Chapter 18: Fight Part 2

10.5K 241 1
                                    

Nakarating na kami sa GW. Pi-nark namin yung mga motorbikes namin sa parking lot. Pinauna ko na silang apat sa loob. Ako naman ay nagsindi ng Sigarilyo. Tss.

Akala ko. Maipaghihiganti na kita. Pero hindi pala ganun kadali yun! Pero pangako kuya. Gagawin ko lahat para sayo, para maipaghiganti kita. Hinding hindi ako susuko.

Nang maubos ang sigarilyo ko ay pumasok na ako sa loob ng GW.
Nagsi-tabi ang mga tao sa dadaanan ko ng makapasok ako. Yung iba ay bumabati pa. Nahagip naman ng paningin lo sina Gab sa isang couch, Pumunta ako sa kanila, nakita kong may beer sa mesa sa harap nila, kaya kinuha ko yung shot glass at uminom.

"Chill ka lang!! Haha." Si Joyce.

"I wanna fight" si Gab.

"Edi tara!" Si Joyce.

"Tara dali!!" Si Marky.

"Kayo nalang" sabi ko.

"Oh! Tara daw!!" Si James.

Tumayo na sila at agad nagtungo sa emcee na nasa ring. May sinabi sila sa emcee at dahil maingay, di ko na narinig yun.

"Paano ba yan? Gustong lumaban nina Black Crystal, Pink Diamond at tong dalawang Unknown!" yung Emcee.

Sinamaan naman sya ng tingin nina James at Marky. Lumapit ako sa ring para mapanood ko sila at dun ko narinig ang usapan.

"Call me Phantom" si James.

"I'm Faithful Warrior" si Marky.

"Wow! Ganda ng Codenames ha!! Hahaha" si Joyce.

"Ang panget" si Gab.

"Ayokong mag isip eh. Haha" si Marky.

"So sila pala guys sina Phantom at Faithful Warrior. So ano na? Sinong gustong lumaban sa kanila?! Akyat nalang kayo dito!" Yung Emcee.

"Eh kung kayong apat nalang kaya maglaban laban?" Tukoy ko kina Black Crystal.

"Oo nga noh!" Si Phantom.

"Oh game! Partner kami ni Black Crystal, at partner naman kayong dalawang lalaki!" Si Pink Diamond.

"Sigurado kayo? Baka masaktan namin kayo? Haha" si Faithful Warrior.

"Let's see" si Black Crystal sabay ngisi.

"Eto na!! Black Crystal and Pink Diamond vs. Phantom and Faithful Warrior!!!" Sigaw ng emcee bago bumaba ng Ring.

Agad naglabas ng baril si Faithful Warrior at pinaputok sa dalawang kalaban nila, pero madali lang nila itong naiiwasan at nasasangga. Umatake naman si Faithful Warrior, nagbato sya sa shurikens pero iniiwasan lang din ulit ito nina Pink Diamond.

"Daya nyo!" nakangusong sabi ni PD (Pink Diamond)

"Kami naman ha?" Si BC (Black Crystal)

Umatake naman si BC barehanded. Ginamitan nya ng caft kick si FW (Faithful Warrior) na naging dahilan para bumagsak sya. Sinamantala to ni BC at agad kinuha ang hawak ni FC na shuriken at tinutok sa kanya.

Si PD naman ay nagpakawala ng butterfly kick at sumakto yon sa mukha ni Phantom bumagsak na din si Phantom.

"Walang kupas talaga!! Wooo!!! Ang winner ay sina PD and BC!!!" Yung Emcee.

Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid. Ako naman ay bumalik na sa couch namin at muling uminom. Dumating naman agad yung apat.

"Hahaha! Laughtrip!!" Si PD.

"Chamba lang yun!" Si Phantom.

"Oo nga! Mag-rematch tayo next time!" Si FW

"Tanggapin nyo na, You're weak" si BC

"Hey look!! Yung Devil Phoenix!!" Singit ni Joyce.

Napatingin naman kami sa tinuro ni Joyce. I sighed. Sila na naman? Tss.

