Chapter 61: Video

2K 32 3
                                    

Sorry po ngayon lang ulit. sorry pooooo *bow

***

"Bakit hindi mo sya tanungin? Malay mo naman valid reason nya"

"Wag na. Hayaan nalang natin yun"

napapatong yung ulo ko sa may table. Naguguluhan ako. Gusto ko syang tanungin, gusto kong malaman kung bakit magkasama sila ni Trish, kaso natatakot ako.

"Ikaw ba? Nasabi mo na kay Carlo?"

Lumungkot yung mukha nya. Sa tuwing naiisip ko yung sakit ni Khate, hindi ko mapigilang maiyak. Hindi rin nya alam kung pano sasabihin kay Carlo. Ayaw nya tong saktan, ayaw naman din nyang paasahin pa sya. Pero inamin nya, na nafall narin sya kay Carlo.


Pinatong din nya ulo nya sa may table at bahagyang ngumiti sakin. Paano kaya nya nagagawa pang ngumiti sa kabila ng lahat?


Hinawakan ko yung kamay ni Khate at ngumiti sakanya kahit na naiiyak na ko.


"Kaya natin toh. Andito lang kami ni Vince lagi, Khate."

"Next week na yung surgery"

"Malalagpasan natin yan. Hindi ka namin iiwan. Promise."


Next week na. Kinakabahan din ako pero alam kong hindi sya papabayaan ni Lord. Gragraduate kami ng sabay-sabay.


"Hoy!!!! Andito lang pala kayo!"
Napaupo kami bigla ng maayos dahil kay Carlo. Loche! Kelangan bang manggulat?!


"Oh? Andito nga kami, so?"

"psh. Bakit ba ang sungit mo sakin Ash?" umupo pa sya sa may tapat namin. "Pwedeng mahiram si Khate?"

Todo ngiti pa sya.Napatingin naman ako kay Khate, at halatang nagbblush na mukha nya.


"Hindi pwede"

Tinignan nya ko ng masama at sinimangutan. Hahaha! Panira talaga ako sa diskarte nya.


"Iwan mo na kami ni Khate. Kanina ka pa hinahanap ng baby mo uh, puntahan mo na sya"

baby? Yuckkkk! Bakit nakakakilabot kapag sila nagsasabi. 'Baby MO' parang naman may anak na ko. 

"Payag ka bang maiwan dito sa mokong na toh Khate? Alam mo naman nakakaburyo yan kasama. Maumay ka"

"Wag ka nga Ashley! Puntahan mo na kasi si Daniel,nasa may open court."

"ayos lang ako Ash. Baka nga kanina ka pa hinahanap ni Daniel."

Aysos. Ngiting wagi naman si Carlo.

Iniwan ko narin sila. Syempre kelangan din nila ng time na magkausap para masabi narin ni Khate yung about sa sakit nya.


Pinuntahan ko naman si Daniel at mukhang hindi naman nya ko hinahanap kasi enjoy na enjoy magbasketball kahit na nakaschool uniform sya. Nakatanggal lang polo nya.


"uy girlfriend mo captain! Lagot. Nakasimangot!"

kelangan talaga pinagsisigawan na nakasimangot ako? Eh di hindi na! Ngumiti ako habang papalapit si Daniel. Nagmamadali pa nyang sinuot yung polo nya.


"oh baby buti nandito ka"

aakbay pa sya sana sakin kaso bigla akong napaatras at hinarang kamay ko.


"Didikit pawis mo sakin, kadiri! Eew!"

Yung mukha ko diring diri talaga. Hahaha! Akala mo naman napakadugyot nya para pandirihan. Napasimangot tuloy sya.

"Grabe, hindi nga ko pinagpawisan. Puro shoot lang ginagawa ko. At saka dati naman niyayakap mo ko ah, kahit amoy pawis pa"

Yabang hindi pinagpawisan. Angas! Pero hindi nga naman sya pawis, paano kasi hindi tumatakbo may taga kuha ng bola nya.


"Oo na po. Binibiro lang. Nga pala, hinahanap daw ako ng anak ko"

Anak talaga yung term. Pffft. Panindigan.

Ako na yung lumapit sakanya at hinawakan yung dalawang kamay nya. Magkatapatan kami, at syempre tingala to the fullest na naman ako. Tangkad eh.

Buti nalang walang masyadong students dito kaya hindi nakakailang. Lahat nasa field, 2nd day ng foundation week.



"Anak? Sinong anak?"

"Ikaw. Sino pa bang maghahanap sakin? At isa lang naman baby ko "

confuse na confuse  sya ako naman natatawa na. Pffft.

Bigla naman nyang hinapit bewang ko. Maglambingan daw ba sa gilid ng bleachers? Kapag kami natamaan ng bola, ang saya lang!


"Ikaw ba gusto mo na ng anak? Para may another baby ka, at syempre ako daddy. Pwede rin yun. Binigyan mo ko ng idea ah"

gasp. Hindi yun ibig sabihin ko! Aish!
Napatakip ako sa mukha. Feeling ko ang pula ko na. Mga pinagsasabi kasi.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now