Chapter 43: Tentenen... Tentententententen... (Graduation March Theme)

1.5K 18 2
                                    

@ivydablo Hi ivy! super thanks kasi nung mga panahong minsan lang ako magbukas ng wattpad eh nakakachat kita dito kahit paminsan minsan lang at pa isa isa. salamat kasi naiinsipre ako sa mga sinasabi mo... love love love Xx.

================================

EmEm’s POV:

Tugeris. Nakakapressure si Felix ah! Bakit siya ganun? Bat kelangan ang pogi pogi niya tas tatanungin niya ako ng ganun? Bat kelangan maramdaman ko na mahal na mahal niya ako?

“Alam mo ma’am, parang ginagamit niya lang lahat ng kabaitang pinakita niya sa inyo para makuha niya kung no ang gusto niya and that is you ma’am!”

“Ganun ba yun?”

“Opo.”

Teka... ano ba yun? Ganito kasi... sabi niya sa akin sa Wheel of Fortune... sabi niya gusto niya daw akong maging girlfriend. Hindi muna ako sumagot hanggat nasa taas kami kasi pano kung bigla siyang tumlon kung sabihin kong oo?

Kinuwento ko kay Poknat lahat ng yun at yan nga ang sagot niya... kayo ba? Sa tingin niyo ginagamit lang niya yung kabaitan niya? Pero likas naman siyang mabait. Malay niyo naman eh nililigawan niya ako sa ganung paraan di ba?

Bilang paglilinaw, hindi ko pa siya sinasagot. Kelangan ko ng oras at pag-iisip. Kasi nitong mga nakaraang araw madami akong napag-isipan(oo gumagana pa naman ang isip ko). Simula nung dumating sa akin si Francesca Vale aka Baby Emriel eh naging masaya na ako... nakakatulong ata yung pagiging masaya para unti unting mawala yung sakit ko kung nawawala pa yun. Tapos naisip ko rin na baka yung paglayo ko eh gusto ko lang naman makapag ano--- ano tawag dun?

“Ma’am alam niyo po, siguro dapat makita niyo na si sir Gab ngayon, kasi baka po masagot niyo si sir Felix eh mahal niyo pa po pala siya... baka naman yung ginawa niyo eh nag Unwind lang pala kayo.”

UNWIND! Yun yun! -_- Buti pa si Poknat naisip yun. Nakakainis ako kasi bigla bigla ko na lang sinabi na ayoko na pero baka gusto ko pa pala. Padalos-dalos ako ng desisyon. Pero... kung pupuntahan ko pa siya... eh di ba eh nandun na nga si Aubrey sa eksena???? Pano na yan?? Kasal na sila ulit! Hmmmp! Langya ka Gab! Hate you very very much!

“Siya nga po pala ma’am ggraduate na po pala sila sa April 4?”

“Sino sila?”

“Sina Lowel”

Lowel??? Sino siya??? Ah... yung bestfriend ni Gab... na kaklase ko! Hahaha... akalain mo sarili kong kaklase nalimutan ko???

Eh teka... bat Lowel lang tawag niya?

“Lowel? Maka Lowel, close?????”

“Hehe, we’re friends ma’am”

“Friends lang pala eh kami nga di close kayo pa!”

“Ma’am inadd niya ako sa fb tas siya pa yung unang nagchat sa akin! How great right?”, kikilig kilig pa ang kire.

“Ah... ganon? So feeling mo eh crush ka niya?”

“Exactly ma’am! Mind reader ka???”, hay nako!

“So kung graduation na nila sa April 4 eh dapat makapunta ako.” Ayoko na dito! Ayoko na magtago dito sa Subic! Aba! Miss na miss ko na ang pamilya at friends ko... at baka si Gab. Ewan ko -_-. Malalaman.

 “Wow ma’am! You’re improving ha! So you don’t want to hide anymore... c’mon! Let’s tell sir Felix about it.”

“Teka! Hinde! Hinde niya dapat malaman ok? Hindi na, gusto ko lang malaman kung gaano pa ako ka affected kay Gab. Pero sa totoo lang nakalimutan ko na pano kiligin. -_- Hindi naman kasi ako kinikilig kay Felix eh.”

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon