chapter 11: May Martilyo May Pako Ano Tunog?

3.3K 42 9
                                    

thanks sa mahabang comment trizz!!! binabasa mo pala talaga ang story!! ^^

--------------------------------

"Sigurado ka bang papasok ka na?"

"Oo naman noh, nakapagpahinga na naman ako ng isang araw diba?"

"Eh puro galos ka pa oh, baka sabihin pinagmamalupitan kaagad kita."

"Nyeks alam naman nilang hindi ganun eh, ako pa nga ang mambubugbog sa'yo eh, haha", huu... as if namang kaya niya ako. "Huuy, anu ba? Late na ako oh mag te-10 na oh, dali na bihis na bihis na ako, hatid mo na ko."

"Anong hatid ka diyan? Di kita ihahatid noh."

"Ano??? ~.~"

"Simula ngayon, may body guard ka na, but we need to wait for them, sila rin ang magigng driver mo."

"Huh? Ang daya mo... ~.~"

"Oh ayan na pala sila eh", sa wakas at dumating din ang mga ito, kanina pa natetense si Em eh. Yung isa mataas na mestiso at medyo macho, at yung isa naman may pagka bansot na maputi rin naman at di ganu kalaki ang katawan, sakto lang, but I think they're big enough to threaten those girls na umaway kay Emarie.

"Ehem, sir... kami po yung pinadala ni Sir Lester"

"I know, uhm, pinakita na ni dad yung picture niyo and I think mapapangalagaan niyo naman ang wife ko, this is Emarie, call her ma'am Emarie..."

":D wew, pwede nang Em eh", medyo pabulong pa niyang sinabi.

"Wag ka na umangal, Emarie... this is Paco and--"

"Martilyo?Hahaha"

"Pano mo nalaman? haha, he's Hummer"

"0.o wehhhhhh?"

"Oo nga..." Si Paco yung mas maliit at si Hummer of course yung bigger one. "Uhm, pakihatid na siya, ingat huh, bye",

Emem's POV:

Ang gara talaga ni Gab eh, di naman ako kumportable sa dalawa na ito eh. hmmmmmn...

Pag baba ko as usual pinagtitinginan ako pero nasurprise naman ako kasi inaabangan ako ng ilan sa classmates ko.

"Em!!! ^^", bati sa akin nung isa sa classmates ko, makikipag apir sana siya aba eh yung dalawa humarang.

"Bawal siya lapitan ng kahit sino, utos po iyon ni Sir Gab"

"Ano?! Hummer huh, kainis ka eh classmates ko yan eh."

"Di naman po kami nakakasiguro eh"

"Pwede ba mauna na kami kasi late na kami oh... tingnan mo oh... ano'ng oras na???"

"Sige po... ihahatid na po namin kayo"

"Hatid hatid ka diyan?! Wag na noh, kaya nga sinundo na nila ako oh, kaya na namin ito."

"Pero ma'am..."

"Alam niyo gusto niyo ba eh isumbong ko kayo kay Gab? Sasabihin ko na sa talikuran eh pinag uusapan niyo siya? Gusto niyo yun? Naku, ako kaya ang pinaniniwalaan nun." Tinginan lang sila tapos bumalik na ng car.

Oh de natahimik ang buhay ko ngayon sa school.

Wow huh, parang kahapon lang since nung nagpropose sina Jackson at Gab sa akin. One week na pala yun? :D

Ok naman ang araw ko ngayon, wala na yung hater-club ko, bakit? Pinuntahan lang naman ni Gab yung mga yun kahapon, nagpasama siya kay Karen... nakita kasi nina Karen yung nangyari, buti at di pa sila gaano nakakalayo nung nakipagbunuan ako, kundi baka sobrang napuruhan ako, pag nagkataon talagang malalaglag ang baby ko.

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon