Prologue

1.9K 44 14
                                    


Disclaimer: This is a work of fiction. All of the names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


•••


Kinakabahan akong pumasok sa napakalaking gate ng Frost Academy. Pagpasok ko dito napakalamig agad, ayos ah? Pinanindigan talaga yung pangalan ng school! Pagpasok ko ay ang daming nakatingin agad sakin, may tingin nagtataka siguro dahil late na ako pumasok dito, may mga mukha din na nanlalait din may pa irap irap pa dukutin ko mga mata nila dyan eh.


"Bago?"


"Ang puti ah, hanep."


"Famewhore yan, nafifeel ko."


"Feel ko nga maharot din."


"Ay nako, may attitude yan!"


"Pusta ko, mahilig yan magtwerk!"


"Siya si, Tanga girl diba?"


"Tanga ka?"


At kung anu-ano pa. Sus, bakit ako magagalit eh totoo naman? Hahahaha charot. Nagmumuni muni lang ako dito nang biglang may isang babaeng lumapit saakin.


"Hi! Ako si Kaye! Bago ka dito? Bakit ngayon ka lang?" Sunod sunod na tanong niya.


"Oo. Ngayon lang lumabas powers ko eh." Cool kong sabi. Ang Frost Academy kase ay para sa mga special child like me. Para sa mga taong may powers. Etong academy ay secret lang, yung parents at students lang nakakaalam tungkol sa school na to. Ang mga may special powers lang ang nakakakita sa academy na ito.



"Ahhh... ano nga pala pangalan mo?" Tanong niya sakin



"Ako pala si Gwy. G-W-Y. Hindi G-W-I." Paglilinaw ko agad. Para sure na di siya magkakamali sa pagbigkas ng pangalan ko, diba?



"Ah, tara. Pakilala kita sa mga kaibigan ko." Pag aaya ni Kaye. "Seriousity, ito nga pala si Gwy. Gwy, ito yung mga kaibigan ko." Pagpapakilala nito.


"Ito nga pala si Je, Liya, Les, Ky, Jash, Bea, Relly at Dawn." Pagpapakilala naman nito. Mangha akong tumingin sakanila. Nagulat ako nang may biglang nag pop na babae sa tabi nung Jaymee. "Ah, tsaka si Nath. Invisibility kasi power niyan." Pageexplain niya ulit.



Nagulat na lang ako nang may lumilipad na mamon ang palapit saamin. Open arms ko sanang sasaluhin iyon pero nagulat ako nang humarang ang isang yelong pader galing sa kamay ni Kaye. "Woah! Astig! Powers mo yon?"


"Oo, Elsa ng buhay namin yan e." Halakhak ni Liya kaya agad siyang tinaasan ng middle finger ni Kaye sabay ngisi. Nagsihalakhakan naman sila.

"Ikaw ba? Ano powers mo?" tanong nila sakin. Lahat sila seryosong nakatingin sakin. Huminga muna ako nang malalim bago sumagot,


"Lahat ng isulat ko nagkakatotoo."


*****


"Amigos and Amigas." pagtawag ni Trisha sa kanyang mga kagrupo, ang 'pampams'. Iniwan niya na rin yung isa niyang boyfriend. Break na daw sila agad.


"Weo?!?" inis na sabi ni Chin dahil nanunuod siya ng kdrama. Iyak na sana siya dahil mamamatay ma yung bida kaso nagsalita si Trisha.


"Alam niyo na ba ang bali-balita?" tanong ni Trisha, akala ata niya na di updated ang friends niya. Tinaasan lang siya ng kilay ni Eka.


"What balita ba? Yung there is a new student?" conyong tanong ni Ela habang nageedit ng pictures.


"Oo. Sinabihan din ako ni Principal Peinnelope na dapat natin siyang turuan para mas lumakas siya lalo." Paliwanag ni Trisha. Lahat nakikinig sakanya nang seryoso dahil minsan lang sila utusan ni Principal Peinnelope.



"Is she malakas ba?" tanong ni Eka, nagkibit balikat naman si Trisha.



No one knows kung gaano kalakas si Gwy at kung bakit pinapahalagahan siya ng buong admin ng Academy. Sa sobrang gulat ni Jaff ay nanlaki ang mata niya, muntik na lumabas yung laser.


Biglang sumagot si Keila, "Kakadiskubre palang ng kanyang kapangyarihan kaya di pa siya sobrang lakas pero pag dating ng araw tiyak na magiging sobrang lakas niya."


Napatahimik ang lahat at naalala ang huling propesiya na nasa libro sa office ni Queen Gal. Napatulala ang iba at hindi na umimik.


"What is her power?" curious na tanong ni Jaymee.



"Lahat ng sinusulat niya nagkakatotoo."

__________________________________________________________________________________

The story was published years ago and in-edit ko lang siya ngayon hehe. Thank you!

Frost Academy [ Short Story ]Where stories live. Discover now