Chapter 41: Kidnapped

7.6K 176 17
                                    

Shea's Pov.
Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. Dahan dahan akong umupo sa higaan na kinahihigaan ko at nakaramdam ako ng matinding pananakit ng ulo kaya naman napahawak ako dun. Dun ko lang din napansin na nakaposas pala yung isa kong kamay.

Argh. Nasaan na ba kasi ako? Shit. Malaman ko lang kung sino sila, hindi na sila makakalabas ng buhay dito.

Tatayo na sana ako nang biglang may pumasok sa kinalalagyan ko ngayon. Babaeng nasa mid 30s na siguro. Madami syang accessories.

Lumapit sya sa akin. "Wanna play a game?" Nakangising sambit nya.

"Kapag ako nakaalis dito, sisiguraduhin kong papatayin kita!!" Sigaw ko.

"Hahaha. Talaga? Oohh.. I'm scared" sabi nya at humalakhak sya.

"Sino ka bang hayop ka?!" Tanong ko.

"Ako? Ako lang naman ang nanay nung batang pinatay ng magaling mong tatay!" Sabi nya na medyo naluluha.

"Bata? Pinatay? Ng tatay ko?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi ka naman siguro bingi ano?! Pinatay ko na ang kapatid at nanay mo! Sisiguraduhin kong ikaw na ang susunod!!" Sabi nya.

Dahil sa narinig ko na yun, pinutol ko ang posas. Madali ko lang yun nagawa dahil kay Midnight na nasa loob ko.

"Ikaw? Ikaw ang pumatay sa kanila?" Tanong ko habang masama ang tingin ko sa kanya.

"Kailangan ko pa bang ulitin?!" Sabi nya.

Susugurin ko na sana sya pero biglang humarang ang mga tauhan nya.

"Ano? Natatakot ka? Magtatago kana lang sa likod ng mga alagad mo?!" Tanong ko.

"Hahahaha. Nagpapatawa ka ba? Di ako natatakot. Hindi lang ito ang tamang oras. Hahaha hayaan mo, mamaya mamamatay ka kasama ng mga kaibigan mo" sabi nya.

"Subukan mo silang idamay" I said with a smirk.

"Haha. Dinamay ko na nga sila e. Sige na. Dalhin nyo na yan." Sabi nya.

Agad naman akong hinawakan sa magkabilang braso nung dalawa nyang alagad. Shet, di ako makakalaban ng ganito. Masyado silang madami.

Nasa tapat na kami ng isang pinto.

"Ohh.. Dapat pala surprise hahaha" sabi nya. Naglabas sya ng blindfold at itinakip sa mata ko. Hindi nako umangal dahil baka saktan nya ang mga kaibigan ko.

Pumasok na kami sa pinto. Nararamdaman ko na hindi lang kami ang tao dito. Ramdam ko din na malaki ang kwartong ito. Tss.

Tinanggal nya ang blindfold ko at sumalubong sa akin ang mga kaibigan ko. Si Joyce, Gab, James at Marky ay nasa isang malaking transparent box. May ilang sugat sila at mukhang hinang hina na.

Si Charles, Harris at Lance naman ay nakatali sa pader. Wala silang pang itaas at puro sugat na din ang katawan nila.

Napatakip ako ng bibig at napaluha sa nakikita ko. Shit. Hindi to totoo.

"Ang saya makita diba? Hahaha" sabi nya. Dagdagan natin ng thrill haha" may inilabas syang remote control at pinindot nya ng red button.

Napasigaw naman sina Joyce na nasa Box. Shit! Kinukuryente sila! Sinipa ko ang kamay ng babaeng ito dahilan para mabitawan nya ang remote.

"Hahaha. Palaban ka ha?" Sabi nya.

Tumingin sya sa kinaroroonan nina Lance at may lumapit sa kanilang ilang lalaki na may hawak na latigo.

Nilatigo sila ng mga unggoy.

"Tama na! Mga hayop kayo!! Ako nalang please!! Wag mo silang idamay!!" Naupo ako at tuluyan ng napaiyak.

"Wag ka mag alala. Ikaw ang susunod sa kanila. Haha" sabi nya at naglabas sya ng maliit na bote. Shut, muriatic acid.

Binuksan nya yun at pinatakan ang balikat. Napasigaw ako sa sakit. Shit!! Hinawakan ako ng mga tauhan nya at iniupo ako sa isang upuan at tinalian nila ako. Sobrang kapal at dami ng itinali nila sa akin.

Nagtama ang paningin namin ni Lance. Nag aalala ang mukha nya. Shit naman.

Naglabas ang babaeng ito ng dagger at sinaksak sa tiyan ko.

"Arggh!" Medyo mahaba yung dagger kaya naman malalim ang natamo ko. Hinugot nya sa tyan ko ang dagger at umagos ng masagana ang dugo ko. Napayuko nalang ako sa sakit at panghihina. Dahan dahan na ding nanlalabo ang paningin ko.

"Tang ina nyo Mom!! Wag nyo syang saktan!! Hayop!!" Sigaw ni Lance.

"Wag kang mag alala. Kayo naman ang susunod sa kanya e" sagot nya.

Hinablot nya ang buhok ko at pinatingin nya ako sa kanya. Hiniwaan nya ang pisngi ko, ako naman ay napapikit nalang.

"Shit!" Sigaw ni Lance. Ramdam ko na pilit syang kumakalawa. Minulat ko ang mata ko para makita sya.

Paano ko ba minahal ang lalaking ito? Hays. Napadako ng tingin ko kina Joyce. Lahat sila nakatingin sakin at lahat sila nag aalala para sa akin. Kailangan kong mabuhay. Kailangan na kailangan. Dahil hindi ko sila maliligtas kapag namatay ako dito.

Binitawan nya ang buhok ko kaya muli akong napayuko. Ramdam ko ang pag init ng mata ko at ang unti unting adrenaline rush dumadaloy sa akin.

Hanggang sa maramdaman kong namanhid na ang buo kong katawan. Napatingin ako kay Lance at mukhang ganun na din sya. Naging matingkad na asul na ang kulay na mga mata nya. Napangisi nalang ako.

Tumingin ako kay Samantha, na siya nga ina ni Lance. "Anong nangyayari sayo? Bakit naging kulay pula yang mga mata mo? Sign na ba yan na mamamatay kana? Hahaha"

Pagkatapos nyang sabihin yun ay pinutol ko ang tali at tumayo. Nakita ko din na ganun din si Lance. Kasalukuyan syang naglalakad palapit sa amin.

"A-anong" sambit nya at umatras sya ng dahan dahan.

"Sugudin nyo sila!! Siguraduhin nyong walang matitirang buhay!!" Sabi nya at tumakbo palabas. Hahabulin ko na sana sya pero sinugod agad kami ng napakaraming mga tao.

Tumakbo palapit sa akin si Lance. "Ako ng bahala dito. Iligtas mo sila" sabi nya. Tatakbo na sana ako palapit kina Joyce pero bigla nyang hinila ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Mag iingat ka. I love you" sambit nya.

Napangiti nalang ako "I love you too" sambit ko. Binitawan na nya ang braso ko at nag umpisan na syang makipaglaban.

Nagtungo ako kina Joyce at sinuntok ko yung box. Shit, ayaw mabasag. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at may nakita akong dagger sa isang lamesa. Kay naman binutas ko yung box gamit yun.

Lumikha ako ng malaking butas, sapat lang para makalabas sila. Inakay ni James at Marky sina Joyce at Gab. Tinulungan ko sila at inalalayan palabas. May mga humaharang sa daanan namin kaya naman kinakalaban ko sila at pinapatumba.

Nang sa wakas ay narating namin ang pinto palabas. Biglang kumirot ang sugat ko sa tyan.

"Shit." Sambit ko at napahawak sa sugat ko. Iniupo nina James sina Joyce sa isang sulok at lumapit sakin.

"Shit Shea. Namumutla kana! Halika na!" Sabi ni James pero umiling ako.

"Kailangan ako ni Lance. Umalis na kayo at tumawag kayo ng ibang mafias." Pinilit kong tumayo ng maayos at nag umpisa ng maglakad.

Habang naglalakad ako pabalik ay nahagip ng tingin ko si Samantha. Nasa kwarto sya kung saan nakikipaglaban si Lance at pasimpleng nanonood. Napapangiti kapag nakikita nyang nasasaktan si Lance. Shit. Paano nya to nagagawa sa anak nya?

Revenge Of A Mafia BossWhere stories live. Discover now