Special Chapter

10K 191 10
                                    

Lance's Pov

6th Monthsary na namin ngayon. At ngayon ko balak magpropose sa kanya. Sa totoo lang, sobrang kinakabahan na ako. First time kong magpropose sa amazonang babae. Tsk help me Lord.

Nasa labas ako ng mansion nila, at hinihintay ko syang lumabas para sa date namin. Sana lang sagutin nya ako.

Ilang sandali pa ay lumabas na sya mansion wearing red dress and black sandals. NakaBraid din ang buhok nya na nabagay naman sa suot nya. Shit. Para syang anghel.

Nahagip naman ng mga mata ko sina Joyce, Gab, James, Marky. At nandun din pati si Harriss at Charles. Anong ginagawa ng dalawang ugok na yan dito?

"Ano pang tinutunganga mo jan? Tsk" pagsusungiy ni Shea sakin.

"May PMS ka ba ngayon? Sungit mo. Pero ito tatandaan mo, kahit forever kang magsungit. At kahit ako ang pinaglilihian mo. Mahal na mahal kita" sabi ko at hinalikan ko ang tungki ng ilong nya.

"Dun ka nga!! Ang baho mo! Layo!" Sigaw nya.

Narinig ko naman na sumigaw si Gab.

"Ayan kasi!! Inuna pa ang honeymoon kaysa kasal!" Sigaw nya.

"Sharp shooter kasi! Hahaha" sigaw ni Harriss.

"Tsk. Eh kung nananahimik kaya kayo jan?! Bwiset!" Sabi ko at sinampal ni Shea ang bibig ko.

"What?!" Sabi ko.

"Don't say bad words! Baho baho mo na nga e!" Sabi nya.

Ang cute talaga ng babaeng to. Haha binuksan ko na ng pinto ng shotgun seat at pumasok naman sya sa loob. Umikot naman ako ng kotse para makapunta na din ako sa Driver's seat.

"Where are we going?" Tanong ni Shea.

"Kay Doraemon. Binigay daw kasi ni Dora sa kanya yung mapa papunta dun sa resort e" natatawa kong sagot.

"Tsk!! HaHaHa. Oh ayan. Tatlong tawa para sayo Baho" sabi nya naman at nagcross arms sya.

"Pfft. Hahaha pero seryoso, secret muna kung saan okay?" Sabi ko ng nakangiti.

Nang medyo malapit na kami sa garden resort ay di ko maiwasang kabahan at pagpawisan ng malamig. Shit. I'm nervous.

"Oh? Bakit ganyan itsura mo? Natatae ka ba?" Tanong nya.

Ngumiti ako bago sumagot. "Happy monthsary babe" malambing kong sabi.

"Pfft. Happy monthsary din! Kahit ang baho baho mo!" Sagot nya.

"Tsk. Mabango kaya ako." Sabi ko.

"Sino namang nagsabi sayo nyan? Ipapapatay ko sya" sagot nya.

"We're here" Pinark ko na ang kotse ko at umikot para pagbuksan ng pinto at alalayan ang asawa ko.

Oo. Asawa na ang turing ko sa kanya simula nung nalaman kong buntis sya. Pero kahit alam kong nakaScore na ako sa kanya. Kinakabahan pa din ako sa proposal ko dahil may chance na hindi sya pumayag.

Inalalayan ko sya patungo sa malawak na garden sa gitna ng resort.

"Ano ng gagawin natin?" Tanong nya.

May nakita akong tao sa di kalayuan na naghihintay sa signal ko. Sumenyas na ako sa kanta na gawin nya na at agad naman syang tumango.

"Manonood tayo" nakangiti kong sambit. Kasabay ng fireworks.

Napatingin naman sya sa kalangitan at halatang masaya sa nakikita nya. Ang romantic ng scene. Nasa malawak at magandang garden kami, medyo malamig ang simoy ng hangin dahil gabi na, gabang nanonood kami ng magkasama ng fireworks.

Nang matapos ang fireworks ay agad akong lumuhod, kasabat ng pagtugtog na isang romantic song.

Tumingin naman sya sakin na nanlalaki ang mata.

"L-lance? D-don't tell m-me..." Nauutal na sabi nya.

Nilabas ko ang singsing na kanina pa nakatago sa bulsa ko.

"Shea. Marami na tayong pinagdaanang pagsubok nang magkasama tayo. Ni hindi ko nga alam na mapapamahal pala ako sayo ng ganito e. Ano ba kasing ginawa mo sa puso ko? Tsk" sabi ko na medyo naluluha na. Pati sya ay nakangiti habang umiiyak

"Hindi ko man maipapangako na di kita sasaktan dahil normal lang naman yun sa nagmamahalan. Pero nangangako akong mamahalin kita. Mamahalin kita pati ang magiging anak natin." Sabi ko at tuluyan ng nakong napaiyak. Shit. Nakakabakla.

"Shea Alonzo. The mysterious Princess. Will you marry me? Please be my wife" kinakabahang tanong ko sa pagitan ng paghikbi ko.

Medyo natagalan sya sa pagsagot nya kaya naman lalo akong kinabahan. Shea please.. Say yes..

"Kahit ang baho baho mo. Mahal kita. Mahal na mahal kita. K-kaya naman gusto rin kitang makasama habangbuhay. Yes. Yes ang sagot ko" sabi nya sa pagitan ng paghikbi nya.

Agad naman akong tumayo at sinuot ang singsing sa kanya. Binuhat ko sya at umikot ikot kami habang patuloy ang pag iyak namin.

"Thank you!! Thank you Shea!!" Sigaw ko at ibinaba ko na sya.

Pinunasan ko ang luha nya gamit ang dalawang hinlalaki ko. Hinawakan ko din ang mga pisngi nya at hinalikan ang labi nya. Nang matapos ko syang halikan ay pinagdikit ko ang mga noo namin habang nakangiti.

Sa wakas.... Sa wakas makakasama ko na ang babaeng pinakamamahal ko.

Revenge Of A Mafia BossWhere stories live. Discover now