Chapter 33: Enemy

7.6K 190 9
                                    

Ilang sandali pagkatapos kong maligo ay dumating si Lance dala ang isang Tray.

"Nagluto ako ng lugaw" sabi nya sabay ngiti.

"Niluto mo? Baka may lason yan ah" tatawa tawang wika ko.

"Bakit ko naman to lalagyan ng lason? Haha. Pero ingat ka. Baka gayuma ang meron dito"

Nilagay nya ang tray sa side table. At kinuha ang bowl na may lamang lugaw. Lumapit sya sa kinauupuan ko.

"Tss. Huwag mo na akong subuan. May kamay ako no." wika ko.

"Wag ka ng umangal." Sabi nya. Napangiti nalang ako sa kanya.

Dahil nahihilo na din naman ako ay di na ako pumalag. Sinubuan nya lang ako ng sinubuan hanggang sa maubos yung lugaw sa bowl.

Nilapag na nya yun sa tray at may kinuha syang isang gamot at isang basong tubig.

"Drink this. Para gumaling na yang lagnat mo" sabi nya bago ko inumin yung gamot.

So that's it. May lagnat ako. Grabe, di ko man lang alam na lagnat na pala to? Tss.

Nagkwentuhan pa muna kami dahil di pa daw ako pwedeng humiga at matulog kasi kakatapos ko lang kumain.

Nalaman yung likes and dislikes nya. At nalaman ko din na allergic pala sya sa seafoods? Di daw sya nakakahinga kapag kumakain sya nun. Kung sya may Allergic sa seafoods, ako naman sa peanuts.

Makalipas ang ilang oras ay lumabas na sya ng kwarto ko at hinayaan na nya akong matulog.

Nagising na okay na ang pakiramdam ko. Di na din ako nahihilo, dahan dahan akong umupo at sumandal sa Headboard. Pagka-upo ko ay may nalaglag na towel na nagmula sa noo ko.

Nakita ko din naman si Lance na nasa sahig na tulog na tulog. Nakabaluktot sya at mahahalata mong nilalamig. Paano naman nya nagawang matulog dito? Tss. Pasaway talaga.

Tumayo ako at ikinumot sa kanya ang kumot ko. Buti nalang at may carpet dito kaya di sya totally sa sahig nakahiga.

Nang magawa ko na yun ay nag ayos na ako. Medyo masakit pa ang paa ko pero kaya ko na naman.

Bakit napaka-caring mo Lance? Ganyan ka ba talaga? Hays.

Someone's Pov

"She's with my stepson eh?"

"Opo, Queen. Ano pong susunod nating gagawin?" Tanong nya habang nakayuko sa harapan ko.

"Idamay nyo na ang stepson ko at gamitin nyo sya para matalo natin ang babaeng yun" I said with an evil smile.

"Masusunod" sabi nya bago tuluyang umalis.

Hindi kita mapapatawad. Pinatay ko na ang anak at asawa mo. Isusunod ko naman ang isa mo pang anak para maranasan mo ang sakit na naranasan ko nung patayin mo ang anak ko. Magbabayad ka ng triple!

Flashback...

"Mom. I want to be like you!! I want to be a mafia queen of our Clan!" Nakangiting sabi ng aking munting prinsesa.

"Okay baby. As you wish. Pero kailangan mo munang magpalakas okay? You need to train." Sabi ko.

"Yehey!!! Thank you Mom!!" Nakangiti pa ring sabi nya.

She's so adorable. Wala na akong mahihiling pa sa buhay basta't kasama ko ang nag iisang Prinsesa ko. She's 13 years old. Bata pa sya kung titingnan pero napaka-mature na nya mag isip.

"Oh sya sige na. Mamasyal ka muna sa Mall. Isama mo ang Butler mo okay?" Sabi ko sa kanya.

"Okay Mom Mwah!!" Sabi nya bago sya umalis.

Pagkaalis nya ay nagsimula na aking mag ayos ng mga papeles nya para makalipad na sya agad papuntang Japan for her training.

Pero isang saglit pa ay tumawag sa akin ang butler ng aking Prinsesa.

"Hello? How's my baby? Nag enjoy ba sya?" Tanong ko.

"M-ma'am. S-she's dead. Your d-daughter is Dead. Sorry po kung di ko napagtanggol" Sabi nya habang umiiyak.

"W-what?" Nanghihinang tanong ko.

"P-pinatay mo sya ng King ng A-alonzo Mafia. Ma'am" sagot nya.

I ended the call. Hinagis ko lahat ng gamit na mahawakan ko dito sa opisina ko.

"Aarrgghh!!!! Paano mo sya nagawang patayin!!!" Sabi ko habang masaganang tumutulo sa mga mata ko ang luha ko.

Magbabayad ka!!! Magbabayad kang hayop ka!! Hinding hindi kita mapapatawad!!

Tinawagan ko ulit ang Butler at tinanong ko kung nasaan ang anak ko. Ang sabi nya asa Morgue daw sa ***** Hospital. Kaya naman agad agad akong pumunta dun.

Pagpasok ko sa morgue, nanghihina kong tinanggal ang telang nakataklob sa kanya.

Muli na namang tumulo ang luha ko.

"Baby. Diba gusto mo pang maging Mafia Queen? Gumising kana jan. Baby" sabi ko kasabay ng paghagulgol ko habang hawak ko ang kamay nya.

"Baby please? w-wake up. Nandito na si Mommy." sabi ko.

"Ma'am tara na po" sabi ng butler.

Di ko kayang makitang ganito ang anak ko. Pakiramdam ko parang ako yung pinatay nila.
Magbabayad ka King. Pagbabayaran mo ito. Sisiguraduhin kong mararanasan mo din ang mawalan.

Author's Note.

Hello!! 😊 Sorry po kung maikli. Maglalagay din po ako ng Pov ng mga kaibigan nina Shea na nasa Pilipinas.

Thank you sa pagsuporta nyo. 😊 Don't forget to vote and Comment. Thank you!

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon