Chapter 26 - The Flash

36.9K 1.2K 23
                                    

Bigla kong naramdaman ang pag angat ko sa floor. I am probably dying. This is probably what death feels like. Pero saglit lang yun at biglang naramdaman ko na bumagsak ako from sixth floor to ground floor

Fuck! Weightlessness! 

Para kong nasa roller coaster ride sa bilis ng bagsak ko. Nang malapit na ko sa ground floor, unting unti bumagal ang speed ko at narealize ko na lang na karga ako ni Sage.


"Sage?" gulat kong sabi sa kanya.

"Hi, babe," nakangiti niyang sabi sabay takbo ng mabilis na parang si The Flash papuntang parking lot. Saka pa lang niya ko binaba nang makarating kami sa mismong parking lot.

"Sage, vampires na sila. Teka, paano mo nalaman na andito ko?"

"I saved your life. Wala ba kong kiss or bite sa neck?"

"Sapok gusto mo? Di ba sabi mo iiwan mo na ko?" tampo kong sabi sabay pout ng lips.

"I changed my mind. Baka ma depress ka pag nawala ako."

"Feeling mo naman! Hoy di kita type ah?"

"Sage, I want to be a vampire. Make me vampire. I want to be with you always. O di ba may pa ganun ganun ka pa? Tapos di mo ko type? Sinong niloko mo?" sabi niya sabay yakap sa bewang ko. In fairness, namissed ko talaga yung gantong closeness namin ni Sage.

"Assuming ka lang. Hindi talaga kita type. Ikaw ang baliw na baliw sa blood ko di ba?"

"Well, I won't deny that," mahina niyang sabi sabay halik sa leeg ko.

"Sage, paano mo nga nalaman na andito ko?" mahina kong tanong sa kanya.

"Silawin called me. The moment he told me that you're in danger nagmadali ako pumunta dito," sabi ni Sage na patuloy pa rin hinahalikan ang leeg ko.

"Nasaan ang kotse mo? Tara na. I'm sure hahabulin tayo ng tatlong yun."

"Yep, I've heard everything. They are experiencing the same thirst na nararamdaman ko sayo. And wala ko kotse, tumakbo lang ako."

"Haaaa? From sa bahay niyo hanggang dito?" sabay tulak ko sa kanya.

"Silawin can't make it in time kahit may sasakyan pa siya. He's desperate to save you so he called me."

"Ahhh kalahi mo nga pala si The Flash. Thanks, Sage. Akala ko katapusan ko na kanina."

"Hahayaan ko ba na mapunta ka sa iba? Sa akin ka lang Rei, sa akin ka lang," sabi niya habang hinahaplos ang mukha ko.


"Transfer student? Paano to nangyari?" tanong ni senior student number one nang makahabol sila sa sa parking lot.

"Impossible. Nakakalakad ka sa araw. And your blood smells like human. Anong klase kang nilalang?" tanong ni senior student number two.

"Boyfriend ko siya bakit?" proud kong sagot.

"Tatlo kami, isa lang siya," natatawang sagot ni senior student number one.


Dahan dahan lumapit si Sage sa kanila. Bigla ko nakita na umilaw ang mga mata niya at naging pula. Hindi ko naintindihan ang binulong niya sa tatlong lalaki pero I am sure na he is using his vampiric compulsion para makalimutan nila ang lahat ng ito.

Mabilis na umatake si senior student number one kay Sage. Sinundan agad ito ni senior student number two at ni Armand.

Bago pa ko makapagreact, mabilis na nasalag ni Sage ang mga atake nila at mabilis niyang binali ang kanilang mga leeg. Bumagsak ang tatlong estudyante sa parking lot na walang malay.


"Did you just kill them?" tanong ko habang nakatingin sa tatlong walang malay na estudyante.

"Come on. They're not actually alive in the first place. They'll wake up probably after an hour."

"Are you okay? Nasaktan ka ba?"

"Yan ba ang hindi ako type? Grabe ang pag-aalala sa mukha mo. Kitang kita mo naman na mas mabilis ako sa kanila."

"Hoy, conceited na prinsipe. Concern lang ako ng very slight. Ayokong iuwi ka ng duguan kay Sir Rusty."

"Ako? Duguan? Come on, Rei. you are underestimating me again. I am the origin of these pieces of shits. I am far more powerful than them."

"Powerful ka pala, eh di diyan ka na. Uuwi na ko!" sabay lakad ko palayo kay Sage.

"Hoy babae, saan ka pupunta? I just saved you. Di mo man lang ba ko paiinumin ng blood mo kahit konti?" sabi ni Sage na parang nakikiusap na bata.

"Di ba break na tayo? Di ba sabi ko ayoko na makita yang pogi mong mukha?"


Bago pa nakasagot si Sage, isang rumaragasang black sports car ang dumating at nagmamadali na lumabas si Uncle Syl sa sasakyan niya.

"Reichel! Ano nangyari?" tanong niya sabay yakap sa akin nang makita niya ang tatlong walang malay na estudyante sa di kalayuan. Kitang kita ko ang relief sa face niya nang makita na buhay ako.

"I'm okay uncle, Sage saved me. Etong mga vampire na ito, gusto ko gawing midnight snacks. Nakakaramdam din sila ng same thirst na nararamdaman ni Sage sa akin."


Gulat na gulat si Uncle Syl sa sinabi ko. Akala siguro niya hindi ko alam ba vampire si Sage.


"Uncle Syl, I know the truth. Alam ko din na ikaw si Silawin. Alam ko din na may anak kayo ni Magawen. Apparently, I have some sort of powers na nakaka absorb ng visions from the past.

"Silawin, I guess it is finally time for us to talk," seryosong sabi ni Sage kay uncle.


Uncle Syl has a dominant personality pero para siyang isang masunurin na alagad sa sinabi ni Sage. Sabagay, Sage is a royalty, a prince five hundred years ago and the prince of darkness now...

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now