Chapter 46 - Lena

27.4K 963 17
                                    

Pagkababa niya sa akin, nakita ko ang mga katawan ng classmates namin na nakahandusay sa buhangin. Lahat duguan at may kagat sa leeg. Lahat sila ay wala ng buhay. 

Si Lena Schmidt naman ay busy sa pag-inom ng blood ng isa pang lalaki.


"Lena..." mahina kong sabi sabay takip sa bibig ko.

"Oh hi there Reichel. Hi, Sage!" bati niya sa amin sabay pahid ng dugo sa labi niya na para bang wala siyang ginawang kadumaldumal.

"Lena? Bakit mo ginawa to?" tanong ko sa kanya.

"We are in a secluded place and I want to make all the people here in this island just like me. Powerful and sophisticated. Being an ordinary human is so pathetic. Sawa na ko sa mga classmates na tao and I want them to level up," sabi niya sabay dahan dahan lumalapit sa amin. Tanging ang kanyang long black hair ang tumatakip sa harapan niya.

"Don't worry, Reichel. I won't hurt you. Matthias sees to it that you will be safe. But your yummy boyfriend here? Sorry, he is just simply irresistible," dagdag ni Lena at mabilis na nakalapit kay Sage.

"Lena, please don't do this..." nagmamakaawa kong sabi sa kanya habang hinahaplos niya ang chest ni Sage.

"Your boyfriend... He looks delicious..." sabi niya habang hinahalikan ang dibdib ni Sage paakyat sa leeg. Si Sage naman ay walang kahit konting reaction sa mukha.

"Sage, will be mine... " sabi niya sabay halik kay Sage.


Gusto ko siya sapakin kasi hinalikan niya si Sage. Pero mas gusto ko batukan si Sage dahil hindi man lang niya pinigilan si Lena. Pero bigla akong nagfroze nang biglang kinagat ni Lena ang leeg ni Sage after ng kanyang mapusok na halik.


Ilang segundo din na ininom ni Lena ang dugo ni Sage, pero sa loob ng ilang sandali, biglang lumayo si Lena sa kanya.


"Ikaw si..." naguguluhang tanong ni Lena kay Sage. 


Without warning, lumuhod si Lena sa mga paanan niya as if humihingi ng tawad. Kulang na lang, halikan ni Lena ang mga paa ni Sage.


"I didn't know... Patawarin mo ko, mahal na prinsipe...."

"Why did you do this?" tanong ni Sage gamit ang kanyang emotionless voice.

"I was... I was... I really don't know! This is not me! I am sorry, Sage."

"You killed them. It is forbidden to kill and turn humans into vampires, you know that right?"

"Sage, I am sorry. Di ko alam ang mga nangyayari. Di ko to ginusto!" nakikiusap na sabi ni Lena. 

And that is the last thing that she said before Sage broke her neck...

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now