Chapter 8: The other Reapers

11.7K 283 2
                                    

Joyce's Pov

Nakakainis!! Amoy itlog at kamatis tuloy ako kanina!! Nakakadiri grabe!! Dapat kina Gab yun eh!!

Lunch break na. Kumakalat na sa buong Campus yung ginawa ko kanina. Shocks nakakahiya.

Andito kami sa Cafeteria at tahimik na kumakain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang mag-ring ang phone ko.

Tiningnan ko yung Screen.. At kinabahan ako. Pinakita ko sa kanila yung Screen.

"Hala. Yari ka!!" Si Gab.

Si King tumatawag. Oh my god!! Sinagot ko na yung tawag.

"Hello, King?"

[Pinapunta namin jan yung dalawa pang Reapers. Maya maya anjan na din sila. Mag iingat kayo jan ha?]

Nagliwanag naman ang mukha ko..

"Wow!! Talaga po!!! Haha sige po King. Ingat din po kayo!!" Masigla kong sagot. And then He ended the call.

"Anong sabi?" Tanong ni Gab.

"Pupunta dito si James at Marky!!" Sagot ko.

"Wow. Astig. Magiging lima na tayo dito." Sambit ni Gab.

"Tch" si Shea.

Ayaw sila kasama ni Shea dahil makukulit at maiingay sila. Hehehe.

"Magkakaroon na din ako ng kakampi!" Sambit ko.

"Uh.. Oh.. Magiging maingay lalo. Oh god."Sabi ni Gab.

"Kailan daw ang dating nila?" Si shea.

"Mamaya na agad."Sambit ko.

"Tch. Shea. Maghanda kana ng sangkatutak na tape " sambit ni Gab.

"Nakahanda na." Sambit naman ni Shea.

"Hey ano ba?! Ang bully nyo talaga!" nakangusong Sabi ko.

"Che!! Basta siguraduhin mong wag mag iingay yang mga yan ha?!" Si Gab.

"Paano ko naman masisigurado eh di naman nakikinig sa akin yun!" Sabi ko.

"Tch" si Shea.

Fastforward...

So eto pauwi na kami ngayon dahil kakatapos lang ng klase namin. At ang inaasahan namin? Nasa Mansyon na na yung dalawa. Yyiiee!! Excited na ako!!

Nasa labas pa lang kami rinig na rinig agad yung bangayan nila. Kaya tumakbo ako papunta sa living room. At dun ko sila nakita na nag aagawan sa isang Gallon na Ice Cream.

Natigilan pa sila ng makita nila ako. Nang Maka-recover sila ay agad nila akong dinamba dahilan para mapahiga kaming tatlo nina James at Marky.

"Namiss ka namin Pink diamond!!!!" Sambit ni Marky.

"Oo nga Joyce!! Namiss ka namin!!" Sabi ni James.

"Wwaahhh!! Namiss ko din kayo!! Sobra sobra!" Sambit ko.

"Tch" si Shea.

Nang marinig namin yun ay agad kaming tumayo. Tumakbo yung dalawa palapit kina Gab at Shea at akmang yayakapin sila nang bigla namang naglabas ng baril sina Shea at tinutok ito sa dalawang lalaki.

Teka. Dala kaya ni Shea yung baril niya sa School?

Tinaas naman nina James at Marky ang Braso nila. Senyales na sumusuko na sila.

"Woah! Wala pa ding nagbabago!" Sabi ni James.

"Ang cold!!" Sabi naman ni Marky.

Humarap naman sila kaagad sa akin.

"So Joyce, tarang mag-movie marathon!!" Sabi ni James.

Nilabas naman ni Marky ang CD ng Insidious 3

"Wow!! Game!! Isalang nyo na yan!! Kukuha lang ako ng Pagkain sa kusina!!" Sambit ko.

"Tch. Bahala na kayo jan. Magbabasa nalang ako sa kwarto ko." Sambit ni Gab na agad namang pumunta sa kwarto nya.

"Magpapahinga nalang ako" sabi ni Shea.

"Ang KJ talaga kahit kailan" sabi ni James.

"Baka may monthly period" Pagkatapos sabihin yun ni Marky ay may biglang sumulpot na Dagger at papunta yun sa kanya.

"Woah!! Ang talas ng pandinig!! Yare ka Marky!!" Sabi ni James.

"Hahaha. Hoy Demon Princess!! Sorry na!!" Sigaw ni Marky.

Nagpunta na ako sa kusina at kumuha ng madaming Snacks. Sobrang namiss ko tong dalawang asungot na to. At sa wakas, magkakaroon na din ako ng kakampi!! Hahaha

Nang matapos ko ng ihanda ay Nagpunta na ako sa living room at nanood kasama sila.

"Waaaahhhh!!" Sigaw ni Marky

"Aray!! Ang sakit nun!!" Sabi naman ni James.

"Waahhhh!! Mommy!!" Sigaw ko.

Nasa Climax na yung Story kung saan sobrang nakakatakot na. Nang bigla kaming makarinig ng yapak ng paa na nagmumula sa hagdanan at Kusina.

Nagtinginan kaming tatlo. Pinatay ni James ang CD at binuksan yung Flashlight nya.

Tinapat nya yun sa Hagdan at may tao dun!

"Wwaaahhhh!!!!!!!" Sigaw naming tatlo.

Tumakbo kami papunta sa kusina. Nilibot ulit namin yung Flashlight!! Nang makita ulit kaming tao! Kaya muli kaming napasigaw!!

"Waahhhh!!!!!!" Sigaw ulit namin.

Napaupo kami sahig habang magkakayap. Nakapikit din kami. Naramdaman naman namin na bumukas ang ilaw kaya agad kaming napamulat. At nakita namin sina Gab at Shea.

"What the hell are you doing?" Tanong ni Shea.

"Hahaha. Yan kasi!! Kakapanood ng nakakatakot! Haha" sabi ni Gab.

"P-pero k-kasi m-may t-tao sa h-hagdan kanina!!" Sabi ni James.

"Oo nga! Sobrang nakakatakot!!" Sabi naman ni Marky.

"Mga tanga!! Si Shea yung nasa Hagdan kanina!!" Sabi ni Gab.

"Eh sino yung andito sa kusina kanina?! Si Shea din?! Ano sya?! Nagteleport?!" Sambit ko.

"G*go! Ako yun!! Nauhaw ako kaya pumunta ako dito!!" Sabi ni Gab.

"Eh bakit di namin kayo naramdaman kanina?" Sabi ko.

"Eh kasi natatakot kayo" sambit ni Shea bago tuluyang umalis.

"Matulog na nga kayo!" Sabi ni Gab.

"Waahh!! Ayokong matulog mag isa sa kwarto!!!" Sambit ko.

"Sa amin kana lang muna matulog!! Para marami tayo!! Baka mamaya higitin ako bigla nung Multo" sabi ni Marky.

"Talaga?!"

"Oo!! Halika na!! Baka may multo pa ulit!!" Sabi ni James.

Tumakbo kami papunta sa kwarto nila at humiga na sa kama nila. Ako ang nasa gitna. Sa left ko si Charles, sa Right ko naman si Marky.

Nung nasa US kami palagi kaming magkakatabi matulog kaya sanay na kami. Tsaka magkakapatid na rin ang turingan namin kaya walang Malisya. Hahaha.

Binuksan namin yung Lampshade bago matulog dahil baka may sumulpot na multo. Unti unti na naming pinikit ang mga mata namin hanggang sa nakatulog na kami.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon