Chapter 72 - White Herbal Tea

28.4K 861 17
                                    

Mga ilang oras na din na walang malay si Sage. I called Lola Helda and she explained na magagawan ng paraan ang Kiss of Death Poison.

"Rei... " mahinang sabi ni Sage pagmulat ng mata niya.

"Sage... How are you feeling?" tanong ko habang nakaupo sa tabi niya. Simula nang mawalan siya ng malay, hindi na ako umalis sa tabi niya.

"Better. Did Rusty tell you..."

"Yes, he did," nakingiti kong sabi habang hawak ang kamay niya.

"So hindi ka na nagseselos kay Magawen?" tanong niya sa sabay bangon sa kama.

"Sino may sabi na nagseselos ako? Nagkaroon ata ng effect ang poison sa utak mo," sabi ko sabay bigay sa kanya ng white herbal tea.

"Ano to?"

"Just some tea para marelax ka. It will help reduce the effect of poison."

"San ka ba pumunta? Ang tagal mo nawala," tanong niya habang iniinom ang tea sa cup.

"Naghanap ng bagong boylet," maikli kong sagot.

Tinaasan na naman niya ko ng kilay na parang di natutuwa sa sinabi ko.

"Saan nga? Di kita mahanap. Di ka mahanap ni Matthias at Rusty or maybe tinatago ka nila sa akin. I don't know. I was a weak being for almost two months."

"Bakit ba ayaw mo maniwala na naghanap nga ko ng bagong boylet?"

Inirapan lang niya ako at biglang hinablot ang batok ko papalapit sa kanya at biglang hinalikan ang labi ko. Hindi na ko magdedeny pa, I really missed him. Lalo pa ngayon at nalaman ko na nag iinarte lang ako sa wala. I kissed him with equal passion.

"That's the reason," sabi niya sabay hawak sa chin ko.

"Ha?"

"Sabi ko, kaya ayaw ko maniwala na naghanap ka ng boyfriend dahil alam ko naman na ako lang laman ng puso at isip mo."

"Feelingero ka no?"

"Andito si Rusty."

"Ha? Anong kinalaman ni Sir Rusty? Eh ano ngayon kung andito siya?"

"Di kita mapag sasamantalahan. Baka kasi madisappoint ka. Alam ko naman na nag eexpect ka," nakakaloko niyang sabi sa akin.

"Assuming ka talaga! Uuwi na ko ah. Mukhang ok ka na eh!" sigaw ko sa kanya sabay tayo ko sa kama paalis sa kwarto niya pero mabilis ako niyakap ni Sage mula sa likuran ko.

"I missed you. And I'm so happy that you're here," sabi niya sabay halik sa leeg ko.

"I'm also glad to be here, Sage. Meron akong two days para aalagaan ka bago magpasukan."

"Ang sweet mo naman, yaya!" sabi niya na hindi pa din tumitigil sa paghalik sa leeg ko.

"Tse! Ayoko lang na makita ka na weak. Baka kumalat ang tsismis na ang vampire prince ay isa pa lang weak at antukin."

"Sinong weak?" sabi ni Sage na mahigpit ako na niyakap. Naramdaman ko na lang may kakaibang nakaumbok sa likuran ko. 

What the fuck is he doing? Is he telling me that he's hard?

Pero bago pa ko mag isip ng bastos ay binitawan ako ni Sage dahil may parating na footsteps. Maya maya pa ay kumatok sa pinto at pumasok na si Sir Rusty.

"Dinner is ready. Dito ka na magstay Reichel. Tinawagan ko na si Silawin at pumayag naman siya."

Nagsmile lang ako at tumango kay Sir Rusty. Si Sage naman ay tinaas lang niya ang mga kamay niya as if walang ginawa na kalokohan at tumawa palabas ng pinto.

"Sir Rusty, may alam ka ba na bibilan ng mga ingredients na to?" tanong ko sa kanya sabay bigay ko sa kanya ng papel after our dinner.

"Alam mo ba kung ano to?"

"Nope. Nabasa ko lang yan sa isang libro. I doubt kung may nag eexist na ganyan. Yan mga mga required items para macheck ko kung may poison pa ng Kiss of Death ang blood ni Sage."

"I heard na kahit may natira na small amount of poison, it will replicate na parang virus at aatakihin uli ang katawan ng host."

"Tama po kaya kailangan po natin masimot lahat ng poison sa katawan ni Sage. Considered na dark spell ang Kiss of Death as it requires a sacrifice. The one who gave you that poison will soon die. May remaining power pa ng Punong Babaylan si Magawen so I think she's fine. Pero kung normal na white witch or ordinaryo na babaylan lang, maari nila itong ikamatay."

"Ano ba yang ingredients na yan?" tanong ni Sage sabay hingi ng papel kay Sir Rusty.

"Scale of Mountain Dragon, Sand of Gomorrha, Water of Elysia, and Powder of Eternal Blue butterfly. Seriously? Anong ingredients to?" tanong ni Sage.

"Those ingredients are rare but I'm certain i can obtain these," confident na sagot ni Sir Rusty.

"Sabi na eh. Tiwala talaga ko kay Sir Rusty. Maaasahan. Di tulad ng isa dyan, nagkaroon ng Kiss of Death poison dahil may nag burlesk queen sa harapan niya. Sabagay true love never dies."

"Akala ko ba nakaget-over ka na diyan?" iritableng tanong ni Sage sa akin.

"Get over mo mukha mo. Sir Rusty pag nakuha mo na yan, let me know. Matutulog na po ako. Excuse lang po," sabay alis sa dining table.

Alam ko unreasonable ako pero kung hindi hinayaan ni Sage na halikan siya ni Magawen, eh di sana wala kami issues na ganto. Tinulog ko na lang ang sama ng loob ko dahil may jetlag din ako.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now