Chapter 28: Washing Machine With Aroma Therapy

2.4K 31 10
                                    

@toonsly salamat sa pagkikilig haha. God Bless

===========================================================

Gab's POV:

December 1. Napag-usapan namin na pumunta sa puntod.

Namatay ang lolo ni Emarie just 3 days after my birthday. Akala ko magiging masaya na kami pero nalungkot na naman siya, although parang unti-unti niyang pinipilit mag move-on.

Pagdating namin dun nandun na si nanay, tatay, Stan at Felix, badtrip -.-. Nakakainis lang kasi nagalit nun sa'kin si Emarie pero sa kanya hindi. Nagmano kami kina itay at inay.

"Felix, bat nandito ka? :)))", with a super big smile on her face.

"Malamang dinadalaw niya rin si lolo, alangan namang ikaw."

"Sungit mo naman, ang ibig ko sabihin bakit niya dinadalaw si lolo."

"Haha. ayaw mo ba ako makita? Parang gusto mo na akong palayasin eh.", ganun na nga -.-

"Hindi ah, nakakatuwa nga eh kasi nakita kita, ang tagal na nung huli tayo magkita, bakit hindi ka nagpunta nung birthday ni Gab?"

"Hindi siya invited -.-", haha deretchahan na toh!

"A--ano? Sira ka talaga Gab!"

"Totoo naman eh..."

"Eh friends kayo diba?"

Nakakatawa yung reaksyon ni Felix,napahiya siya sakin eh.

"Friends friends ka diyan, tara na nga, dun tayo umupo sa likod."

Pag-upo namin kinantyawan ko siya.

"Bakit ba panay bati ka kay Felix?"

"Ano naman ba sa'yo? Nagseselos ka ba?"

"Psh -.-"

"Nagseselos ka nga???"

"Masama ba? Malamang"

"Insecure ka lang kasi mas cute siya sa'yo... alam mo sa tingin ko nga siya yung pinaglilihian ko eh."

"Pag yan naging kamuka ng anak natin."

"Eh ano? Choosy ka pa?!!! Mas gusto ko naman siya kesa kay JB."

"Oo na!"

Kumain muna kami, ang sarap ng fried chicken haha. Maya-maya eh lumapit na naman si Felix. Dala yung TV niya na maliit. Nalaman ko rin na ininvite din siya nina nanay since si Felix naman ang naging way para matagpuan si lolo. Hay. Fair enough.

"Tingnan niyo oh."

"Ano gagawin ko diyan? Meron din kaming TV, LCD, 32 inches"

"32 ba yun?", sabat talaga si Emarie.

"Hindi, sabi kasi sa Pinoy Henyo mag audition daw yung mga mag-asawang teenager nang magpakasal"

"Ayoko."

"Gab.... please?!!! Gusto ko... :((("

"Ha? Eh hindi ka naman henyo noh!"

"Che! Napakakapal mo! Sige na, gusto ko lang maexperience noh."

"Haaay... di na tayo aabot sa audition noh."

"Why not? Kaya niyo pa yan, 100 lang ang tatanggapin nila na mag audition, sayang talaga."

"Felix, hindi namin kaya..."

"Minamaliit mo ba ako?"

"Ha? Hindi ah...", wehhh? haha

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon