Chapter 5: The Fight

13K 322 5
                                    

Gabrielle's Pov

Nakakainis!! Dahil sa mga asungot na yun nabawasan ang Libro ko. Damn!!

Pauwi na kami ngayon sakay ng Scooter namin. Tang ina. Isa pa to!! Ang bagal ng takbo!! Mas mabilis pa ata akong tumakbo kaysa dito e!

Pagkauwi namin ay agad kong tinanggal ang contact lenses at nerdy glasses ko dahil hindi na talaga ako kumportable. Naligo na din ako at nagsuot ng Black Sando with ripped fitted jeans. Tapos black boots. Pupunta ako ngayon sa Gangter's World (GW).

Ang GW ang parang isang bar na may malaking Ring sa gitna. Ang Ring sa gitna ay ginagamit sa mga labanan ng Gangster. Alam ko ang lugar na yun dahil hindi ko first time dito sa Pilipinas. Pati si Joyce alam din to. Nakapunta na kasi kami dito noong may binigay sa aming Mission si King.

Lalabas na sana ako ng Mansion nang makita ko sina Shea at Joyce na nakasuot din ng parang akin.

Si Shea ay naka-tube na hanggang bewang tapos may Black Leather Jacket at naka Black fitted jeans at nakaBoots din.

Si Joyce naman ay White sando at black Blazer. Naka Fitted jeans at Boots.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.

"Niyaya ko si Shea sa GW para magpalipas oras. Eh ikaw? Saan ka pupunta?" Sabi ni Joyce.

"Sa GW din. Magbubuhos ako ng galit. Tang ina!! Nabawasan ang libro ko!!" Sabi ko.

"Hahahaha. Libro lang yan Gab!!" Si joyce.

Binatukan ko naman sya. "Wag kana lang mangialam" sabi ko.

"Whatever!" Si joyce.

Nagsuot kami ng Contact Lenses. Dahil ayaw naming malaman nila na ang Dark Princesses din ay kabilang sa Alonzo Mafia.

(Ibang color po yung ginagamit nilang Contact Lenses kapag nagbibihis sila as Dark Princesses)

Sumakay na kami sa Big bikes namin. Nang makarating kami sa GW ay ipinark na namin ang Big bikes namin at pumasok na sa loob.

Take note!! May half face mask kami.

Natahimik sila nung dumating kami. Nakita namin ang Devil Phoenix. Nakaupo sila sa mahabang sofa at nakikipagFlirt sa mga Girls. Kadiri!! Yuck!!

Bigla namang nagsalita yung Emcee na nasa loob ng Ring.

"I-welcome naman natin ang Rank 1 sa Gangster World!! And Dark Princesses!!" Yung Emcee.

Naghiyawan at Nagpalakpakan sila.

"Dark Princesses. Pwede ba kayong lumaban dito sa Loob ng Ring?" Tanong ng Emcee.

"Game!! Sounds Exciting!!" Sabi ni Joyce.

Eto Guys yung Codenames namin.
Si Joyce ay si Pink Diamond
Ako ay si Black Crystal
At si Shea ay si Demon Princess

Huwag na kayong magtaka kung bakit Pink Diamond yung kay Joyce.

Sabay sabay kaming nagpunta sa loob ng ring.

"Sino ang gustong humamon sa ating Rank 1?!" Sigaw ng Emcee.

Agad namang tumayo ang Devil Phoenix. "Kami" sagot ni Charles. Di ko alam ang Codenames nila eh.

"Wow!! Rank 1 vs. Rank 2!! Mukhang magandang laban to!!" Sabi ni Emcee.

Umakyat agad ang Devil Phoenix sa Ring at isa isang nakipagkamay sa amin.

Nasa harapan na namin sila at isa isa silang nagpakilala.

"I'm the Dark King" sabi ni Lance. Wow for the first time!! Nagsalita na sya!!!

"I'm the Hot Titan" sabi ni Harriss. Yuck. Hot Titan?

"I'm the Silver Knight" sabi ni Charles. Hmm. Not bad.

"So let's the fight begin!!" Sabi ng Emcee.

So ngayon lalaban kami ng Bare handed. Ganun din naman ang Devil Phoenix.

Susuntukin sana ako ni Silver Knight pero naunahan ko sya. Sinipa ko sya sa maselang bahagi ng katawan. Kaya ayun nagpaikot ikot sya sa sahig at mukhang namimililit.

Si Pink Diamond naman ay gumamit ng Roadhouse Kick kaya ayun. Tulog si Hot Titan.

Si Demon Princess at Dark King naman? Ayun nagsusuntukan at nagsisipaan pa rin. Magaling si Dark King. Pareho sila ni Demon Princess. Gumamit na sila ng Martial Arts sa paglalaban, wala talagang balak magpatalo sa kanila.

Di namin sya matulungan dahil ayaw nya na may nangingialam sa laban nya.

Namamangha ako sa kilos nilang dalawa. Ang bibilis nila. Para silang mga Kidlat. Pati si Pink Diamond napapanganga na din.

Pero nagkamali ng kilos si Dark King kaya sinamantala yun ni Demon Princess. Pinaulanan ni Demon Princess si Dark King ng sipa at suntok.

Bumagsak sa sahig si Dark King at kami ang tinanghal na panalo.
Nakakamangha ang naging laban nila. Sobrang lakas talaga ni Demon Princess. Kaso kung hindi nagkamali ng kilos si Dark King ay may posibilidad na matalo kami.

Nang matapos ang laban ay uminom kami ng kaunti. Wala na din ang Devil Phoenix dito malamang umuwi na. Uminom kami ng kaunti lang dahil magmamaneho pa kami pauwi.

Nang makauwi na kami ay naligo ulit ako at pabagsak na humiga sa kama.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon