Chapter 35: Misunderstood

3.2K 61 16
                                    

OMG! Nawawala!! Nawawala!! Nawawala yung isa kong kamay.Hihihi. Holding hands kami ngayon ni Daniel. Lakas lang makaPDA. Ahahaha! Ihh. Kasi naman sya, pasimpleng hawak sya sa kamay ko tapos ako naman ito patay-malisya. Yiieee. Masisisi nyo ba ako kung gusto ko rin naman. AHAHA!  


"alam namin cute yung bracelets nyo, pero kelangan ba talagang magkaholding hands?"

 
paepal naman itong si Lawrence kahit kelan talaga panira ng moment. Inalis ko na yung kamay ko kay Daniel. Nakakailang kasi, lahat sila napatingin sa kamay namin. Bunganga talaga ni Lawrence, sarap pasakan ng basahan. Psh.    

Andito kami sa isang Charitable School. Nagdonate and nagpakain sa mga bata as a part of our project. SSG's and other volunteers students ang kasama namin. Kakatapos nga lang namin sa program kaya ito, relax relax lang. Kwentuhan sa may bleachers kasama sila Lawrence, Bryan, yung mga kateammates ni Daniel saka si Khate na nasa tabi ko rin.


Hindi sumama si Vince, tinatamad daw sabi ni Lawrence. Of course,Carlo was not here. Malamang sa malamang, nagchichix.  Si Trisha syempre hindi sya sasama samin dahil andito ako. Kami lang dalawa tuloy ni Khate yung babae. Ok lang naman sakin dahil madalas sila Lawrence din kasama ko. Ayos lang naman yung mga barkada ni Daniel pero mas close lang talaga ako kila Lawrence.


Hayst. Alam ko namang lalong dumami haters ko. Paano kasama ko ngayon mga star players ng soccer at basketball ng campus. Bago sa paningin nila na hindi magkakasama yung mga players ng basketball saka cheerleaders. Pati nga si Khate, feeling ko pag-iinitan na sya nyan. Any ways, I don't care. Magsama-sama sila. Kinaganda nila yun. Psh.


 
"sus. Inggit ka lang."
kinuha ulit ni Daniel yung kamay ko at may pakindat-kindat pang nalalaman. Inaalis ko nga pero hinawakan nya ulit. Ayaw talaga patalo. Inipit pa nya yung kamay ko sa may braso nya para hindi ko mahila. Napa-sigh nalang ako sa kulit ng mokong na ito. With matching blush blush! Shiz! Kilig eh. Iniwas ko nalang tingin ko sakanya. Para hindi masyadong halata. Diba?    

"bakit ako maiingit? Mas masarap pa kaya hawakan yung kamay ni Jamielle dyan--Aray!"

"loko!utol ko yun." binatukan sya ni Daniel. Nasa ibaba kasi sya malapit kay Daniel nakaupo kaya agad syang natamaan. Psh. Kung abot ko lang sya hindi lang batok abot nya.

"oy Lawrence! Ano pinagsasabi mo?! Hindi masarap hawakan kamay ko?! Excuse me, ang lambot kaya ng kamay ko parang beybi pa---"

"oh, easy lang Ash! Chill ka lang. Ahaha." pinigilan naman ako ni Daniel. Tatayo pa nga sana ako para malapitan si Lawrence. Kainis kasi! "dre,wag mo ngang ginagalit si Ashley. Talaga namang masarap hawakan kamay nito. Prinsesang prinsesa yung kamay oh, tignan mo parang baby pa.....sa liit. Ahahaha!"


Itinaas pa nya yung kamay ko at pinaglapat yung kamay namin na parang sinusukat kung gaano kaliit talaga kamay ko. Tss.


"Isa ka pa! Sama mo sakin!"
hinampas ko sya sa braso sabay kurot pa sa tagiliran nya. Grrrrr....

"aww.Pre.wala ka pala kay Ashley"

"kung ako nyan,naku.."

"naks,sweet ng lambingan. Hahahaha.dapat laging ganyan"

kung anu-ano pinagsasabi nila. Si Daniel naman todo iwas. Puro ouch naririnig ko pero nakangiti parin. Mukhang sira lang. Trip yatang masaktan talaga.

"Kawawa naman. Si Ashley lang pala ang panapat kay Captain"

"oh, kay Ashley ako ah!"

"Ashley! Ashley! Ashley!"

pinagchicheer na nila ako. Ahahaha. Siopao yan! Lakas trip nila.

Bigla namang hinawakan ni Daniel yung mga kamay ko para pigilan ako.

"mga loko toh! Hindi man lang ako tulungan.psh."

huminto na sila sa pagchicheer at nagsitawanan. Ako naman nakasimangot at inaalis yung kamay ko kaso ang higpit. Potek!

"Ah! Bitawan mo na ako! I'll stop"

"No. Gaganti muna ako"
and after nyang sabihin yun, hindi na ako nakapalag pa. Niyakap nya ako gamit ng isang braso nya at kiniliti sa may tagiliran. Ahhhh! Shet! My weakness! I hate this!

"hahahahahaha!..t-tama na....hahahaha.."
naiiyak na ako sa kakatawa. Halos mahulog na nga ako sa bleachers kung hindi lang talaga nya ako yakap. UHH! Gonna die! Tutulo pa yata yung laway ko kakatawa. Hindi makalunok eh.    

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon