Chapter 50: I'm his GIRL

2.2K 35 12
                                    

  UPDATE ULIT. DAHIL WALA YUNG PRESSURE COOKER KONG PROF BUKAS! AHAHAH! ;D

Dedicated to KhryssAlessandraDomi :")

*****

"u-uhmm.h-hi Kuya! Hi ate ash!"

ngumiti ako at tinaas yung kamay ko para mag-hi kay Jamielle kaso biglang nagsalita si Daniel.

"What are you doing here?"

Ang seryoso ng boses ni Daniel. Ewan ko ba dyan. Ang sama ng tingin sa kapatid nya. Lagi nyang inaaway.

Pumunta naman si Jamielle sa likod ni Vince. Napatingin ako kay Vince, as usual wala na namang kareareaksyon yung mukha nya.

"Pinuntahan ko si Ninang! Bakit bawal ba yun?"

"Psh. Tara na Ash!"

hinila na ako agad ni Daniel. Aish! Ano bang problema nito?Biglang nagsusungit!

Nagbbye nalang ako kila Jamielle.

Kainis! Ngayon nga lang ulit kami nagkita!

"Bakit hindi nalang sumabay satin si Jamie?"

Tanong ko agad  sakanya nung makarating kami sa may gate kung saan nakapark yung motor nya.

"ayoko. Masikip kapag tatlo tayo. Saka malaki na yun. Kaya na nyang umuwi."

sinuot na nya sakin yung helmet.

"Psh. Pagabi na. Siguro naman ihahatid sya ni B."

hindi sya nagsalita sa sinabi ko. Sumakay na sya sa motor pagkakabit nya sa helmet ko.

Sumunod naman ako at kumapit sakanya.

"Daniel, diba sabi mo noon ex ng kapatid mo si Vince?"

"higpitan mo yung kapit baka mahulog ka nyan"

hinawakan nya yung kamay ko at pinaghigpit yung kapit sa bewang nya. Hay naku! Hindi naman nya sinagot tanong ko eh!

Ang tahimik namin sa byahe. Hindi nya kasi ako kinikibo kaya hindi narin ako nagsasalita. Bakit kaya bigla nalang sya nawala sa mood? Magkagalit kaya sila ni Jamielle?

"Sige. Thanks. Bye!"

 binigay ko na agad yung helmet pagkababa ko. Mukha kasing badtrip sya kaya natatakot din akong kausapin pa sya.

"Ashley,sorry.." napatingin ako sakanya. Nakayuko sya habang nakasandal sa may motor nya.

"Para saan naman?"

alam ko naman yung tinutukoy nya pero gusto ko parin iexplain nya kung bakit sya biglang nagsusungit.

"Sorry sa inasal ko kanina. Medyo nainis lang kasi ako"

"Ayos lang yun."

tipid kong sagot sakanya. Ano naman sasabihin ko? Kung ako nga madalas ko syang sungitan. Saka dapat intindihin ko nalang siya kung ano man dahilan yun.

"Yung tanong mo kanina, naging sila nga nung kapatid ko pero mga bata pa sila nun. Hindi rin sila nagtagal."  tumingin na sya sakin at ngumiti. "Pero hanggang ngayon hindi parin makalimutan ni Jamielle si Vince."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kasi ang lungkot ng mga mata ni Daniel, kahit sabihing nakangiti sya ngayon. Parang may something kasi.

"Masyado syang nasaktan, na naging dahilan din para masira pagkakaibigan namin ni Vince. Syempre bilang kuya nya, ayoko syang nasasaktan."

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now