Chapter 11 - Dinner

44.1K 1.4K 32
                                    

Niyaya ako ni Sage na sa kanila na mag dinner. Kahit alam ko na isang mythological creature siya, part of me gusto magtiwala sa kanya.

"Buti pinayagan ka ng uncle mo na magdinner dito sa amin," sabi ni Sir Rusty habang naglalagay ng food sa lamesa.

Ang daming food na hinanda, parang fiesta. Ganda ng presentation, kulang na lang magsparkle yung food parang sa anime. Para tuloy ako kumakain sa isang expensive and very sossy restaurant.

"Wala po siya sa bahay ngayon. Out of town po baka next week pa ang balik. Thanks po sa dinner, ang galing galing niyo pala magluto, Sir Rusty," sabi ko habang kumakain.

"Call me Rusty na lang. Sabi ni Sage, gusto mo daw malaman kung sino si Isagani. Akala ko ba tingin mo myth lang si Isagani at Miraya? Kathang isip, makalumang kwento?"

"Di ko pa rin po ma-explain kung bakit nagkaroon ako ng visions about sa kanila. At di ko rin alam kung bakit ako kinagat ng anak niyo. Hindi lang once, twice pa," mahina kong sabi sabay kain ng apple pie.

"Rei, I am sorry about what Sage did. I am sure he did not mean to hurt you," malambing na sabi ni Rusty.

"Rusty, I mean it. I can't control my thirst kapag andyan si Rei. I am trying my best para hindi ko siya tuluyan mapatay. May something sa babae na yan," inis na sabi ni Sage.

"Hoy, makapagsalita ka sa akin ah! Ano akala mo sa akin, mangkukulam? Teka, mapatay? You mean you want to kill me?" takot kong tanong kay Sage.

"It is not like what you think Rei. Sage can control his thirst for a long period of time. I can attest to that pero simula ng makilala ka niya, it is as if nawawalan siya ng control over himself. Isang palaisipan sa amin dalawa kung ano ka talaga. Believe me, he does not want to hurt you," paliwanag ni Rusty.

"Ano ka ba talaga Sage? Vampire? Aswang? Kapre?"

"He is five hundred year old vampire," sagot ni Rusty.

"Ahhh vampire pala. Akala ko naman tikbalang ka. Whaaaat? Vampire? May vampire sa real life? Yung totoo?"

"Rei, ilan beses na ba kita kinagat? Hanggang ngayon, di mo pa rin alam?" naiinis niyang tanong sa akin.

"Eh bakit ka nakakalakad sa araw? Ikaw ba yung vampire killer na nababalita sa news? Umamin ka!"

"Ako lang ang nakakalakad sa araw. The rest of the vampires, they will turn to ash kapag nasikatan ng araw. And about your last question, hindi ako yung killer vampire. Kaya kami umuwi ni Rusty dito from London is because of that."

"And kayo Sir Rusty? Vampire din po kayo?"

"Well, tao talaga ako nung una. Naging vampire lang ako dahil kay Sage."

"Ok fine, so vampire kayo pareho. I am sure, hindi talaga kayo mag daddy. Pero anong connect niyo kay Isagani at Miraya?"

"I will tell you everything, pero promise us that it will be between the three of us," sabi ni Rusty.

Dahil curious ako, tumango lang ako nagsimulang magkwento si Rusty kung paano niya nameet si Sage.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now