Chapter 67: Please me

2K 30 4
                                    

Siguro nga doble doble yung sakit na nararamdaman ngayon ni Carlo kesa sakin. Bakit ba kasi kelangan pang dumating sa buhay natin yung taong iiwan din naman pala tayo agad? Para ano? Para saktan lang tayo?

Ilang araw na kaming hindi kinakausap ni Carlo. Kinakamusta ko sya sa iba, ganun parin naman daw sya, nangungulit pero minsan bigla nalang daw natutulala. Yung tipong bigla daw syang titigil sa pagtawa. Kapag nakakasalubong ko sya, pilit syang umiiwas sakin na parang hindi nya ko nakikita.

Si Daniel naman, pang5days na nya tong hindi pumapasok. Ewan ko dun. Ang balita nasuspend daw, meron naman nahihiya daw pumasok dahil sa ginawa nya at meron pangbalita na eto yung way ni Daniel para pagsisihan yung ginawa nya. HAYST! Andaming tsismis! Pero mabuti narin na hindi ko sya nakikita, para mabawasan man lang yung bigat sa dibdib ko.

Andito ako ngayon sa hospital para dalawin si Khate. Ako lang mag-isa dahil may practice ng soccer si Vince. Naglalakad palang ako sa may hallway ng matanaw ko yung lalaking nakaupo sa tapat ng room ni Khate.

Anong ginagawa nya dito?

Napapapikit pa ko baka imagination ko lang. PERO HINDI! Yung puso ko ang bilis bilis na naman.

Napatingin sya sakin. Napatayo pa sya na parang hindi nya alam gagawin ngayong nakita nya ako. Kabang-kaba akong lumapit sakanya. Ano ba yan?! Kakasabi ko lang na mas okay na hindi ko sya makita. AISH! Tadhana nga naman, Nakakatanga!

"uhmm. Sinamahan ko lang si Carlo.. Ano kasi.. Nag-uusap sila ngayon kaya.. Kaya lumabas muna ako"

Andito si Carlo? Timing nga naman uh. Kung kelan hindi ko kasama si Vince. Paano ako mag-eexplain kay Carlo? Hindi ko kaya na ako lang magpapaliwanag kung bakit nilihim namin yung about kay Khate. WAAAAHH! iyak!

Siguro naman ieexplain yun ni Khate.. Tama lang din na makapag-usap sila ngayon ng masinsinan. Naupo muna ako at nilapag yung dala kong fruits. Bali nasa may kabilaang dulo kami nakaupo ni Daniel. Ang laki laki ng space sa pagitan namin.

"kumain ka na?"

lub.dub.lub.dub

Ano bang klaseng tanong yun? 

Ang casual casual lang nya na parang walang nangyari samin. Hello???? Si Ex, tinatanong kung kumain na ko. Wala namang masama, pero ang AWKWARD lang diba?

Nakangiti sya sakin na parang naiilang. Tumango na lang ako bilang sagot. AISH! Nakakatense kaya! Naalala ko yung mga pinagsasabi ko last week sakanya. Epic!

"kumusta na? Balita ko maraming gustong manligaw sayo"

whatthe! Parang biglang nagtayuan balahibo ko. Seriously? Anong meron sakanya ngayon? Last time, inis na inis sya at pilit akong sinasabihan na makinig sa paliwanag nya. Tapos ngayon, kamustahan nalang? Hahayaan nalang nya kong magpaligaw sa iba? Matutuwa ba ako o masasaktan?

Bakit pakiramdam ko nasasaktan ako? Dahil ba parang sumuko na nga talaga sya sakin? Oo nga naman. Tutal ayoko rin syang pakinggan, ano pang point nya para pagpilitan ang sarili nya diba? Saka sinabi ko na nga sakanya na susubukan kong mahalin si Vince.

Pero bakit nga ko nasasaktan ngayon?!! Urgh!

"ayos lang. Ikaw? Bakit hindi ka yata pumapasok?"

naiilang ako. Parang nung dati lang, nung first time ko syang makausap. Ganitong ganito rin yung nararamdaman ko. Yung halos hindi na ko makatingin sakanya.

"suspended ako for 1week. Tapos grounded kila daddy. Tumakas nga lang ako dahil kay Carlo...saka kay Khate"

suspended nga sya?! Dahil ba dun sa kaschoolmate namin na sinuntok nya last time?  Eee tapos grounded na nga sya, nakuha pa nyang pumunta dito. PSH. tigas ng ulo. Pero sa totoo lang nadisappoint ako na malamang hindi ako yung isa sa dahilan kung bakit andito sya.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now