Chapter 20: The Spy

9.2K 231 8
                                    

Shea's Pov.

Damn. Nararamdaman ko na naman yung spy na laging nakamasid sa amin. Posible bang ang black mafias ang nag-utos sa kanya? Well, wag lang syang magpapahuli sa akin.

Maghapon lang akong nandito sa kwarto ko dahil hindi naman kasi ako makalad ng maayos. Gusto ko sanang pumunta sa GW para mag inom, pero paano nga ako makakapunta kung pipilay pilay ako mag lakad? Tss.

Kaysa tumunganga ay kinuha ko nalang ang laptop ko at binuksan ang mafia website. Sinearch ko yung pangalan dun ni Lance Bautista. And bingo! May lumabas pero kakaunti lamang. Tss. Ano naman kayang pinagkakaabalahan nya at lagi syang pagod at puyat? May kinalaman kaya yun sa mafias? Dahil sa pagkakaalam ko gangster lang sya.

Nagutom ako kaya naman naisipan kong bumaba para mangalkal ng pagkain sa Ref. Sana naman nakapag grocery yung dalawang lalaki. I sighed. Bumaba na ako pero isang paa lang ginagamit ko. Sa pagkakaalam ko bumili sina Marky ng saklay kagabi, Sana lang andito na yun. Tumalon talon lang ako gamit ang isang paa ko, nang nasa hagdan na ako ay humawak ako sa railings. Nung makarating ako sa sala, nakita ko nga dun yung saklay na nakapatong lang sa sofa.

Kinuha ko na ang saklay at naglakad na papuntang kusina, binuksan ko ang ref pero fvck! Walang pagkain! No choice. Bibili ako sa convenience store.

Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang wallet ko at susi na kotse ko. At para isuot ang disguise ko. Kotse na gagamitin ko dahil hindi kaya ng paa ko ang motor. Nagpunta na ako sa garahe at kinuha ang kotse nang makuha ko na ay pinaharurot ko na to ng mabilis.

And again, I feel the presence of that bastard spy. Yari ka sakin ngayon. I smirked. Dineretso ko ang kotse ko sa isang lugar na walang katao tao, at napunta ako sa isang open field. Andito pa rin yung spy dahil nararamdaman ko pa sya.

Kinuha ko yung baril ko na nasa ilalim ng upuan ng passenger seat bago lumabas dala ang saklay ko. Tss. Sagabal.

"Labas!!" Sigaw ko. Pero hindi sya lumabas kaya naman humarap ako sa direksyon kung saan ko nararamdaman yung presensya, At agad tinutok dun ang baril.

"Lalabas ka o papaputukin ko yang ulo mo?!" Sigaw ko pa.

Lumabas naman sya at dahan dahang lumapit sa akin pero nakatutok pa din sa kanya yung baril ko. Nang makalapit na sya ay agad akong nagtanong.

"Sinong nag utos sayo?" Mahinahon kong tanong.

Hindi sya umimik at nanatili lang syang nakayuko, Tss. Ang duwag naman nito.

Pinaputukan ko yung binti nya dahilan para mapaupo sya. Dinaing nya rin yung sugat na nya yun.

"Magsasalita ko o papatayin kita?" Sambit ko pa.

"Oo na magsasalita na ako! Wag mo lang lang patayin! Pakiusap!" Sabi nya.

"Depende yan, Kung sasagutin mo lahat ng katanungan ko, Hm.. At ang una kong tanong ay sinong nag utos sayo?" Sambit ko.

Buti naman at sinagot nya agad ang tanong ko. "Si boss Harriss Navarro ang nag utos sa akin"

"Bakit ka naman nya inutusan?" Tanong ko.

"K-kasi, N-naghihinala sya sa katauhan nyong tatlo, P-pakiramdam nya daw, M-may k-kakaiba sa inyo"

Ganun pala, Naghihinala palang sya. Pakiramdam ko mapagkakatiwalaan ko ang Devil Phoenix. "Sabihin mo kay Harriss na pumunta sya sa Mansion ko, Sabihin mo din na isama nya sina Lance at Charles"

Umalis na ako pagkatapos kong sabihin yun, Si Lance, Mapagkakatiwalaan nga kaya sya? Well, I just take the risk.

Hindi na ako pumunta sa convenience store dahil tinatamad na din ako, pero may nadaanan akong pizza parlor kaya naman bumili na rin ako ng limang Box. Oo limang box, kasama na din dito yung apat.

Medyo nahirapan pa nga ako sa pagdadala ko kasi nga may saklay pa ako, buti tinulungan ako nung staff nila.

Sumakay na ako sa kotse at umuwi, dumeretso ako sa kwarto ko, pero nag iwan ako ng tatlong box ng pizza sa sala. Yung dalawang box naman ay dinala ko sa kwarto. Syempre para sa akin lang yun no.

Nabored ako kahit may kinakain ako kaya naman kinuha ko ang laptop ko at nanood nalang sa Youtube. Interesting din naman yung mga recommendations  kaya naman di ko na namalayan ang oras at hapon na pala.

Narinig ko na rin yung mga scooter nila sa labas at ang pagbukas sara ng gate at pinto.

"Wow!! Pizza!!!" Si Joyce.

Kahit nakasara na yung pinto ng kwarto ko rinig ko pa rin sigaw nya. Grabe, nakalunok ba sya ng megaphone? Tss.

Hinayaan ko nalang sila na mag ingay dun hanggang sa maggabi na, bumaba na ako at nakita ko si Marky na nagluluto sa kusina. Yung tatlo naman ay nasa sala. May bigla namang bumusina sa labas.

"Sino yun?" Si Joyce.

Alam kong sina Harriss na yun dahil wala naman akong ineexpect na ibang bisita.

"Isuot nyo ang disguise nyo na pang Dark princesses." Utos ko.

Alam kong naguguluhan sila sa pinapagawa ko ngunit wala na din naman silang nagawa kundi sundin ko. Sinuot na nila ang disguise at ganun din naman ako. Tinuro ko din sa kanila na dapat mag limit sila sa mga sasabihin nila. At hindi pwedeng malaman ng mga bisita na ako ang Mysterious princess.

Pinabukas ko na kay James ang gate at pinto, Hindi nga ako nagkamali. Silang tatlo nga ang mga bisita.

"The heck Harriss? Sabi mo yung mga nerds ang pupuntahan natin? Bakit ang Dark Princesses ang kaharap natin?" Si Charles.

"Because the nerds and the Dark Princesses ay iisa. Idiot" Si Gab.

"Ako? Idiot? Sa gwapo kong to? Idiot?"

"Stop this nonsense. What do you want from us?" si Lance.

"Gusto naming kumampi kayo samin. Don't you think its a great idea? The Rank 1 and Rank 2 will be as one?" Sabi ko.

"Wait wait wait... Hinay hinay nga lang! Una, kayo at ang mga nerds ay iisa. Tapos ngayon gusto nyong sumapi kami sa inyo? Ano bang kailangan nyo sa grupo namin?" Si Charles.

"Huwag na kayong magtanong. Sa tingin ko lang kasi ay mapapagkatiwalaan namin kayo, kung magtatanong pa kayo. Umalis nalang kayo" sambit ko.

Ilang minutong katahimikan ang namalagi sa amin, tila pinag iisipan talaga nila ito ng maayos ha? Bigla namang sumagot si Lance.

"Okay. Sasapi na kami sa inyo"

Revenge Of A Mafia BossWhere stories live. Discover now