"Mukhang papunta sila dito ah?" Si Phantom.

At hindi nya sya nagkamali.

"Can we fight? Dark Princesses vs Devil Phoenix?" Si HT (Hot Titan)

Napatingin naman sakin yung apat.

I sighed. "Fine" I answered.

Agad naman silang nagtungo sa rmcee at inanounce kung sino ang maglalaban.

Nagpunta na kami sa ring at pumosition.

"No weapons allowed okay?" Si SK (Silver Knight)

"Sure!" Si Joyce.

Nauna namang sumugod sina SK at HT. Sinalubong naman sila nina PD at BC. At kami ni DK (Dark king)? Nakatayo pa din.

(Di ko na po ilalagay yung Acronym nung codename po ni Shea na Demon Princess. DP din po kasi ang Actonym ng Dark Princesses eh. Thanks)

Natapos na ang laban nung apat at sina PD at BC ang nanalo. At ngayon inaabangan nalang nila ang laban namin ni DK. I sighed.

Sumugod sya at pinaulanan ako ng Suntok pero sinasangga ko lang yun, nang mapagod sya ay tinira ko sya ng Roadhouse kick ko pero nasalo nya yung paa ko. Sinuntok nya yung binti ko, nakaramdam ako ng matinding sakit pero hindi ko ininda yun. Hinila ko pabalik ang paa ko at agad syang pinaulanan sya ng suntok.

Pero gaya ng ginawa ko kanina ay sinasangga nya lang din yun. Gumamit na ako ng iba't ibang klaseng martial arts pero natatapatan nya palagi yun. Gumamit na ako ng Brazilian Jiu Jitsu pero nagawa pa nyang tapatan yun.

Magaling talaga sya, pero wala akong balak magpatalo. Tiningnan ko yung kahinaan ng mga lalaki, nahalata naman sya na tiningnan ko yun kaya ngumisi sya. Tss.

Sisipain ko sana yun para sinasangga nya lang. Nahalata nya ata ang Plano ko. Kainis!!

Alam ko na....

Gumamit ako ng caft kick at mukhang di nya inaasahan yun dahil masyado syang naka-focus sya na protektahan yung kahinaan ng mga lalaki.

Bumagsak sya sa lupa at agad akong pumatong sa kanya. Kinuha ko naman ang braso nya at pinadapa sya, para mapilipit ang braso nya, ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa balikat nya. I sighed.

Inawat na kami ng emcee kaya umalis na ako sa ibabaw nya at sinubukang tumayo. Pero di ko magawang iapak yung kanang paa ko dahil kanina sa roadhouse kick na nasalo nya. Buti naman at agad na tumakbo palapit sa akin sina BC at PD ng mapansin nila ako.

Humawak ako sa balikat nila, at naglakad na kami papunta sa Couch. Nang makaupo na ako ay tinaas ni Gab yung pants ko hanggang tuhod, at nakita ko yung binti ko namamaga.

Sinuntok nya lang, namaga na? Tss.

Nabanggit ko na ba na marunong din sa first aid si BC? Well kasi nga, Genius sya kaya alam nya yun.

Nang matapos sya ay inakay naman ako nina Phantom palabas.

Paano ako mag-da-drive ng motor nyan? Tss.

"Umangkas kana muna sa akin Demon Princess, si Marky nalang mag-da-drive pauwi ng motor mo" si Phantom.

"Okay" I responded.

Sumilay naman sa mukha ni Marky ang isang ngiti. Mukhang alam ko na binabalak nito. Tch.

"Marky, drive my motor safely. At sumabay na din kayo samin, Wag mo ng balaking igala pa yan." I said.

Lumungkot naman ang mukha nya.

"Hahahahaha!! Pahiya!!" Si PD

Umangkas naman ako sa motor ni Phantom. Medyo nahirapan pa akong sumakay kasi nya masakit yung binti ko pero nagawa ko paring makaangkas.

Nag-drive na si Phantom pauwi at nakabuntot naman sa likod namin yung tatlo.

Revenge Of A Mafia BossWhere stories live. Discover now