na niya makuha. Pagkagaling niya sa kwarto ko ay agad naman siyang bumalik na may dala-dalang anim na unan. Ibinato niya yun sa akin pero nakailag pa rin ako. Bwahahahaha. Laptrep!

Nagbatuhan lang kami hanggang sa mapagod kami. Hahahaha. Langya. Wala man lang ni isang unan na tumama sa mukha ko. Tsss. Boring. Lol. Yabang lang eh no? Nahahawa na siguro ako sa kayabangan nung Kelvin na yun! Psh. Teka... Ba't ko na naman ba naisip yung lalaking yun? Bwiset!


"Alam mo, ang OA mo," out of nowhere niyang sambit sa akin.

"Huh? Anong pinagsasasabi mo dyan?"

"Duh! Masyado ka naman atang nag-enjoy sa pambabato mo sa akin at nakalimutan mo agad ang pinag-uusapan natin kanina," pinag-uusapan? Meron ba? Ano naman kaya yun? Ah! Tss. Yun lang naman pala eh.

"Ah. Oo. Naalala ko na. Psh. Try mo kaya sa posisyon ko. Sabihin mo nga sa akin Sis... Taksil na ba ako? Waaaaaaaa!" lumapit ako sa kanya. Niyugyog ko ang balikat niya hanggang sa magsalita siya

"Gaga! Anong taksil taksil ang pinagsasasabi mo dyan? Eh wala ka namang Boyfriend. Nahihibang ka na ba? EX mo na siya! Ex!" pinagdiinan pa talaga niya ang salitang Ex Boyfriend. Nananadya talaga tong babaeng to eh. Porke may asawa na, ginaganito na ako. Huhuhuhu.



Napahiga na lang ulit ako sa kama niya. Dito kasi ako sa kwarto ni Hillary matutulog. Wala lang. Feel ko lang makitulog. Haha. Kanina pa nga pala ako palakad-lakad habang siya naman ay kanina pa ako sinesermonan. Nanay ko nga hindi ako sinesermonan. Amf


Tatlong araw na ang nakalipas simula nung pumunta dito si Kelvin.

Tatlong araw ko na rin siya hindi pinapansin. Hindi ko sinasagot ang mga tawag at text niya.

Tatlong araw na rin akong hindi makatulog sa kakaisip sa nangyari nung gabing yun.

Tatlong araw nang gulong-gulo ang utak ko.

Tatlong araw na rin siyang pabalik balik dito sa bahay pero si Hillary lang ang nakakausap niya.


Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon