Chapter 43: Epilogue

9.1K 210 8
                                    

Lance's Pov
6 months later......

Anim na buwan na, anim na buwan na nung matapos ang labanan na yun. Pero hanggang ngayon, masakit pa rin. Kahit hindi ko naramdaman na mahal mo ako, mahal na mahal pa rin kita.

Nasa tapat ako ng puntod nya, nagtirik ako ng kandila at naglagay ng bulaklak.

"Mahal kita, mahal na mahal kita" sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko

"Sana di mo nalang ginawa yun, sana nasa tabi pa rin kita, sana buhay ka pa rin" dagdag ko pa.

Umupo ako sa tapat ng puntod at pinagmasdan ito. Dahan dahan akong tumingala, at nakita ko na anumang oras ay babagsak na ang ulan.

Bakit kailangang sa ganitong paraan ka mawala? Hindi pa nga tayo nakakapagbonding, iniwan mo na agad ako.

Bumuhos ang malakas na ulan. Pero hindi pa din ako sumisilong. Hindi ko kayang tumayo. Yumuko ako at niyakap ang mga binti ko.

"B-bakit?!" Sigaw ko habang tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na wala ng pumapatak na ulan sa akin kaya naman napataas ako ng tingin.

At nakita ko ang asawa kong 3 months ng buntis. Sana nandito pa sya. Sana nandito pa sya para makita nya ang magiging anak ko.

Umupo ang asawa ko sa tabi ko.
"Lance, sure naman akong masaya na si Samantha sa kinaroroonan nya" sabi nya na may pilit na ngiti.

Hinawakan ko ang payong ns hawak nya at yinakap sya ng mahigpit.

"Mahal kita. Sana wag ka ding mawawala sa akin, dahil hindi ko na talaga kakayanin. Mahal na mahal kita Shea" sabi ko habang yakap ka pa din.

"Tss. Bumitaw ka nga! Naiipit si Baby. Damn" sabi mo kaya napabitaw ako bigla ng yakap.

Hinawakan ko ang tyan nya, "Baby? Sorry ha? I love you baby" sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"Psh. Halika na nga. Maligo ka at baka magkasakit ka nyan" sabi ng mahal kong asawa kaya naman sumunod na ako.

Flashback..

Pabagsak na si Shea sa sahig, mabuti nalang at naabutan ko sya kaya naman niyakap ko sya ng mahigpit.

"Shea. Shea! Wag kang pipikit! Damn!" Sabi ko habang tinatapik ang pisngi

"Hahaha. Dapat sa inyo pinapatay!" Sigaw ng mama ko pero wala na akong pakialam. Niyakap ko ng mahigpit si Shea.

Pero nagulat nalang ako ng biglang tumayo si Shea at sinangga ang balang tatama dapat sa akin.

*BANG*

Parang nagSlow motion ang lahat. Wala akong nagawa kundi muling yakapin ang walang malay na si Shea.

"Shit! Shit! Shit!" Paulit ulit na sigaw ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tinapat ulit ni Mama ang baril ang baril nya sakin. Pero hindi ako makagalaw. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Napapikit nalang ako habang yakap yakap si Shea.

*BANG*

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, hindi ako natamaan ng baril. Minulat ko ang mata ko at napatingin sa kanya, nakita ko syang nakabulagta sa sahig at wala ng buhay. Naliligo na rin sya sa sarili nyang dugo.

Sa leeg nila ito pinaputukan kaya naman namatay agad. Napatingin naman ako sa paligid at nakita ako Mafias namin, at ang Alonzo Mafias.

Nandito rin ang mga kaibigan namin ni Shea. Nang makita nila kami ay agad silang lumapit sa akin. Pinabitaw ako sa pagkakayakap ni James.

May kung anong ginawa sya sa katawan ni Shea, hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Please sabihin nyong di pa sya patay. Sabihin nyo na mananatili pa rin sya sa tabi ko.

Nakita ko na mabilis na binuhat ni James si Shea. "Anong ginagawa nyo?!" Sigaw ko habang agos pa rin ng agos ang mga luha ko.

"Buhay pa sya Lance! Tumitibok pa ang puso nya!" Sabi nya na nagpabuhay sa akin.

"Shit! Shit! Dalhin na natin sa Ospital si Shea! Shit!" Sabi ko.

Mabilis na isinakay namin si Shea sa kotse ni Marky. Mabilis din naman nya itong pinaharurot patungo sa pinakamalapit na Hospital.

Dineretso nila sa emergency room si Shea. Habang kami naman ay naiwan sa labas.

Palakad lakad lang ako at di mapakali. Damn.

"Lance. Kailangan mo ding magpagamot." Sabi ni Joyce na ngayon ay yakap yakap ni Harriss.

"Oo nga, at isa pa. Kilala namin si Shea. Kaibigan nyan si kamatayan" mahinahong sabi ni Gab.

Pare pareho lang kaming nanghihina at di pa napapagamot dito.

"Mamaya na ako magpapagamot kapag maayos na ang kalagayan ni Shea. Kayo na muna ang magpagamot" mungkahi ko..

"Dito lang din kami. Dapat kami ang unang makaalam sa kalagayan ni Shea" sabi ni Joyce.

Ilang saglit pa ay lumabas na ang doctor.

"Dad. How's she?" Tanong ni Harriss.

So tatay nya pala to.

"Malakas talaga sya. Hahaha nakakabilib. She's stable. Hindi ko rin alam kung anong nangyari pero safe sya. Pero kailangan hindi pa sya gising ngayon. Kailangan nya munang makaRecover" sabi ng Doctor.

Napangiti ako "Yes!!" Sigaw ko.

"Tinapik naman ako ni Gab sa balikat. Sabi sayo e, kaibigan nya si kamatayan hahaha" sabi nya.

Nang matapos yun ay sabay sabay na kaming nagpagamot. Palagi din kaming nasa room ni Shea para mabantayan sya. Shit. Hindi na ako makapaghintay na magising sya. Miss na miss na miss ko na agad ang boses nya kahit 2 araw pa lang ang nakakalipas.

"L-lance?" Mahinang sambit ni Shea kaya naman agad kaming tumayo at pumalibot sa kanya. "Gising kana! Hahaha mabuti naman!" Sigaw ni Joyce.

Niyakap ko sya at bumulong. "Mabuti naman. Buti nalang. I love you Shea"

"I love you too. Lance, pero p-pwede bang favor?" Mahinang sambit nya.

Napabitaw ako ng yakap at tumingin sa kanya.

"Bakit? May masakit ba sayo?! Saan?! Doc!!" Sigaw ko.

"Wag kang OA." Sabi ni Shea.

"Ano ba kasing favor mo? Damn. Kinakabahan ako" sambit ko

"Pfft. Nanghihina ako, kasi pakiramdam ko. Ilang taon na akong di kumakain. May pagkain ba jan?" Tanong nya kaya napangiti ako. Agad akong nagpunta sa mini ref at pinakain ko Shea. Habang sina Joyce naman ay pinagtatawanan ako. Shit.

May dumating na isang mafia at may binigay na sulat sa akin. Nakuha daw nila ito kay Mama.

Binuklat ko ang sulat.

Dear anak,
Sure akong wala na ako kapag nabasa mo na ito. Pero gusto ko lang na malaman mo ang totoo. Di man kita tunay na anak, mahal kita. Sorry kung nagawa ko yun sayo/sa inyo. Ayoko kasing masaktan ka kapag nawala na ako. Kaya naman ginawa ko ang lahat para kamuhian moko. Mahal kita anak.

-Mama

Nang mabasa ko na ay napaharap ako kay Shea. "Mahal pala talaga ako ni mama" mahinang sambit ko na ikinangiti nya.

Revenge Of A Mafia BossWhere stories live. Discover now