Epilogue

3.2K 57 21
                                    

@Tiinnie hey bettina! :)) salamat sa pagread! ^^

==========================================================

Klein's POV:

Hininto ko yung car ko sa gilid ng kalsada... sa harap ng kapitolyo.

"Hey Klein, bakit ba dito ka huminto? Tara na, pumunta ka na kung san ka talaga pupunta.", panay reklamo naman itong pinaka love kong girlfriend na si Rica.

"Just wait okay?"

"Just wait? Eh wala ka ngang ginagawa diyan, di ka man nga lang bumababa ng car mo... Wait! Look!", tinuro niya yung nasa kabilang side ng kalsada. Dalawang matanda na patawid. "Oh my goodness! What if my mangyaring masama sa kanila?"

"Bakit naman?"

"Eh matanda na sila... kaya pa ba nila tumawid?"

"You're over acting ha! Porke matanda di na makakatawid? Pwede ba?"

"Ang hina naman yata ng Wi-Fi ng Malolos ngayon?"

"Ano ba gagawin mo?"

"Ishare ko kasi yung video ng dalawang matanda sa Friz...", vinideo niya gamit ang iPhone gz7 niya yung dalawa tapos nagsalita siya... "ang cute nila diba?...Friz... hmmmp, ang bagal... 3 seconds pa bago mapost... samantalang dun sa amin sa Manila, wla pang 1 second."

"Umuwi ka na nga..."

"Teka, bakit naman parang papunta dito yung dalawang matanda?"

"Napansin mo pala."

"Teka...", binuksan ko yung pinto ng kotse ko kaya naman pumasok na sila mommy at daddy "Mano po ma.", nagmano ako kay mommy pero nilayo niya ang kamay niya at sumimangot siya.

"Kapal mong hawakan ang kamay ko... close ba tayo?", at tinaas niya ang kilay niya. Si mommy talaga 60 years old na masungit pa din.

"Mommy mo Klein?"

"At daddy", haha nakakatawa ang expression ng muka ni Rica.

"Kakainis ka, bat di mo agad sinabi???"

"Ok, eto na... mommy daddy si Rica nga po pala... girlfriend ko, Rica si mommy Em at daddy Gab nga pala. Oh happy na?"

"Ah hello po :))", at nagmano siya kay daddy at mommy.

"Aubrey?? Pano ka nakapagmano? Kelan tumubo yung braso mo?", sabi ni mommy kay Rica.

"Ahm, Rica po hindi po Aubrey."

"Pagpasensyahan mo na si mommy... may Alzheimer's siya."

"Parang ang aga naman...", habang nagddrive.

Hindi alam ni Rica na kung tutuusin eh hindi na dapat tatagal ng ganyan ka tanda si mommy, napakalaking tulong ng mga gamot at syempre ng prayers. Dahil dun unti-unti lang ang pagkawala ng memory ni mommy.

Araw-araw naming pinapakita yung mga pictures sa kanya. Basta makakita lang siya ng maganda na mukang mayaman... akala niya si Aubrey na iyon.

Mdalas siyang nawawala sa bahay at pumupunta siya sa Malolos kasi dun daw siya dinadala ng puso radar niya... dun daw siya kampante at parang may mga naaalala daw siya.

Pag-uwi namin dinala ni daddy si mommy sa kwarto nila at doon magbabasa ulit sila ng diary ni mommy nung pagkapanganak kay ate Vale.

Pinakilala ko si Rica kay ate Emriel sa sala at paniguradong magchichikahan na sila dun at pumasok muna ako sa kwarto nina daddy... si daddy tawa ng tawa sa kinukuwento niya... panigurado kinukuwento niya kung pano yung honeymoon nila sa Zoobic nun. Pero si mommy nakatingin lang sa kanya na salubong ang kilay at nakanguso, kulang na lang hambalusin siya.

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon