Chapter 75 - Blood Test

30.1K 820 18
                                    

Sinubukan ko na uli magtest ng blood ni Sage at wala ng kahit anong traces ng Kiss of Death poison. I guess nagwork ang aming blood sucking plan. Bumalik na din ako sa bahay at dun na nagstay. Si Uncle Syl naman ay umalis ulit para sa kanyang full time job. Sabi niya noon, he's not a vampire pero may thirst siya na pumatay ng masasamang supernatural creatures. At alam din niya na may ilan na mabubuti ang kakooban.

Maagap pa lang ay nagprepare na ko papunta sa university dahil first day of school ngayon. Isang taon na lang gragraduate na ako. Ginagawa ko to dahil pangarap din ni mama at papa.

Hindi gaanong kalayuan ang university sa subdivision namin. Paglabas ng subdivision, bus lang ok na. Mas madalas nagbyabyahe ko dahil ayoko gamitin ang sasakyan ni Uncle Syl. Hassle kasi sa parking.

"Is this seat taken?" tanong ng isang pasahero.

"No... Sage? Bakit andito?"

"Papasok ako malamang. Feeling mo ba sinasabayan kita?" natatawa niyang tanong sabay upo sa tabi ko.

"Bakit wala ka dala kotse? Di ba mayaman ka?"

"Bawal sumakay ng bus pag mayaman? Saka baka mamissed mo."

"Missed mo mukha mo!"

Pero di sumagot si Sage at biglang nagfroze. Parang may naramdaman siya masama mangyayari and without warning, biglang nagpreno ang bus. Dahil pababa ang daan, gumewang ang bus ang umikot ng ilang beses. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Sage habang umiikot ang bus. Puro sigawan lang ang narinig ko bago kami bumangga sa isang poste.

"Sage ok ka lang ba?" sabi ko nang makitang umaagos ang dugo sa ulo niya.

"I'm fine. Close your eyes."

Sinunod ko naman si Sage at mabilis kong naramdaman ang isang napakasakit na hiwa. May malaking shattered glass pala na nakabaon sa balikat ko at mabilis na tinanggal ni Sage.

"Anong nangyari?" tanong ko habang hawak ang duguan kong ulo.

"There's no time. Puntahan mo ang ibang agaw buhay na pasahero. Give them your blood. Compelled them to forget. Subukan ko sila ilabas lahat. Mukhang may fire sa unang bahagi ng bus, baka sumabog."

Mabuti at nasa isang lugar kami kung saan walang camera at walang maraming tao kaya mabilis na nailabas ni Sage ang mga biktima. He compelled them to forget bago pa maging viral ang isang The Flash sa Philippines.

"Sage, ok na yung mga pasahero. Galos lang at sugat. Hindi gaanong mabilis ang pagpapatakbo ng driver kaya wala masyado napahamak.

"Ano pong nangyari?" tanong ni Sage sa driver na binibigyan ng medical attention ng isang rescue member.

"Normal naman ang pagpapatakbo ko ngunit may biglang humarang na lalaki kaya ako nagpreno. Nagulat na lang ako ng parang kinaway niya ang kamay niya at biglang gumewang ang bus at nagpaikot ikot.

Nagtatinginan lang kami ni Sage. Pag alis ng rescue team, Sage compelled the driver to forget.

"What do you think? May capability ba ang vampire na magkontrol at magpagalaw ng bus?" tanong ko habang naglalakad kami ni Sage papunta sa university.

"That's even beyond my powers pero nakakasiguro ako na it's a warning."

"I agree. Alam ng taong yun na di ka mamamatay pero he's warning you that humans may get hurt in the process. Related kaya ito sa dadating na royal meeting?"

"That's what I'm also thinking. Teka, bakit kanina pa tayo naglalakad at ang layo ng pagitan mo sa akin?"

Di ako sumagot at nginuso ko lang ang dripping blood sa ulo niya. Magaling na ang sugat niya pero may traces pa din ng fresh blood. Natatawa lang siyang pinunasan at ulo niya.

Mabilis naman kami sinalubong ni Matthias pag pasok namin sa university. May super smell ata at naamoy agad niya ang blood ni Sage.

"What happened? Are you both okay? You're both messy like you came out from a blood bath," nag-aalalang tanong ni Matthias. Si Lena ay andun din na mabilis na nakasunod kay Matt.

"We had a bus accident. A supernatural one," sabi ni Sage habang naglalakad kami papunta sa locker room. Buo kong kinwento ang nangyari at takot ang nakita ko sa mukha ni Matt at Lena.

"Any idea kung sino ang lalaking yun?" tanong ni Sage na naghubad ng kanyang duguan na shirt sa locker room. Wala man lang pakialam kahit andun si Lena. Hindi naman ako possessive pero ayokong nakikita ng ibang babae ang katawan niya.

"No idea, but those powers are certainly not from a vampire," dagdag ni Matt.

"Kahit ang mga Alagad ni Bathala or Lakan, they are not capable of turning a massive bus upside down."

"What if we are dealing with a warlock?" tanong ni Lena sabay punas sa mukha at braso ko ng wet towels para mawala ang dried blood.

"Warlock? Parang men version ng witches? Sabi ni Uncle Syl sa diary niya noon, warlocks are capable of twisting matter pero they are living in silent dahil once they use their powers, they will age more."

"May diary si uncle mo about supernatural beings? Pwede ko ba basahin? No, don't answer that. Ako na lang magpapaalam sa kanya personally," excited na sabi ni Lena.

"Personally?" taas kilay kong tanong sa kanya habang kinukuha ang extra shirt ko.

"Wag mo pansinin yan si Lena. May hidden desire siya kay Silawin kahit noon pa."

"Tse wag ka nga kontrabida Mateo. Tara na Rei, samahan na kita magbihis, unless gusto mo sa harap pa ni Sage?" natatawa niyang tanong.

Nagsimula ang first day of class. Lahat ay excited except siguro kami nila Sage at Matt. Pagdating ng lunch time, niyaya kami ni Matt at Lena pero hindi para maglunch, kundi para umakyat sa roof deck.

Binuksan ni Matthias ang laptop niya at pinakita ang iba't ibang bloody clips. It seems that there are several vampires being killed all around the world. All of them are captured and caged at binibilad sa araw.

"I just received these videos from my men. Someone is after our race. They are annihilating us."

"Do you think may kinalaman yung lalaki kanina dito? Is he really a vampire hunter or warlock?" tanong ko kay Matt

"We have to prepare for the worst case scenario. We have no match sa isang warlock, Sage. If they killed you, it's the end of us."

"A vampire may have no match sa isang warlock, pero isa pa din akong Alagad ni Bathala, Matthias. Hindi ko hahayaan na isang nilalang na tulad niya ay idamay ang mga tao sa isang supernatural war. Ask The Medium to move the royal meeting this weekend. We will fly to Switzerland​ on Friday. I am sure they will agree because this is a serious issue.

Tumango​ lang si Matt bilang pagsang-ayon. Alam ko na all of them are worried.

Paano na ang pangarap ni Sage na maging tao kung bilang isang vampire, wala siya laban sa isang warlock?

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now