Chapter 37: Courting her Part 2

7.1K 152 1
                                    

Gab's Pov.

Pauwi na kami ngayon galing ospital. Tsk sana pala di na ako pumunta, abala pa eh Ayoko ding makita ang pagmumukha ni Charles. Naiinis ako, nanliligaw na sya sa akin. Oo tama kayo, nanliligaw na sya.

Flashback...

Paakyat na ako ng kwarto nang may marinig akong kaluskos. Sino naman kayang hinayupak yun? Tss. Di ko na yun pinansin at nagderederetso na ako sa kwarto.

Lumapit ako sa bookshelf para mamili ng librong babasahin. Pero nawawala yung paborito kong libro. Damn!

Hinanap ko sa buong kwarto yung librong yun pero wala pa rin. Nasaan na yun? Maya maya pa ay may kumatok sa pinto.

"Tsk. Sino yan?!" Sigaw ko.

"Si Charles to! May ibibigay lang ako" sagot nya kaya lumapit ako sa pinto at binuksan yun.

"Anong ibibigay mo?!" Tanong ko.

Nilabas nya mula sa likod yung librong kanina ko pa hinahanap. "Shit! Akina yan!!" Sigaw ko at inaagaw sa kanya ang libro pero tinaas nya ito kaya di ko maabot.

"Psh. Bakit ba mahal na mahal mo yang mga libro mo?" Tanong nya habang nakataas ang kamay nya kaya di ko maabot yung libro.

"Yang librong hawak mo na yan ang pinakamahalaga sakin! Kaya ibigay mo na yan!" Sabi ko.

"Haha. Ibibigay ko ito pero may kapalit." Sabi nya.

"Kapalit?" Tanong ko.

"Oo" sabi nya habang nakangisi.

"Ano naman yang kapalit na yan?" Tanong ko.

"Papayag kang ligawan ko" sabi nya.

A-ano daw? Liligawan nya ako? Hmm.. Ligaw lang naman diba? Ang mahalaga sakin ay ang maibalik ang libro ko. Tss.

"K. Fine" sabi ko

Ibinalik naman nya agad sa akin ang libro. Niyakap ko to agad. Napansin kong hindi pa umaalis si Charles kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Oh? Ano pang ginagawa mo dito?" Pagsusungit ko.

"Uhm. Sabi ko nga, paalis na ako hehe" sabi nya sabay kamot sa ulo nya. Tss..

"Tss. Go ahead. Siguraduhin nyo lang na magigising kayo ng maaga bukas dahil kung hindi? Bubuhusan ko talaga kayo ng nagyeyelong tubig" sabi ko bago isara ang pinto ko.

Tss. Nakakainis! Kung di lang talaga mahalaga sakin ang librong to!

END OF FLASHBACK..

Charles's Pov.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sasaya ba ako o malulungkot? Sasaya dahil pumayag na sya? O malulungkot dahil pumayag sya para lang sa isang libro. Ano bang meron sa libro na yun?

Magiging masaya nalang muna ako dahil pumayag na sya! Tsaka ko na p-problemahin yung libro. Hmm.. Ano kayang first step?

Kakauwi lang namin ngayon galing sa Hospital. Ngayon ko na nga lang itutuloy ang plano ko. Psh. Gabi na rin kaya nagsitulog na kami. Babatiin ko sana si Gab ng go,od night kaso mabilis syang nakaakyat pataas. Hays.

-------

Nagising ako ng maaga at agad akong napatingin sa orasan. 1:24am. Mahaba haba pa ang oras ko. Sana lang may bukas na flower shop ngayon. Nagsuot ako ng Tshirt at pants,nagsuot din ako ng jacket dahil malamig na sa labas.

Sa motorbike nalang ako sumakay. Buti nalang pala nadala ko to dito. Pinaharurot ko ito ng mabilis hanggang sa may nakita akong bukas na flower shop! Binggo!! Pinark ko ang motor ko at pumasok sa loob. Sumalubong sa akin ang isang matandang babae at may katabi syang lalaki.

"Ah. Good morning po. Tuloy po kayo" bati nung lalaki. Parang nakita ko na sya? Hm.. Saan ba?

"Pamilyar ka.. Anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Uhh. William po. William Hendricks. So ano pong flower ang hanap nyo?" Sabi nya. Ah.. Kaya naman pala pamilyar..

"Roses. Yung iba't iba ang kulay ha? Pakiarrange na din babalik ako dito maya maya" sabi ko. Di ko na inintay ang sagot nya at sumakay nalang sa motor.

Hmm.. May bookstore kayang bukas? Libro nalang siguro ang ibibigay ko sa kanya.

Naglibot libot ako at naghanap ng bukas na bookstore pero Shit!! Wala akong makita!! Ano kayang pwede pang iregalo sa kanya?

Napadaan ako sa 7/11. Teka, may mga libro din dito diba? Pinark ko yung motor sa harapan at pumunta sa mga School Supplies. At yun nga. May nakita ako! Pumili ako nung makapal na libro. Ayaw nya kasi mung manipis e. Masyado daw maikli. Psh.

Nang mabili ko na ay bumalik ako sa flower shop.

"Okay na ba?" Tanong ko.

"Yes sir!" Masiglang bati nya.

Binayaran ko na yun at kinuha yung bulaklak.

Tumingin ako sa Wrist watch ko. 2:45 na. May 15 minutes nalang ako. Kaagad akong sumakay sa motor at pinaharurot pauwi. Dahan dahan akong pumasok. And binggo!! Mag isa lang si Gab sa Dinning area! Hahaha. Nakatalikod sya sakin pero alam kong naramdaman nya ang presensya ko.

"Oh? Saan ka naman galing?" Pagsusungit nya. Haha. Ang cute nya talaga..

Humarap sya dahan dahan sakin at nakiya nya yung flowers at yung libro. Ngumiti ako ng malapad at iniabot sa kanya yun.

"For you, My princess" sabi ko.

At nakita ko namang nagblush sya!! Ang cute nya talaga!! Hahaha.

"S-sal-lamat"nauutal na sabi nya.

"Teka. Tama ba ang narinig ko? Nagpasalamat ka?! Hahaha" sabi ko. Umiwas naman sya ng tingin.

"Tsk" tanging sabi nya akmang tatalikod na sya pero hinigit ko sya at isinandal sa pader. Yung dalawang kamay ko naman ay nasa gilid ng ulo nya.

"U-umalis ka kung ayaw mong makatikim sakin!" Sabi nya.

"Isa lang ang gusto kong matikman" sabi ko at bumaba ang tingin ko papunta sa labi nya. Ang ganda ng labi nya, mapula pula at manipis. Napalunok muna ako bago ko nilapit ang ulo ko sa ulo nya.

Nakita ko naman na napapikit sya. Nasa isang hibla nalang siguro ng buhok yung pagitan namin nang may sumigaw.

"PDA in the House!!"

Revenge Of A Mafia BossWhere stories live. Discover now