Chapter 42: Final

7.2K 183 8
                                    

Author's Note
Hello po sa lahat ng sumusuporta sa ROAMB!! Lalo na po kay ate immaboyinluv. Haha mahal ko po kayong lahat! 😘

Shea's Pov

Lumapit ako kay Samantha kahit hinang hina na ako. Nahihilo ako at hindi na rin ako makatayo ng maayos. May nakita akong katana sa sulok na malapit sa akin kaya naman kinuha ko yun at tuluyan ng lumapit kay Samantha

"Bakit mo ginagawa to? Anak mo sya diba?" Nanghihinang tanong ko.

"Anak? Sya? Hahaha. Nag iisa lang ang anak ko. Yun ay yung pinatay ng magaling mong tatay!! At yang si Lance? Anak sya ng naging asawa ko na hiniwalayan ko naman agad dahil ayaw nya sumangayon sa black mafias noon" sagot nya

"Pero bakit pati sya dinamay mo?! Kami ang may kasalanan diba?! Pinatay mo na ang mommy at kuya ko!! Bakit ayaw mo pa ring tumigil?!" Sigaw ko kahit hinang hina na ako.

"Bakit ko sya dinamay? Dahil dumikit sya sa inyo! Kung di sya sumama sa inyo edi dapat wala sya dito at patay na din kayo!" Sigaw nya.

"Bullshit! Yan ang dahilan mo?! Yan lang ang dahilan mo?! Sisiguraduhin kong ikaw ang mamamatay ngayon dito!!" Sigaw ko

"Oo. Yun ang dahilan ko, may magagawa ka pa ba?! Tsaka hinang hina kana oh! Hahaha" nakakalokong sambit nya.

Itinaas ko naman ng katana, sya naman ay kumuha ng dagger sa bulsa nya. "Lalaban ka pa talaga? Hahaha" sabi nya at sinugod ko na sya na agad.

Mukhang hindi nya inaasahan ang pag atake ko kaya naman nahiwa ko sya sa braso nya. Minsan ay napapatingin ako kay Lance na may mga sugat na din sa katawan. Hinagis nya ang dagger nya at nadaplisan ako sa braso. Damn, hindi na ako makakilos ng aayos. Napasandal ako sa pader, sya naman ay agad na sumugod at sinipa ako sa bandang tagiliran. Humawak ako sa pader para kumuha ng suporta at para hindi ako matumba sa sahig. Shit.

"Hahaha. Ano? Hanggang dito kana lang ba?" Sabi habang nakangisi.

Pero hindi. Hindi ako susuko, kailangan kong mabuhay. Dahan dahan akong tumayo ng maayos at dinampot ang katanang nahulog ko nang sipain nya ako.

"Sumuko kana kaya? Kawawa ka naman oh. Hahaha" sambit nya.

Pagkaharap ko sa kanya ay isang malakas na suntok sa pisngi ang sumalubong sa akin.

Pinilit kong wag matumba sa sahig, pinunasan ko din ang dugo sa labi ko. Tinutok nya sa leeg ko ang dagger nya kaya naman inangat ko ang paningin ko sa kanya.

Buti nalang hawak ko ang katana kaya nahiwa ko sya sa braso, dahilan para mabitawan nya ang dagger.

"Shit. Pinupuno mo talaga ako ha?" Sabi nya.

Hindi ko napansin na bumunot sya ng baril. Kaya naman umalingaw ngaw sa buong lugar ang isang putok ng baril.

Tila namanhid naman ang kanang balikat ko, ramdam ko din ang pag agos ng dugo na nagmumula sa kabilang balikat ko. Napatingin sa amin si Lance kaya naman tumakbo sya palapit sa kinaroroonan namin. Ngunit, hindi pa sya nakakarating ay napaupo na ako sa sahig. Nahihilo ako at nanlalabo na din ang paningin ko.

Shit. Dito na ba matatapos ang lahat?

Bago pa ako tuluyang mapahiga ay nasambot na ako ni Lance. "Shea. Shea! Wag kang pipikit! Damn!" Sigaw nya habang tinatapik ang pisngi ko.

"Hahahaha. Dapat sa inyo! Pinapatay!!" Sigaw ni Sam. Nakita ko syang tinapat sa amin ang baril nya. Hindi, hindi ako papayag na pati si Lance mapahamak.

May tumulong luha sa mga mata ko bago ko pinilit na tumayo para sanggain ang balang papakawalan ni Samantha

*BANG*

Revenge Of A Mafia BossWhere stories live. Discover now