PART2 SIL Chapter 46: Beginning

2.8K 36 1
                                    

***** 

Naupo ako sa bench, habang hinihintay si Daniel. Dito lagi kami kumakaing dalawa kapag breaktime tapos kapag lunch, kasabay namin sila Vince, Khate, Carlo, Lawrence at iba nyang kateam sa may canteen.


Asan na kaya yun? Nagtext kasi sya na mauna na kong kumain dahil pinatawag sya ng teacher namin sa Math.


It's been one week since the day of back to school. And obviously, alam na sa buong campus yung about samin ni Daniel.


Sino bang hindi makakaalam? Alam nyo naman sya, kapag natripan nyang gawin, gagawin nya.


Monday-1st day ng class,may flag ceremony kaya kelangan maagang pumasok. Antok na antok man, pinilit kong makapasok ng maaga.  Ok lang naman nung una, walang masyadong nakakapansin na kami na, dahil dati pa naman sweet na sya sakin. Akala nila nanliligaw parin sya.


That time nakaassign syang magraise ng flag, sila ni Carlo. Inaantok pa ako, kaya pinikit ko muna yung mga mata ko habang hindi pa nagsstart. Pero bigla nalang akong napadilat at nawala yung antok ko ng marinig ko yung boses nya.



'Baby! Magsstart na. Wag ka ng matulog dyan'



Yun mismong sinabi nya habang nakatayo sa may stage at may hawak-hawak na mic. Aish! Akala mo naman anong ina-announce nya! Kelangan pa nyang tumayo sa stage! ARRRGH! Ako ang sobrang napahiya sa ginawa nya.! Lahat tuloy ng mga students at pati rin teachers nakatingin sakin at naghihiyawan. And the whole day was really embarrassing! Hindi ko na nga alam kung paano ko itatago yung mukha kong sobrang pula na.



Nainis talaga ako sakanya nun. Nakita daw nya kasi akong natutulog habang nakatayo kaya tinawag nya ako. Shiz! Pwede naman akong lapitan.


Pero bago magend ng class, pinatawad ko na sya. Hindi ko naman din sya matitiis, saka alam kong hindi nya ako titigilan hangga't hindi ko sya kinakausap.



"Guess who's this handsome?"

Tinakpan pa nya yung mata ko. Napangiti ako sa tanong nya. Kelangan talaga may handsome?


"Hmmm..Mario Maurer?"

"Psh.Mario Maurer..awch! Nakakasakit ka ng damdamin."


Inalis nya yung pagkakatakip sa mata ko, at umupo sa tabi ko. Humawak pa sya sa dibdib nya na parang nasasaktan sa sinabi ko.



"sabi mo kasi handsome kaya si Mario Maurer naisip ko"

"hindi ba pwedeng ako muna?"



tinignan nya ako ng malungkot at nagpout pa. Kyaaah! Ang kyut kyut nya talaga pagganyan! Pogi! Naiinlove ako lalo.


Hinawakan ko yung ilong nya at pinisil.


"Gutom lang yan! Tara kain na tayo!"

Kinuha ko na yung lunch box ko na may lamang cup cakes. Hmmm..ang bango. Maaga akong gumising para lang ibake toh.

"Tikman mo dali! Ako mismo gumawa nito"

hinarap ko sakanya yung lunch box. Tinignan lang nya ako habang nakahawak parin sya sa ilong nya.


"aww. U-uhmm.. Hindi na. May sandwich ako. Oh,share tayo"

inabot nya sakin yung isang sandwich nya. Napasimangot ako. Tss. Sa itsura palang nya, alam kong ayaw nyang kainin gawa ko.


"sabi ko, wag ka ng magbaon diba? Natatakot kang kainin nuh? Masarap to!"

"h-hindi sa ganun..pinagbaon kasi ako ni mommy"

"AH!"

kumuha ako ng isa at tinapat sa bibig nya. Napalunok pa sya habang tinitignan yung cupcake.

Grabe! Presentable naman yung gawa ko, at marunong naman ako magbake. Psh.


"Hindi kita lalasunin. Psh!"

I assured him. Hindi naman nakakamatay yung gawa ko, masyado toh! Kainis.


Tinignan pa nya ako muna sa mga mata bago kumagat sa hawak ko.


Dug.dug.dug.dug


Kinakabahan din ako. Tinitignan ko sya habang ngumunguya. Parang wala namang kareareaksyon mukha nya. Hindi ba talaga masarap? Pero tinikman ko kanina saka sabi ni Manang masarap daw.


Kumagat din ako, mamaya kasi magkakaiba yung lasa ng nagawa ko.



"Masarap naman ah! Hindi mo ba gusto?"

tinignan nya ako at saka biglang ngumiti. Aish! Sabi na eh, pinagtitripan lang ako.


"Masarap nga, may sinabi ba akong hindi? Pahingi pa nga ako. AHH..."

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now