Chapter 44: 18 Lang Ang Peg??

1.5K 23 2
                                    

@JennilynTrinaaaaa salamat sa pag add sa fb hahaha... napapaligaya mo ako sa mga comments mo sa posts ko XD.

============================

EmEm's POV:

Nagsimula na ang klase ngayong taon. Gusto ko sana ipagpatuloy yung pag-aaral ko pero di na nila ako pinayagan. Hmmp, ganun na ba kapurol ang utak ko?? >:(. June na pero kararating lang nina Gab at Aubrey mula Europe! Wow naman! Nag-enjoy sa bakasyon??? Kelangan ko na siyang kumprontahin dahil nito lamang nakaraang linggo, may pangyayaring gumulo sa isip ko. Basta.

Hindi na ako nag atubili pa, nagpunta agad ako dun kila Gab, dun ble kila mommy, este yung mommy ni Gab >.<, syempre nagpasama ako kay Poknat. Mainam naman at wala dun si babaeng bruha na Aubrey. At bukod pala kay Poknat eh kasama ko din si baby Vale, eh siguro naman may karapatan din si Gab makita yung anak niya di ba?

Pagpunta namin dun, si manang yung sumalubong sa amin. Tuwang tuwa siya kasi nakita niya ulit ako, at ayun nga binalita niya na si Gab lang ang nandun, akala ko nagbabakasyon din sila mommy ayun pala nasa ospital na naman si daddy

Pinaupo kami ni manang sa sala at tinawag niyaa na si Gab. Paglabas ni Gab, nasorpresa siya sa amin. Syempre, bukod sa naka make-up ako at mahaba na ang buhok ko na pinakulot ko din eh nakita niya si Vale.

"Emarie?", haaay, di pa rin siya nagbabago... Emarie pa din ang tawag niya sa akin. Ano ba toh? Forever na lang ba siya sa hagdan at hindi kukurap?

"Uhm, Gab... baka gusto mo bumaba? Alam kong gumanda ako masyado... ano? Sisi ka na? :)))", sa totoo lang natatawa ako sa mga sinasabi ko. Nakakamissmakipag uyaman kay Gab.

"Oo nga eh, ang ganda mo na.", pero wala pa ding pagbabago sa pwesto at reaksyon ng muka niya. Para siyang nakakita ng multo.

Nakatingin lang ako sa kanya... mata sa mata. Papalapit siya ng papalapit. Nung nasa harap ko na siya tumayo ako tapos nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap. Sobrang higpit. Bakit naman ayaw kong pumalag? Huminga na lang ako ng malalim. Ang bango niya eh. Pagbitaw niya sa akin, tiningnan niya ako.

"Ano'ng nangyari sa'yo? Hindi ako makapaniwala na nakakausap na kita. I missed you Emarie, I really did.", tapos kiniss niya yung mga kamay ko. Yuck. Galing nga pala ako ng cr tas di ako naghugas. HAHAHAH. Joke! Pero nilayo ko pa din yung mga kamay ko.

"Ahm, si Vale nga pala.", itinuro ko sa kanya si Vale na pangko ni Poknat na nakaupo sa sofa.

"Hi sir! ^___^", hindi si Vale yung nagsalita ah, syempre si Poknat.

"Vale?", nakatingin naman siya ngayon kay Vale, yung way ng pagtingin niya sa akin kanina bago siya lumapit. Ang creepy. Tapos binitbit niya si Vale. Nakakatuwa naman, hindi siya umiyak kay Gab.

"Francesca Vale yung whole name niya."

"Ahhh... nabinyagan na?"

"Di pa.", tama kayo ng nabasa, di pa siya ganap na binyagan.

"Bakit hindi pa?"

"Eh... ala lang trip ko lang. haha! JOKE!"

"Haha, baliw ka talaga Emarie, yan ang namiss ko sa'yo eh!", kainis siya! Bat ba siya ganyan eh diba kasal na siya kay Aubrey?

"Uhm... helloooo... I'm here po kaya! Baka po gusto niyo po umupo para join din ako sa inyo?"

"Ay... sorry Poknat", tapos sabay kami umupo ni Gab."

"Gab, hindi na ako magtatagal... may gusto sana ako'ng sabihin sa iyo eh, pero wag ka naman sana mabibigla."

"Ano yun?"

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon