Chapter 37 - Ihaw Ihaw

33.9K 1.2K 129
                                    

After ng discussion namin nila Sir Rusty kay Matthias Wolf, pinilit pa din ako ni Sage na magdinner sa labas. Pinilit niya ko to the point na hinila niya ko papasok sa kotse niya. 

At gusto ko naman! Ampotah, ang landi ko na talaga!

"Ano bang part ng wala ako gana ang di mo gets?" inarte kong tanong kay Sage. 

Di niya alam na kinikilig ako pag nilalambing niya ko. Inirapan lang ako ni Sage at nagpatuloy magdrive. Dumaan kami sa isang open-air ihaw ihaw restaurant kung saan specialty ang mga inihaw at tapsilog.

"Gusto ko dito, ok lang sayo?" tanong niya sa akin.

"Sure ka gusto mo din dito? Hindi ito sossy pero masarap tapsilog at isaw dito. Tested ko na to nung first year college ako," sabi ko sabay labas ng kotse.

Excited ako lalo na nang maamoy ko ang mga inihaw foods. Meron din ilang Nipa Hut kung saan pwede kumain ang mga customers.

"Ayan ba ang walang gana? Nauuna ka pa sa akin eh," sabi ni Sage sabay hila sa akin papunta sa isang small Nipa Hut.

"Magkano ba budget mo sa akin? Medyo gutom ako baka mapagastos ka."

"Mukha ba kong mahirap, Rei?" masungit niyang sagot habang nagbabasa ng menu.

"Ay sorry. Prinsipe ka nga pala. Pero wala naman credit card nung panahon mo di ba? It only means na pera ni Sir Rusty ginagamit mo."

"You're always underestimating me. Sa tingin mo ba hindi ko alam kung saan nakatago ang limpak limpak na ginto ng aking ama?"

"Sige na. Ikaw na mayaman. Ikaw na royal blood. Ikaw na mahal ko. Anong gusto mong order, Your Highness?"

"Konti lang sa akin. Tapsilog, Inihaw na Liempo, Pares, tatlong Barbeque on sticks at limang Isaw. Saka dalawang extra rice," sabi ni Sage sa waiter na lumapit sa amin.

"Wow konti lang ha? Kuya, ganun din yung sa akin. Dagdagan mo na lang ng Mais Con Yelo for dessert. Saka baka may free Bulalo soup ka, dagdagan mo na."

"Ang takaw mo naman," sabi ni Sage nang dumating ang mga orders namin.

"What? Eh ginaya ko lang order mo. Tapos ako matakaw?"

"Lalake ko. Babae ka. Wala kang ka finesse finesse. Paano pag naging asawa ka ng prinsipe? Ang siba mo kumain, walang class."

"King-ina mo Sage. Pwede kumain na lang tayo? Baka mamaya huling hapunan ko na to," sabi ko sabay kagat sa isaw on sticks.


Enjoy talaga ako sa mga inorder ni Sage. Kahit papaano, nakakatuwa na nag-eeffort siya para makipag bati sa akin. At feeling ko, napaka-arte ko talaga sa mga oras na to dahil ako pa ang nag gagalit-galitan ngayon.

"O bakit ganyan ka makatingin? Hanga ka naubos ko yung dalawang rice sa loob ng five minutes?" tanong ko sa kanya habang inuubos naman ang barbeque.

"Grabe ka, Rei. Saan mo dinadala kinakain mo? Sa pagkain mo ba kinukuha lahat ng energy ng pag iinarte mo?"

"Hoy kumain ka na. Wag mo ko titigan. Pag nakauwi ako ng buhay after ng encounter namin ni Matthias, may dessert ka pag uwi natin."

"Oo kakain na. Ang sama na ng tingin mo sa barbeque ko eh. May balak ka siguro bawasan?" nakakaloko niyang tanong sa akin.

"Babawasan ko talaga yan pag di ka pa kumain. May space pa yung stomach ko, kasya pa yan."


Busog na busog ako sa dinner namin ni Sage. Konting oras na lang at magkikita na kami ni Matthias. Ayoko sana makipagmeet ngunit mukhang may plans naman si Sage na hindi ko alam. And I trust him with my life.

"Aasahan ko yung dessert ko mamaya ah?" sabi ni Sage habang binabawasan ang Mais con Yelo ko.

"Pag nakauwi ako ng buhay, may free dessert ka. Pero pag ako ay naging vampire, lagot ka sa akin."

"Ano naman gagawin mo sa akin? Naexcite tuloy ako!" nakakaloko niyang sabi habang inuubos ang Mais Con Yelo ko.

"Chochop chopin kita into small pieces at isasahog kita sa Spaghetti! Pangarap ko pa mag two piece sa sikat ng araw, kaya siguraduhin mong hindi ako magiging vampire later."

"Kailan ba kita pinabayaan? Ikaw lang walang tiwala sa akin eh."

"I trust you, Sage. Kahit buhay ko kaya ko ipagkatiwala sayo," bulong kong sagot though I am sure narinig niya yun.

"Ano sabi mo? Nabingi ko?"

"Sabi ko, pag nadeds ako mamaya, mumultuhin kita!"

"Siguraduhin mo lang na naka two piece ka habang minumulto mo ko para naman mag-enjoy ako."

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now