Chapter 63 - I love

32.5K 915 61
                                    

(POV Reichel)

I know that Uncle Syl loved Magawen so much. But to think na may masama siyang balak kay Sage at kay Sir Rusty made me hate her more.


"Are you sure ayaw mo magstay sa bahay namin?" tanong ni Sir Rusty sa akin nung nasa airport na kami.


They insisted for me to stay in their house, pero mas gusto ko muna sa bahay mag stay. I need to control my urge at hindi nakakatulong ang presence ni Sage.


"I can handle myself and besides, hindi na po ako threat sa mga royal vampires. Kaya ko naman po ang sarili ko. Saka may kasama ko dalawang malaking aso."


Walang nagawa si Sage at si Sir Rusty kundi sumang-ayon sa akin. Umuwi na ng derecho si Sir Rusty sa mansion nila, pero ininsist pa rin ni Sage na ihatid ako sa bahay. Si Uncle Syl naman ay humiwalay sa amin ng flight para hanapin si Magawen.


"I will stay with you for the night. You are new to this vampire shit and ayoko na bigla ka tumakas sa kalagitnaan ng gabi at magkalat ng lagim," sabi ni Sage habang nagdridrive pauwi sa bahay namin ni Uncle Syl.

"I already told you, nung nasa airport tayo. Ilan daan tao ang nakahalubilo ko pero wala akong urge na gilitin ang leeg nila para inumin ang dugo nila."

"Pero sa akin meron?"

"Well... Wala naman ako balak na saktan ka, pero para kang isang walking iced cold tomato juice at para naman akong three days na hindi uminom ng tubig."

"I can relate to that and I am very much willing to be your tomato juice."

"I am just worried na di ko mapigilan ang sarili ko at masaktan kita or may mangyari sayo masama."

"Naririnig mo ba sarili mo? I am also a fucking vampire. I don't think na kaya mo ko saktan. You are always underestimating me. Bakit ka ba ganyan sa akin?"


Dumating kami sa bahay at sinalubong kami ng isang lalaki na may hawak ng dalawang German Shepherd dogs. Siya si Henrick, ang kapitbahay namin na nag-aalaga ng mga aso namin kapag wala kami ni Uncle Syl. Sa kanya iniwan ni Uncle Syl ang mga aso simula nung nawala ako.


"Pwede ka na nga umuwi, Sage. Hindi nga ako aatake sa gabi. Grabe ka naman mag-isip sa akin ng masama," sabi ko kay Sage sabay baba ko ng bags ko sa kwarto.

"Bakit ayaw mo ba ko na andito?" tanong niya sabay hila sa akin paupo sa bed.

"Gusto naman pero baka..."

"Baka kagatin mo ko? Halika nga dito!" sabi ni Sage sabay yakap sa akin.

"Sage, it is not a good idea kapag ganto ka kalapit sa akin," sabi ko sa kanya habang naririnig ko ang pulse niya sa leeg. He even smells delicious na parang isang ice cream or cake na inaakit ako tikman.

"Bakit na naman? I want to hug you. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala nung kinidnap ka ni Armand. I want to fucking destroy that headquarters to save you, pero Matthias told me that it is impregnable, so I have to wait for fucking three days to execute our plan. You were about to tell me something nung nasa headquarters tayo di ba?" sabi niya na hindi pa rin ako binibitawan.

"Kala ko ba you already know it, bakit ko pa sasabihin?"

"Nakalimutan ko na, ipaalala mo nga sa akin," malambing niyang sabi. 

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon