Chapter 22: Another Death

8.4K 211 2
                                    

Shea's Pov.

Pagkatapos namin kumain ay tumawag sa akin ang King. In-short si Dad ang tumawag. Another Mission na naman? Bawal ba kami magbreak? Kahit 1 month lang? Tch.

Lumabas ako para masagot ko ang tawag.

"Yes Dad?" Panimula ko.

Hindi sya nagsalita. Pero naririnig ko ang paghikbi nya.

"Hello Dad? Bakit? May nangyari ba jan?" Tanong ko.

"Ang M-mom mo" sabi nya. Habang umiiyak.

Sobrang kinakabahan na ako. Sana naman walang nagyari kay Mom. Shit.

"Dad bakit? A-ano n-nangyari kay? M-mom?" Nanginginig na ang boses ko dahil sa kaba. Medyo naiiyak na din ako. Tang ina!

"She's gone W-wala n-na sya" sabi nya habang humihukbi pa rin.

I dropped my phone. Napaupo na din ako sa sahig dahil nanlalambot na talaga ang tuhod ko. She's dead. My mom is dead! No! No!! Please wag naman sana! Kailangan kong bumalik dun at alamin ang totoong nangyari. Hindi maaari ito! Pinunasan ko ang luha ko at pumasok na sa loob.

Nakita ko ang tingin nilang parang nagtataka.

"Babalik ako sa US. Ilang linggo lang ako dun at babalik agad ako dito. Huwag kayong kikilos hangga't wala pa akong sinasabi" Sabi ko.

"Ha? Bakit? Anong gagawin mo sa US? Anong nangyari at bakit ganyan ang mga mata mo?" Si Gab.

"Huwag na kayong mangialam. Ayokong madamay pa kayo sa gulong to. Basta sundin nyo lahat ng iuutos ko sa inyo" sagot ko.

"Pero teka lang! Will you give some clues kung ano ba talagang meron?" Si James.

Di ko na sila pinansin, pumunta nalang ako sa kwarto ko para makapag ayos na. Kinuha ko yung maliit kong maleta, di ko na kailangang magdala ng madami dahil may mga gamit naman ako dun. Naglagay lang ako ng mga importanteng gamit ko nang matapos ako ay tumawag ako sa isa sa mga airlines namin para sa isang private plane.

Pagbaba ko ay sinubukan akong pigilan nina Gab at Joyce pero pinigilan sila nina James at Marky. Dumeretso na ako sa garage at sumakay sa Kotse ko, Ipapakuha ko nalang sa kanila tong kotse ko sa airport.

Nang makarating ako sa parking lot ay tinawagan ko si Lance. Buti nalang pala nakuha ko agad number nya. At dapat pala, sinabay ko na siya.

"Who's this?" Bati nya.

["Si Shea to. I want you to come with me. Umalis kana ngayon at iaantayin kita dito sa parking lot sa Airport. Huwag na huwag mong ipapaalam sa kanila na sasama ka sakin."]

"Pero paano ang trabaho ko?" Sagot nya.

["Don't worry, Magaling maghandle ng business si Gab. Uutusan ko sya na sya na ang bahala dun"]

"Fine. Papunta na ako."

I ended the call. Hindi ko sya masyadong kilala kaya naman kilalanin ko sya, ipapakilala ko sa kanya ang tunay na ako pag nasa US na kami. Gagawin ko syang kakampi dahil malakas sya, pero bago ko sya gawing kakampi aalamin ko ang Past nya. At ang tunay na sya.

Ilang saglit pa'y dumating na sya.

"Bakit mo ako gustong isama?" Tanong nya.

"Dahil. Hindi kita masyadong kilala at wala pa akong tiwala sayo kaya hindi ko hahayaan na maiwan ka kasama nila, dahil baka ikaw pala ay isang Traydor at guluhin mo lamang sila" sagot ko.

"Grabe ka naman sa akin. Nakakasakit kana ng damdamin ah." Sambit nya.

Kinuha ko na ang maleta ko pero inagaw nya ito.

"Gentleman naman ako noh." Sabi nya.

"Tss"

Nagtuloy tuloy lang kami sa loob ng airport dahil kilala na naman nila ako. Kasi nga, ako ang may ari nito.

Sumakay na ako sa lrivate plane. Iba itong plane na to kaysa sa ordinaryong eroplano dahil sa advanced technology namin ay nagawa naming pabilisin ang byahe. Isang upuan ang pagitan namin ni Lance. Kumuha ako ng throw pillow at natulog nalang.

Joyce's Pov.

"Asan na?!" Si Charles.

"Hindi pa namin nakikita" si James.

Kasalukuyan naming hinahanap si Lance dahil bigla nalang syang nawala kanina habang nag uusap usap kami. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking yun? Hays!!

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon