Chapter 39 - Afraid to Lose You

33.5K 1K 16
                                    

Pagmulat ko ng mga mata ko, nasa guest room na uli ako. Malamang nakatulog na naman ako ng mahimbing or nawalan ng malay sa kotse ni Sage.


"Good morning babe," mahinang bati ni Sage.

"Good morning, Sage. Wait, bakit ka nasa kwarto ko? At bakit ka nakayakap sa akin?" tanong ko pero huli na nang marealize ko na ako pala ang nakayakap kay Sage.

"Ako ang nakayakap sayo? Tignan mo nga kung sino ang nakapulupot sa akin?"

"Eh bakit ka andito?" sabay alis ng braso ko na nakayakap sa kanya.

"Binantayan kita buong gabi, baka mamaya kuhanin ka ni Matthias."

"May idea kaya siya na ikaw si Prinsipe Isagani?" tanong ko sabay tayo sa kama at kumukuha ng damit pagpasok. 


Kailangan ko tumalikod sa kanya dahil di pa rin maalis sa isip ko na hinalikan niya ko kagabi.


Ano akala niya, makakalimutan ko agad yun? First kiss ko yun! Sa isang prinsipe ng kadiliman pa!


"I don't think so. Would you believe if I told you that I know all of the faces of the human beings that I turned into vampire?"

"Eh di ba nga may eidetic memory ka? Kulang na lang magkaroon ka ng X-Ray vision, super hero ka na."

"Rusty is right. Matthias is indeed a soldier of my father. I am sure Silawin will recognize him. Isa siya sa mga magigiting na kawal ni Rajah Gatlan at isa din siya sa una kong naging biktima."

"Bakit niya ko binigyan ng blade? Is he trying to help me?" tanong ko habang nakatalikod pa din sa kanya.

"Di ko din alam. Pinag-aralan ni Rusty mabuti yung blade and it is really ancient. I can feel that the blade is blessed by Bathala, tulad nang ginamit ko kay Miraya. This blade is capable of killing a vampire, even an ancient royal vampire. Rusty has a theory that there are royal vampires who are after your life and Matthias on the other hand, is protecting you," sabi ni Sage na nakalapit ng mabilis sa likod ko.

"Matthias is my hero pala, pero I can't still trust him," mahina kong sabi nang maramdaman ko na siya sa likod.

"Bakit ba ayaw mo humarap sa akin? Nahihiya ka ba? Shy type ka na ba ngayon?" tanong ni Sage sabay hawi ng buhok sa leeg ko.

"Sabi ko kahapon, bibigyan kita ng dessert. Wala ako sinabi na available ako bilang breakfast mo!" sabi ko sa kanya habang unti unti niyang nilalapit ang mga labi sa leeg ko.

"Eh bakit nga ayaw mo ko harapin? Kanina ka pa nakatalikod sa akin," malambing niyang tanong sa akin.


Yung mga labi niya, nararamdaman ko na sa leeg ko at hindi ko maiwasan na hindi mapapikit. Di ko sure kung sa takot o sa excitement.


"Di pa kasi ko nagtotoothbrush. Nakakahiya naman sa harap ng isang royalty na tulad mo."

"I will talk to Matthias later," mahinang sabi ni Sage, sabay halik sa leeg ko.

"No! Paano kung marealized niya na ikaw si Prinsipe Isagani? Delikado yang gagawin mo. Di ba marami na royal vampires na ayaw mawala ang sumpa ni Miraya sayo? What if ikulong ka nila sa isang unknown parts of the world for eternity? What if..." sabi ko sa kanya pag harap ko.

"What if ano? What if mawala ako sayo?" tanong niya habang nakatitig sa akin.


"I made peace with that Sage. Alam ko sooner or later mawawala ka talaga sa akin. We are from different time, different world. Hindi ako ambisyosa para pangarapin ang isang prinsipe na katulad mo," sagot ko sa kanya sabay kuha ng mga damit ko papuntang bathroom.


I know this creature for only a short time at hindi ako makapaniwala na ang destiny namin ay naka intertwined sa isa't isa. I am afraid that I will lose him sooner or later. I am afraid that something bad might happen to him. 


Alam ko na si Sage o si Prinsipe Isagani ang isa sa pinaka malungkot na tao na nakilala ko. Pero ayoko na maramdaman niyang nag-iisa siya. Gusto ko maramdaman niya na andito ko para sa kanya, kahit sa maikling panahon.


"Sage, andito ka pa rin?" tanong ko sa kanya pagkalabas ko sa bathroom.

"Ang tagal mo maligo, madami ka ba libag?"

"Anong matagal? Mabilis na nga lang ako nagshower baka malate tayo. Saka tumalikod ka nga, magbibihis ako," sabi ko habang pinupunasan ang buhok ko.

"Sabi ko naman sayo, hindi kita type. Kahit diyan ka pa sa harapan ko magbihis, walang effect saken yan. Bilisan mo, hintayin kita sa baba," utos niya sa akin.


Sa sobrang inis ko, binato ko siya ng hair towel ko paglabas niya ng pinto. Wala naman akong superhuman speed na katulad niya na kayang maligo in less than one minute.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now