Chapter 3: Kabilugan ng Buwan, Buwan ng Kabilugan

9K 114 23
                                    

dedicated to @LadyAireen thanks sa comment! ^^

--------------------------

Shocks! Ano'ng ginagawa niya dito???!!! X((( grr... masisira ang mga pinaghirapan ko eh!

"Ano'ng ginagawa mo dito?!", salubong na kilay ko. Nakita ko naman siya... yung buhok niyang cute, yung mata niyang cute, yung lips niyang kissable at cute, yung dimples niyang cute! Haluhhh!!! Nababading na naman ako :(.

"Ano naman sa'yo? Kung makataas ka kasi ng paa eh... manners naman!", naman talaga netong lalakeng eto eh!

"Manners ka diyan!",

"Hanggang kailan mo paninindigan to?"

"Ang alin?", taas kilay... pak ~.^

"Yang pagpapanggap mo"

"Hindi ako nagpapanggap!", nagiinit na ako... hindi dahil hot si Gab kundi dahil nagagalit ako sa kanya... pero hot talaga siya..z

"Oh C'mon Emarie, stop this, hindi ka ba naaawa sa anak mo? Sa anak natin?", Oh no... aalis na ako... tama lalayas na lang ako sa upuan na toh...

"HEY STOP STORMING! Bastos ka huh!", ano daw?!!! X(((

"Pwede ba Gab, tigilan mo ako at... hindi ako bagyo!", halos pabulong ko sinabi kasi nagtinginan na sa amin yung mga tao.

"Nag-eenjoy ka ba ngayon dahil sikat ka? Maawa ka kahit wag na sa sarili mo kahit sa baby--"

"Stop ok!", tuluyan na akong umalis. May klase pa pero wala akong choice kailangan kong umuwi kahit ala-una pa lang.

Nabanggit sa akin ni itay na buti daw di ko naiisip ipalaglag yung baby ko. Ayoko. Kahit kailan hindi ko siya paparusahan sa kasalanan na ginawa ko. After all(HUWAW!) hindi ko naman kasalanan... si Gabriel Montana ang nag-iisang dapat sisihin sa lahat, pero bakit ba kasi niya nagawa yun? Nagandahan ba siya sa akin? Trip niya lang ba ako... Naiinis ako kasi bakit siya pa!?

"Ano'ng balak mo sa kanya? Isang buwan na siya sa iyo, talaga bang panghabang buhay na yang pagiging Em-Em Milagrosa mo huh?", bakit ba kinukuwestion na ako ng mga tao ngayon, kanina si Gab ngayon si Itay, oh well, siya na ang huling magtatanong sa akin kasi siya lang naman ang may alam, ako pati na rin si Gab.

"Hindi ko nga po alam eh... tay dumating siya kanina eh, nagpakita siya sa school."

"Sino?"

"Yung ama ng anak ko.", nakaupo lang ako habang may kinukumpuni si Itay

"Paano ba kasi nangyari yun huh anak? Kahit ganito ako na kalmado napapaisip pa rin ako... ginusto mo ba yun? Kung ginusto mo yun magpapaparty ako!"

"Itay!!! hmmmp... kasi ganito po yun eh. Naaalala niyo po isang buwan mahigit na rin po ata ang nakalipas? Full moon pa nga yun eh, niyaya ako nung classmate ko para pumunta sa isang party, party po yun ni Gabriel Montana yun nga pong ama ni baby, ayoko nga pong sumama kasi basta... naiinis po kasi ako sa kanya eh", ayan na... naaalala ko na naman ang dati.

"Naiinis? Bakit? Ano ba ginawa niyia sa'yo dati? Malaki na pala atraso niya eh."

"Basta po. Ayun nga po kaso namilit siya kaya pumayag na rin po ako, bale welcome party po kasi yun eh para kay Gab kasi kadadating niya lang po, bale ang invited lang po yung klase po namin nung 1st year college kahit yung mga wala na hinagilap pa, ayun kumpleto po kami."

Gab's POV

"Tapos nung tinitingnan ko yung mga bisita nakita ko may isang unfamiliar guy na naka sweatshirt tapos naka cap pa, ang pinggan eh punong-puno parang wala nang bukas eh, mamamatay na ata. Although... di ko talaga sure if guy or lesbian kaso wala ako maalala na lesbian nun sa classmates ko."

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon