Chapter 57: With him

2K 33 2
                                    

luh. hindi ko na alam kung kanino idedicate. WAAAH! hindi po kasi ako nagdedicate sa mga new readers. Nagdedicate ako dun sa mga updated. ang chorva naman kung magdedicate ako sa reader na nasa chapter 1 palang eh 50+ na toh! AHAHHAHA! ayun lang po. VOTE.COMMENT,FOLLOW.MESSAGE.ANYTHING YOU WANT! HAHAHA! basta paramdam po kayo kung gusto nyo lang magpadedic. makita ko lang username nyo. :")

Dedicated to her. thanks for reading :">>

*******

"Pumapayat ka Khate, anong secret mo?"

"CR ka na naman?! Ano bang ginagawa mo sa CR?"

"Sasamahan kita ulit mamaya Khate"

"Nagpapanic lang talaga ako. Masyado kasi akong kinakabahan kapag ganyan"

"dahil siguro sa anaesthesia kaya tulog parin sya hanggang ngayon"

Tama nga ako. Sila yung nakita ko last week sa may labas ng hospital. Ito rin ba yung dahilan kaya lagi silang magkasama? Kung bakit ayaw nila ako isama? Kaya ba ganun nalang yung pag-aalala ni Vince? Kaya ba ganito sya ngayon?!

Napatakip ako sa mukha ko habang hindi ko malaman kung paano ko papatigilin yung luha ko. Bumabalik sa isip ko lahat ng sinabi nila. Bakit hindi ko man lang napansin na may sakit pala si Khate?! Bakit hindi man lang nila sakin sinabi?!

"I'm sorry..I thought you know about this Ashley." nararamdaman ko yung kamay ni tita sa likod ko. Hindi ko magawang magsalita. Nanginginig ako.

"Wait lang. Ikukuha kita ng tubig"

"Ako na po tita."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Pain? Sadness? Or Betrayal? Pakiramdam ko pinagtaksilan ako. Everyday magkakasama kami, at hindi man lang nila sakin sinabi! Bakit hindi man lang sakin sinabi ni Vince?!

"There's a valid reason kung bakit hindi sayo nasabi ng anak ko" I don't understand them! Bakit kelangang pati sakin itago nila?! "Siguro ayaw ka nyang mag-alala sakanya. You should understand her, Ashley. Mahirap sakanyang sabihin yung kalagayan nya"

Pero paanong alam ni Vince ang tungkol kay Khate? Kelan pa nya alam?

"B, inumin mo muna ito." Inalis ni Vince yung pagkakatakip ko sa  mukha at inabot yung tubig. Nanginginig parin yung mga kamay ko. Hindi ko nga mabuksan yung takip ng bote kaya kinuha nya ulit sakin at inalalayan ako sa pag-inom.

"Mrs Akari? Can I talk to you for a second?"

"Wait lang iho, ikaw na muna bahala kay Ashley"

"ah Tita, hahatid ko na po muna si Ashley.Balik nalang po kami ulit dito bukas."

"Ah. Okay. That will be better. Mag-ingat kayo. Excuse me, kausapin ko lang si doc"

Pumasok ulit sila sa room ni Khate. Pakiramdam ko nadudurog yung puso ko ngayon. Para akong nabibingi, na tanging yung puso ko lang naririnig ko ngayon. Ang bagal bagal na parang gusto ng huminto sa pagtibok.

"B, kaya mo bang tumayo?"

Hindi na ako sumagot. Tumayo ako kahit nanginginig yung mga tuhod ko. Muntik pa nga akong matumba kaya inalalayan nya ko. Nahihilo ako, gusto kong humiga. gusto kong matulog. Baka sakaling paggising ko, panaginip lang ang lahat.

Punong-puno yung isip ko ngayon. Parang sasabog na utak ko. Hindi ko na nga alam gagawin ko. Nabitawan ko pa yung bote pero wala man lang akong kareareaksyon. Parang manhid na lahat sakin.

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon