Chapter 24: The Swimming Galaxy

2.5K 29 9
                                    

@mysterious_girls haha salamat sa pagbabasa ;)

======================================================

Gab's POV:

"Are you telling me na mali ako?"

"Eh pano niyo po ie-explain na naikuwento pa po niya yung mga experiences niya years ago?"

"Iho, long-term memory niya yun"

Nakikipagtalo ako ngayon kay Dr. Olga. Last time na nagpunta kami dito ay nung hinimatay si Em, nung nakaraan lang yun, sinabi niya na posible daw na may Alzheimer's Disease daw si Emarie, pero bakit naikuwento pa niya sa akin yung mga dati?

"So? Ano naman po? Nagresearch po ako... 36 yata yun, yung youngest na nadiagnose sa sakit na yan. Ang bata pa niya, she's just 20"

"Ano'ng malay mo, o de hawak na niya ang record ng youngest... ", sarap sapakin ni doc.

"Saka, muka namang hindi siya nadedepress eh."

"Are you sure? Never? Kahit maliit na bagay, wala kayong pinag-aawayan na iniyakan niya ng sobra? How about yung short-term na memory niya? Never ba siyang may nakalimutan?"

Napa-isip ako. Yung damit sa mall, yung asin sa juice, yung bayad sa jeep, yung lessons niya... ang dami niya ngang nakakalimutan.

"Pero buntis siya, baka yun yung da--"

"Haaay, iho, wala na akong magagawa sa'yo, hindi ko mapapapaniwala ang mga taong ayaw maniwala, yung takot sa katotohanan."

Takot ako sa katotohanan, pano kung totoong may AD siya? Ibig sabihin, unti-unti niya akong kakalimutan. Paano kung pati paghinga kalimutan na niya? Kakayanin ko ba? Ayoko, gusto ko ako muna, pero ok din na siya muna para hanggang huli maaalagaan ko siya, pero pwede na ring sabay kami :/.

"Alam mo, kung madiagnose man siya... may mga gamot naman para hindi masyadong mabilis lumaganap ang symptoms."

Eto ang masaklap eh, walang lunas ang AD, yung mga symptom nga lang ang mapapabagal katulad ng sabi niya. Sana dala lang ng pagbubuntis niya ito, hindi daw nila agad macoconfirm ang state ni Em, since bata pa talaga siya.

------------------

Nakakastress, dito muna ako sa ospital at nakaupo sa bench nila, napansin kong may tumabi sa akin.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Ikaw, ano ginagawa mo dito? Ikaw lang ba may karapatan dito?"

"Cool ka lang! haha", sarap ding sapakin ni Felix -_-. "Nandito si Em?"

"Wala."

"Kung ganun ano ginagawa mo dito?"

"Malamang may pinapacheck-up, ikaw?", nakatingin lang ako sa ceiling, halos pahiga na ako sa pwesto ko, nakakawala ng poise.

"Nagwowork dito si dad eh.", dad niya??

"Dad mo?", napaupo ako bigla ng maayos tapos hinarap ko siya.

"Of course."

"I got to talk to him."

"Huh? Bakit? OB siya ano ka ba?"

"Kailangan ko siya, para kay Em!", ang kirot ng puso ko. Wala na akong pride, sa kinabibuwisitan ko pa ako humingi ng tulong, pero alam ko namang tutulungan niya ako, alam kong hindi niya rin matitiis si Emarie.

Sinabi ko sa kanya ang problema ko, may sakit si Emarie, hindi mo aakalaing may sakit siya pero oo, may sakit siya.

Sinabi ko rin yung gusto kong mangyari... insane pero sa tingin ko it's better to give it a try.

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon