Chapter 70 - Dizziness

27.8K 863 12
                                    

Sa loob ng dalawang buwan ko sa Vienna, madalas ko tawagan si Uncle Syl at Matt. I made sure na less than a minute lang ako call ko para di nila ako matrack. Si Sage naman ay madalas tumawag pero palagi ko pinapatay ang phone ko or nirereject tawag niya.


Pagdating ko sa airport, di ko alam kung matutuwa o malulungkot ako dahil nakabalik na ko. Di ako nakatulog sa plane kaya antok na antok ako. Akala ko pa naman pag vampire na ko, wala na ko mararamdaman na antok at gutom. 


I am so wrong!


Uncle Syl knows na ngayon ang balik ko. Sakto andito din siya ngayon sa bansa at madami ako ikwekwento sa kanya. Pero I decided na wag na magpasundo sa kanya. Gusto ko muna magbyahe para makapag-isip isip kung anong sasabihin ko kay Sage.


Paglabas ko ng airport, biglang pumarada ang isang black four wheel drive sa harap ko. Lumabas si Sage sa sasakyan at mabilis na kinuha ang trolley bag ko papasok sa sasakyan. Tinitigan lang niya ako ng matalim as if sinasabi na pumasok ako sa loob at wag na umarte pa.


Hindi na ko nakipagtalo dahil alam ko naman na di ako mananalo sa kanya. He drove like a madman as if galit sa mundo. I'm expecting na papagalitan niya ko pero tahimik lang siyang nagdridrive. He looks pale and thin. Yung mata niya parang may eye bags. 


Is he sick? Nawala lang ako, nagkasakit na agad?


"Uncle Syl, andito na ko," sabi ko kay uncle sa phone nang nasa kalagitnaan kami ng traffic.

"Kasama mo ba si Sage?"

"Kasama ko po. How did you know?"

"He insisted na siya susundo sayo. That man was so worried when you left."

"He's worried?" I looked at him na parang natatawa at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Uncle, my super lola Magawen tried to break my neck. Baka he is worried na I might hurt her ngayong nakabalik na ako," sabi ko sa phone sabay tingin kay Sage mula ulo hanggang paa.

"Anyway Uncle Syl. We need to talk later about Helda. Di ko pa kasi alam kung saang impyerno ko dadalin ni Sage."

"Yes, yes uncle and I am sorry, di ko nasabi sayo, but I guess may idea ka na din naman. Okay, okay. Bye!"


After ng call ko kay Uncle Syl, nag message agad ako kay Lola Helda that I am safely back in the Philippines.


"Where have you been?" mahina niyang tanong nang marealize niya siguro na di ko siya kakausapin. I can't​ talk to him. Isang tingin lang niya, nababaliw na ko at mas lalo ngayon na malapit siya at naaamoy ko ang dugo niya.


Fuck, I really missed him.


"Vienna, Austria," I answered shortly habang kinokontrol ko ang uhaw ko kay Sage.


Bakit ganto? Dati naman kayo ko kontrolin kahit papaano yung thirst ko. Bakit ngayon para akong uhaw na uhaw?


"Is there something wrong? You look uncomfortable," tanong niya na parang nakakahalata na may bumabagabag sa akin.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now