Chapter 12: Tugs Tugs Tugs

3K 37 8
                                    

@euneilynEscobar salamat sa pagbabasa :DD haha saka sa pagpapaalala na maguupdate nga pala ako ngayon :D

-----------------------------------------------------------------------------------------

Gab's POV:

1:00 pa pasok ni Emarie and 10 am na, hinayaan ko siya matulog, sabi kasi ni mommy ganun daw talaga ang naglilihi, antukin, naisip ko tuloy mamaya sa homestudy ko...

"Ok Gab, explain to me why blah blah blah blah... My goodness Gab! Wala ka nang ibang ginawa everytime we're having a lesson kundi matulog!"

"Sir sorry po, i'm sleepy eh, naglilihi po ako..."

hahaha ang korni ko noh? Aba, speaking of the devil, ampangit! Di man lang nagayos ng pagmumuka eh.

"Oy, magsuklay ka kaya!"

"Wala kang pake ha!", rumagasa na naman siya sa cr, nag vomit na naman, maya-maya lang lumabas na, basang basa ang pantulog, abnuy talaga eh. "Ambaho! sino ba yung nag-iihaw?", huh? Wala naman akong naaamoy.

"Wala namang nag-iihaw huh."

"Tabi ka nga diyan.", hinawi niya ako tapos parang aso na hinahanap yung amoy, sinundan ko siya.

"Ate mae, ano po ba iniihaw niyo? Ang baho eh."

"Ah... wala kaming iniihaw, baka yung sa tapat natin yung naaamoy mo ma'am", sa tapat? so sa kapit bahay?

"Panong--"

"Nagtitinda po kasi sila ngayon ng mga ihaw-ihaw, kaya po ayun."

"Uuugh, ambaho!!! >.<", tapos nagtatakbo na naman siya papunta sa taas, papasok kaya siya?

"Hehe, ramdam ko na sir ang naglilihi sa bahay."

"Ganun ba talaga yun? Sobrang layo naman ata nung kabila para maamoy niya yun"

"Sir, ganun po talaga."

---------------------

12:45 na, amp si Emarie, 15 minutes na lang late na siya, buti uso ang grace period dito sa Pilipinas, ako eh never nangyari sa akin yun. Pinakalate kong alis ng bahay 30 minutes before ng time, eto normal na ata sa kanya yung pagiging late eh. Pagkakain naming dalawa, nagmamadali tuloy siya.

"Bye na huh, 6 pm ang uwian."

"Oy, umuwi ka agad huh, may pupuntahan kayo nina Hummer at Paco, sumunod ka lang sa kanila."

"San?"

"Basta! Umalis ka na!"

----------------------------

EmEm's POV:

Aga naming pinauwi ngayon, 5:00 pa lang eh pinauwi na kami, may pupuntahan pa daw kasi prof namin.Yeah, makakagala pa ako.

RIIIIIING...

"Hello? Sino toh?!"

"Chill, ako to si Felix", wehh... serious? Pano niya nalaman number ko?

"Ikaw pala yan, naku... di na ako makakasama kung yayayain mo ako eh, pinagalitan kasi ako ni Gab eh."

"Ganun ba? Di ka man lang ba magtatanong kung paano ko nakuha number mo?"

"Eh pano nga pala?"

"Punta ka ulit sa GL Mall"

"Huh? Pero--"

"I'll wait"

Ughhh, oo nga nawawala nga pala wallet ko, nasa kanya? Walang duda, nakuha niya number ko eh, pero kelan? No choice, kailangan ko siya puntahan, may 300 pesos pa ako dun eh, sayang din yun.

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon