Day 8.5 - Tayo na

825 7 3
                                    

From the hotel, 15 minutes ang tagal ng ride to the beach. Habang nakaangkas ako sa likod, I can smell Daniel's scent. He smells of fresh cucumber, napakafresh. Favorite scent ko pa naman yun, ang sarap sarap sumandal kay Daniel, pero baka ihulog niya ako sa scooter.

Dire-diretso lang ang takbo namin, cool lang napaktahimik.

EEEENNGGGGKKKK

Biglang nag brake si Daniel. Muntik na akong mahulog.

"ANO BA!!! Bumaba ka nga diyan Daniel. Papatyin mo ba ako?" may traumatic experience kasi ako with motorcycle accidents eh kaya this is not a joke to me. Bababa na sana ako pero nahawakan ni Daniel ang braso ko. Pinayakap niya ako sa kanya.

"Yan…Yumakap ka kasi ng mabuti para di ka mahulog. And wag kang matakot, pareho naman tayong mahuhulog eh." he winked at me. That caught me off guard. Gusto ko lang matunaw sa tingin niyang yun.

So yun. Nakayakap ako kay Daniel hanggang sa nakarating kami sa beach. Pumunta kami sa cottage.

"So ano? Nasa beach na tayo. Ano plano mo?" tanong ko kay Daniel. Nakaupo ako sa table ng cottage, si Daniel naman nakaupo sa upuan not so far away from me.

"Wala. Gusto ko lang ng peace of mind. I want to write a song." sabi ni Daniel sa akin, hands with paper and a pen.  Hawak ko parin ang gitara nya. I started playing it. Trip-trip lang. I always liked playing.

"Ang galing mo Janine. I like the melody of what you played." nakikinig pala siya.

"Hehe di naman. Matagal ko na tong ginawa. I just didn’t have the courage to play it sa harap ng ibang tao, until now." sabi ko kay Daniel. Still strumming to the tune of what I have started playing.

"Bakit naman? Ang ganda kaya. You have talent." sabi niya sa akin. Na-touch naman ako, ngayon lang ako nasabihan ng positive comment about sa mga kinocompose ko.

"Gusto mo, sayo nalang songs ko?' I'm serious. I'm offering him my songs, my life.

Nagulat si Daniel.

"No! I can’t accept that. It's yours. Your intellectual property." sabi niya sa akin without looking away.

Lumapit ako kay Daniel with the guitar.

"Hindi ko inexpect that I will meet you in person. I'm your fan. And that's the least I can do for you, you made me happy. And besides, you gave me a rolex." kinindatan ko si Daniel, sabay angat ng braso kong suot ang Rolex ni Daniel. He looked away, then he looked at me again, a teasing smile painted on his lips.

"Ako? Idol mo? I thought you said isa akong aroganteng butiki?" tumayo si Daniel at lumapit sa akin. Magkaharap na kami. As in magkaharap na magkaharap na kami. Uh-oh. I'm afraid of what will happen next.

Umiwas ako ng tingin.

"Yeah. Aroganteng butiki nga. Hindi parin nagbabago ang isip ko." I smiled at him. And I started playing the guitar again, bumalik na siya sa pagkakaupo katapat ko.

"Nananaginip ng gising

Hawak niya ang yong kamay

Napakahigpit nghawak

Tila di na bibitawan.

Para ring tayo

Para ring tayo noon." Nakatingin ako kay Daniel habang kinakanta ko yun. Every word, every memory damang dama ko para sa kanya. He just smiled at me, a very cheering smile, kaya nga mas lalo akong ginanahan eh.

"Ok na basta...

Makita lang kitang masaya

Para ring tayo na

Titigil narin sa pagluha ang aking mga mata.

Makita lang kitang masaya

Para ring tayo na

Tayo na…" Nag standing ovation si Daniel, pinalakpakan niya ako.

"OK ba?" tanong ko sa kanya.

"Anong OK? The best! Ano ba title ng song mo?" tanong ni Daniel sa akin.

"Tayo na." sagot ko sa kanya.

"Tayo na???" tanong niya, looking at me. Pwede bang tayo nalang?

"Ang title ng song. Tayo na." paglilinaw ko sa kanya, and then I smiled.

"Ahhh.. Tayo na. Akala ko.. So Tayo na pala yung title ng song." he laughed, a very nervous laugh, ako rin tumawa pinagpawisan pa nga ako ng malamig eh.

"You can use my song, kung gusto mo." I offered.

"Really? OK.. Thanks a lot Janine. Salamat sa tiwala mo sa akin." lumapit siya sa akin, and he kissed me on my cheek.

I felt a sudden rush of excitement. Ang pula-pula ko siguro. Grabe. Si Daniel. He just kissed me. Sa cheeks. Daniel. Kissed. Me. Hindi ako agad nakabawi. He was still looking at me, he moved a little farther. Mabuti narin yun kasi feeling ko hindi ako makahinga eh.

"Janine, OK ka lang?" tanong niya sa akin, concerned.

"O-oK lang." two words? I wish I know what to say.

"Hehehe. Ganyan ka pala pag hinalikan Janine?" panunukso sa akin ni Daniel. Namula nanaman ako.

"Hindi ah. KAPAL mo pre!" sagot ko sa kanya. Siguro ganito ako kung mahalikan. Pano ko malalaman?

This is my first kiss. Tinulak tulak ako ni Daniel, then he went serious. Tiningnan niya ako sa mga mata.

"Daniel, ang dami ko pang gustong ipakita sa yo. Come with me tomorrow." Sabi ko kay Daniel. He smiled even wider.

"Saan naman?" tanong niya.

"In my hiding place." sagot ko.

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon