Chapter 25: Matandang Bata

2.3K 32 7
                                    

@jamezlea salamat sa pagbabasa :*

=====================================================

EmEm's POV:

":OOOOOOO GALAXY KO! 0_0... Ano'ng ginawa mo!!? Bakit mo hinagis yung phone ko sa pool?! X("

"Ikaw pa yung galit ha! Ang kapal ng face mo alam mo yun!?"

"Haay! Baliw.", naghubad siya ng shirt at pants niya x_x, walang pakundangan! At tumalon na siya sa pool. Ang galing niyang lumangoy... pero paano niya mahahanap yung cp niya dun? "Em, favor naman oh, pakuha ng goggles ko", tinuturo niya. Ayoko nga... bahala siya hmmp!

Nagpalipas muna ako ng sama ng loob sa kwarto... ang sakit sa puso, paanong hindi eh pagkatapos mong akalain na ok na lahat bigla kong matutuklasan na katext pa rin niya yung babaeng bruha na yun X((.

"BAKIT MO NAMAN HINAGIS YUNG PHONE KO SA POOL?!", bigla siyang pumasok sa loob ng kwarto. OH MY! Bakit ba apaka hot niya pag basa ang buhok niya tapos nakasando siya eh bakat yung abs niya. Pero wala akong pake... galit ako!

"Ikaw pa galit? Manloloko! Babaero!", humiga ako tapos nagkulubong.

"Let me explain"

"Explain explain... di ko kailangan yun! Huli ka na sa akto."

Gab's POV:

"Ok, I admit... sinadya ko na mabasa mo yun."

"Kita mo na! Abnormal ka talaga eh!", bigla niya ako sinugod, galit na galit siya sa akin... bakit ba bigla niya naisip na nambababae ako?! Hindi naman talaga eh :((

"Yung nabasa mo na sinend ko kay Aubrey with heart pa sa dulo eh number ko din yun! Hello... ang dali mong maloko!"

"Ano?!", huminto siya sa pagmumunyangot, nakaupo lang siya ngayon sa kama, nakasimangot pa din, nanggigigil siya.

"Yung number ko sinave ko sa phone ko ng Aubrey ang name tapos tinext ko sarili ko, yung sa inbox binura ko, sinadya ko na di burahin yung sa sentbox.", sana maniwala siya, yan naman talaga ginawa ko eh :(( kasi namimiss ko na yung tampuhan namin tapos susuyuin ko siya.

"Wala kang pruweba ok? -_-"

"Eh paano eh tinapon mo kaya phone ko sa pool!"

"Adrenaline rush ok??"

"Psh... kung ayaw mo maniwala de wag!"

"Talaga!"

BLAAG!

Pinagsaraduhan ko siya ng pinto. Nakakapagod ding makipagtalo. Tama si doc, mahirap papaniwalain ang mga taong ayaw talaga maniwala. Ang katext ko naman talaga kanina eh si Felix.

Kailangan kong mag cool down... makapag swimming nga muna, itutuloy ko na 'to.

EmEm's POV:

Pinagsaraduhan niya ako. Ang lakas ng pagsara niya nung pinto, galit ba siya? Naguiguilty din ako sa ginawa ko pero... sobra na kasi eh.

Wala na akong nagawa kundi umiyak... umiyak hanggang sa nakatulugan ko na ito.

-------------------------------

*Yawn*

Gabi na pala at saktong pagpasok ni Gab sa kwarto ko.

"Kain na misis."

"Sige susunod ako."

Makirot pa rin sa puso. Psh. Ang arte ko, ayoko kasing maniwala na naman, naiisip ko na naman yung mga dati kong naiisip, na baka ginagawa niya lang ito dahil ako ang nanay ng magiging anak niya etcetera, naaalala ko pa yung narinig ko dati na pinag-uusapan nina Chanda at Aubrey. Sobrang depressed ako ngayong araw na ito. Di ako sanay ng ganito eh.

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon