Chapter 56 - Safe House

30.8K 912 39
                                    

"Kung sesermonan mo ko kung bakit may animosity ako towards kay Magawen, wala akong panahon. I'm going to do my job. Wag ka mag-alala," sabi ko kay Sage nang maramdaman ko ang pagpasok niya sa kwarto.

"Here are some jackets at sock na pinabili ko kay Rusty. Isama mo diyan sa maleta mo."


Tumango lang ako sa kanya bilang pasasalamat. Gusto ko kiligin dahil concern siya sa akin pero concern nga lang pala siya dahil ako lang ang capable na makapagpawala ng sumpa niya kahit wala akong idea kung pano gagawin yun.


Mabilis namin narating ang safe house ni Sir Rusty pero it is more like a three storey mansion sa gilid ng bundok at overlooking sa valley.


"Asan si Matthias?" tanong ko pagpasok sa mansion. 


Ang third floor o ang pinaka mataas na floor ang nagsisilbing mainfloor at kailangan pa namin bumaba ng hagdan para mareach ang first and second floor. Lahat ng floors ay may veranda na overlooking sa mountain valley.


"He needs to attend an emergency meeting overseas. It seems na may commotion sa mundo ng mga vampire at kailangan ang presence niya ng mga tauhan niya. Iniwan niya yung manuscripts kay Rusty bago umalis."

"Di man lang siya nagpaalam sa akin?" mahina ko sabi habang iniikot ang paningin ko sa loob ng mansion.

"Nasa second floor ang Masters bedroom at library ni Rusty. I will scan the manuscripts for you tomorrow. Magpahinga ka na."


Binuksan ko ang fridge at napangiti ako dahil ang daming laman. Juice, milk, ice cream, chocolates, fruits, meat and veggies. Kahit yung cabinet madami laman na pagkain. Di ko alam kung matutuwa ako dahil madami binili si Sir Rusty na pagkain or maiinis ako dahil PG ata tingin niya sa akin.


"Rusty advised us not to go outside. Andyan lahat ng kailangan mo. Kung kulang pa, magpapadeliver na lang ako," sabi ni Sage sabay baba sa second floor.


Sinundan ko lang siya papunta sa Master bedroom habang bitbit ang bags ko. Di man lang ako tinulungan ng walang hiya. 


Dahil nafocus ako sa inis ko at sa bigat ng bag ko, dumaplis ang paa ko sa hagdan at nahulog ako sa last three steps. Buti na lang at may carpet kaya hindi nabagok ulo ko.


"Wala tayo sa circus. Bakit ka ba nag aacrobatics?" tanong ni Sage na mabilis ako inalalayan sa pagtayo.

"Eh kasi napaka ungentleman mo! Di mo man lang ako tinulungan sa mga bags ko!"

"Patawarin mo ko sa katangahan mo ah?" sabay buhat niya sa akin nang di ko maiapak ang mga paa ko sa floor papunta sa Master bedroom. Tinanggal niya ang rubbershoes ko nang mailapag niya na ko sa kama at minasahe ang paa ko.

"Aray aray. Gumaganti ka ba? May galit ka ba sa akin?" tanong ko nang may napindot siya na masakit na part sa ankle ko.

"Oo, kasi napakabigat mo!" sabay irap uli sa akin.

"Saan ka nga pala matutulog? Bakit andito lahat ng gamit natin?"

"Dito. Tabi tayo," sabi niya habang minamasahe pa din ang paa ko.

"Ang daming kwarto ah?"

"Kailangan kita bantayan. Wag ka mag alala, di din kita gusto katabi. Matulog ka na. Madami pa tayo gagawin bukas."

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon