Chapter 19: Doubt

9.8K 241 2
                                    


Monday na. So it means may pasok na.. Pero aabsent muna ako, kasi nga kaklase namin ang Devil Phoenix. Baka makahalata sila kapag nakita nila tong binti ko.

Tumayo na ako kahit iika ika ako maglakad. Pagbaba ko sa kusina, nakita ko sila na kumakain na ng breakfast.

"Good morning!" Si Joyce.

"Bakit di ka pa nakauniform?" Si Gab.

"Oo nga. Malalate na kaya tayo!" Si Joyce.

"Grabe Joyce, napaka-hyper mo pa rin? Di ka ba tinamaan ng Hang over?" Si James.

"Andami nyo naman kasing nainom!" Si Joyce.

"Tss. Hindi muna ako papasok, tutal Acquaintance party na din naman bukas." Sabi ko.

"Okey dokey!! Edi ikaw lang mag isa dito?" Si Marky.

I sighed. "Hindi, kasama ko yung anino ko" sagot ko.

"Wahahaha!! Joke ba yan?! Hahahaha" si Joyce.

Isinampak ni Gab sa bibig ni Joyce yung buong tinapay.

"Bilisan nyo na nga kumain. Tss ang ingay nyo" si Gab.

"Ang mean mo sakin!!" Si Joyce.

Nagpatuloy na sila sa pagkain, nang matapos sila ay pumunta na sa university. Ako naman ay bumalik sa kwarto ko.

Harriss's Pov.

Ako Lang ba? Ako lang ba ang naghihinala na yung nerds na yun ay ang Dark princesses? Paano ba naman kasi kaboses ang Dark Princesses yung tatlong nerds na yun. At sakto naman, nung nag transfer dito yung James at Marky. Bigla namang nagkaroon ng dalawang kasama ang Dark Princesses. Ang gulo!

"Harriss." Si Dad.

Nabalik ako sa regalidad nang tawagin ako ni Dad. Nakain kasi kami ng breakfast ngayon eh.

"Yes! What's that Dad?" Sabi ko.

"I was saying na patay na si Ernesto. Yung member ng Black Mafias." Si Dad.

"So, Ano namang kinalaman ko jan?" Tanong ko.

"Ang hinala nila, Ang mysterious princess ang pumatay sa kanila. So, I have a mission for you."

"To know who's the person behind her Mask?" Tanong ko.

"Yes. How'd you know?"

"Its obvious Dad"

"Okay okay. Just finish your breakfast. Malalate kana"

Binilisan ko na lang kumain, nang makalabas ako ng mansion ay sumakay na ako sa Veneno Roadster ko.

(Nasa taas po yung pic ng Veneno Roadster)

Sa totoo lang para ayokong pumasok dahil may bruise ako sa pisngi. Letche!! Natalo na naman kami! Tch!

Nang makarating ako sa University ay dumerecho ako sa parking lot para Mag-park, pero nakita ko dun yung dalawang nerd na mukhang nag uusap. Pi-nark ko yung sasakyan ko pero hindi muna ako umalis para marinig ko yung pinag uusapan nila.

"Excited na ako bukas!!" Si Joyce.

"Sana lang okay na yung binti bukas ni Shea. Tss" si Gab.

Bigla namang dumating yung James at Marky.

"May mission daw tayo sabi ni King" si James.

"Ano?!?!" Si Joyce. Tinakpan naman ni Gab yung bibig ni Joyce.

"Sshh.. Baka may makarinig" si Gab.

"Edi patayin natin kung may makarinig!" nakangusong saad ni Joyce.

"Sa Mansion na natin pag usapan yang mission na yan para kaharap si Shea." Si Joyce.

"Oo na. Tapusin pati natin agad para makapunta pa tayo sa party!" Si Marky.

Naglakad na sila palayo, habang ako nandito pa din sa sasakyan ko. What the hell? Mission? King? Lalo na ako naghihinala! Pati na rin yung binti ni Shea? Diba nagkaInjury din kagabi yung Binti ni Demon Princess dahil kay Lance? Ah!! Nakakalito na lalo!!

Nanatili pa ako dito ng ilang minuto hanggang sa makita ko yung sasakyan ni Charles. Nang makababa na sya ay sumabay na ako sa kanya pumasok.

"Inintay mo talaga ako?" Si Charles.

"Ano? Assuming lang pre? Tinatamad kasi ako pumasok kanina eh. Tapos nung sinipag ako sakto namang dumating ka" sagot ko.

"Reasons! Nababakla kana Pre!! Hahaha"

"Kapal mo! Sa gwapo kong to? Tsk tsk"

"Gwapo? Tingnan mo nga yang pisngi mo! May pasa pa!! Hahaha" si Charles.

"Tss" tanging sagot ko.

Nakarating na kami sa classroom, andun na si Lance. Tulog!! Haha. Andun na rin yung dalawang nerds at yung dalawang lalaki.

Binati kami nung mga kaklase namin ng good morning, yung iba naman puro I love you, be with me, be mine!! Tss. Hirap talaga pag gwapo! I comb my hair using my fingers. Kahit may bruise ako gwapo pa rin talaga.

Siniko naman ako ni Charles.

"Tapos kana mag-day dream?" Tanong nya.

"Ang gwapo ko pare" sabi ko nalang.

Tumabi na kami ni Charles kay Lance. Hindi na na namin sya ginising dahil alam naming pagod sya. Damn.

Nakatingin lang ako sa likuran nung dalawang nerds. Sila nga kaya? Kailangan ko pa nga pa lang gawin yung Mission ko. Tss. Paano ako mag uumpisa eh wala naman akong kahit anong Impormasyon na hawak tungkol Sa kanya.

Dumating na ang teacher namin at nakinig nalang ako sa lesson. Favorite subject ko kasi yun eh. English!! Hahaha.

Natapos sunod sunod na klase at kasalukuyang lunch break na. Gising na din si Lance, buti na nga lang hindi sya nakita nung mga teachers namin. Galing nya magtago. Tss.

Pumunta na kami sa favorite spot namin sa cafeteria. As usual, naghiyawan yung mga fan girls namin.

Umorder na kami at umupo, habang kumakain kami nabanggit ko na din sa kanila yung mission ko and they said na tutulungan nila ako. Hays. Buti nalang may kaibigan ako na kaya akong tulungan.

Maya maya pa ay dumating na din yung dalawang nerds kasama yung dalawang lalaki at umupo sila malapit sa amin. Tsk. Nananadya ba sila? Psh.

"Huy! Bakit ganyan itsura mo?!" Si Charles.

"Para kang tanga" si Lance.

"Ang gwapo ko kasi! Haha" sabi ko nalang.

"Nangangarap lang pala eh. Hahaha akala ko naman nakita mo ang Dark Princesses. Ganyan kaya itsura mo nung nakita mo sila kahapon! Haha" si Charles.

Speaking of Dark Princesses, walang nakakaalam ng Identity nila. Kagaya nalang ng Mysterious Princess. Possible kayang konektado sila?

Revenge Of A Mafia BossWhere stories live. Discover now