Chapter 69: Mine again

1.9K 24 2
                                    

Nakakainis talaga sya! Kaya pala confident sya sa sagot nya na hindi ko sya matitiis, AAARGH!!! At kaya pala tinatawag ako ni Manang dahil sa slippers ko. Aish! Nakakahiya talaga yung nangyari nung saturday. Idagdag mo pa yung pang-aasar nya. Kainis!

"Nakakapanibago ka Ash"

"ok na kayo ni Daniel, B?"


hay naku! Kanina pa toh sila Lawrence saka Vince. Kulit! Hindi ko pa kasi sinasabi sakanila na bati na kami ulit ni Daniel. Ayaw ni Daniel ipaalam, sya na daw bahala. Psh. Kaartehan na naman nya.

"trip nyo ko nuh? Tara na nga. Ikain nyo nalang yan"



Breaktime na, hindi parin nagtetext sakin si Daniel. Bakit kaya ayaw pa nyang ipaalam na ok na kami ulit? Gusto nya bang isikreto yung relationship namin? Pano kapag nakita ko sya ngayon, hindi ko sya papansinin? Ganun ba yun? Hayst. Eh di sana hindi na pala kami nagkabati kung ganun lang din.

"Talaga B? Pero bakit andyan sa labas sila Daniel?"

tinignan ko muna si Vince bago tumingin sa labas, baka nagjojoke lang kasi pero seryoso sya! At nasa labas nga...yung buong varsity players ng basketball!


"psh. Ganyanan na pala. Nagsisinungaling ka na sakin."

napakagat nalang ako sa labi ko. Iiiihh. Lagot na naman ako kay Vince! Pero bago pa ko magexplain sakanya, lumabas na ko ng room. Ang dami na namang usi sa hallway, mga kinikilig na ewan! Bakit ba kasi andito mga yan?

"Teka lang. Teka lang. Teka lang..Meron akong nakita. Pare Ko Pare ko, Pare ko, Pare pare ko Oh kay gandang dalaga"


bigla silang kumanta pagkalabas ko. Mga sintunado naman! Ong loloki ng boses! Pfft. Palibhasa players! Walang katalent talent sa pagkanta!

"Ayan na pare. Dalian mo! Miss! Miss! Crush ka ng tropa ko"

itinutulak nila Carlo si Daniel. Parang mga tungek! Akala mo yung lalaking natotorpe. Miss pa yung tinawag sakin, mga trip nila!

"Hindi ah! Miss wag kang maniwala sakanila. Hindi kita crush"

"sus. Hiya ka pa! Sabihin mo na kasi Tol."


"Hindi ko nga kasi sya crush! Mahal ko sya! Magkaiba yun. wag nyo na nga kong itulak!"


mga kalokohan nila talaga! Nagsisimula ng dumami lalo yung students. Ang ingay ingay na! Nahahawa na tuloy ako sa kilig nila.

"Miss miss ano nga bang pangalan? Ikaw na na na na.. Pwede bang magpakilala..~"

"ahmm. Hi Miss! Daniel nga pala. Justine Daniel Sanchez and you are.."


nakikipagshakehands pa sya sakin. Tinignan ko lang yung kamay nya tapos tumingin sakanya. Mga kalokohan nya talaga! Kainis yung ngiti nya! Eto ba yung panliligaw na gagawin nya? Gusto pa maraming audience, para sure na hindi ako makakatangi.Aish! Nakakahiya kaya!


Nakatitig lang din sya sakin na parang gustong sabihin na wag ko na syang kontrahin.

"uhmm. Ashley"


"No, I'm not asking for your name. I'm Daniel and you are mine!"

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now