Chapter 38: Christmas Ball

2.8K 52 15
                                    

Dedicated to her. @sweet_alcuez yiieeeee.. eto na! I hope magustuhan nyo. Thanks again for reading.. I appreciate your comments and messages. super katouch :”>>

THANK YOU PO SA LAHAT NG NAGREREAD NG SIL. LOVEYAHALL:**

I want to know your reactions about this chapter. Leave your comments dears! :”>>

Enjoy.! ^__^

----------------------------------------------------------------------------

"Ashley,pwede ba kitang maisayaw?"

 tinignan ko lang sya habang hinihintay yung kamay ko. Naiilang sya at halos hindi makatingin sa akin.

"Sorry, I'm not in the mood to dance.."

Iniwan ko na lang sya at bumalik sa table namin ni Khate.

Hayst. Ito na yung pinaghihirapan naming Christmas Ball. Mukha namang elegant kahit sa school lang ginanap. Nakasuot ako ng cocktail dress, na actually kanina lang namin binili dahil pabago-bago yung isip ko.

"Kawawa naman sila. ang dami ng nagyayaya sayo,bakit tinatanggihan mo?"

"hindi ko lang feel makipasayaw ngayon" umupo na ako sa tabi ni Khate.

Tama sya. Marami ng nagyayang makipagsayaw kahit na kararating ko lang. As usual, late na naman ako. Sa totoo lang, kung hindi dahil kay Khate hindi ako aattend. Naisip ko kasi baka wala syang kasama. Ako lang naman ang kaibigan nya. As far as I know.

"ehemmm.."

napalingon kami ni Khate sa lalaking nakatayo sa gilid namin. He wears  blue long sleeves inside his black chaleco. Mga porma talaga nito...pangchix. Tss.

Tinaasan ko sya ng kilay habang mataray na tinitignan.

"ahmm...a-ano... Wag mo nga akong tignan ng ganyan Ash!"

"Psh. What do you want?"

para naman syang nahihiya na ewan na parang najejebs. Tss.

"Pwede ko bang yayain si Khate sumayaw?"

Tinignan ko si Khate, parang nagulat pa sya sa sinabi ni Carlo. Lumuhod si Carlo sa harap nya at inilahad yung kamay nito.

"May I have a dance with you?"

Tumingin sakin si Khate like asking if ok lang ba. I smiled at her. Alam ko namang gusto nya kanina pangsumayaw.

"wag mong aapakan yung paa ni Khate..kapag ginawa mo yun,humanda ka sakin."

"Ako pa! Dancer kaya toh..at hindi ko naman sya hahayaang masaktan"

Parang double meaning ang sinabi nya..

Narinig ko narin yun, pero ganun parin...nasaktan parin ako . Alam ko lahat naman nasasaktan kapag nagmamahal...pero sana wag nyang paasahin pa si Khate kung hindi rin naman nya kayang saluhin.

"sinabi mo yan ah.."

 I trust you..

Sana seryosohin mo siya ngayon.. I'll give this  chance para makapag-usap na kayo ng maayos.

"Pero Ashley..."

"ok lang ako dito.. don't worry.. go on!"

She smiled back at me. I'm happy for Khate. I'm happy for both of them..

Kinuha ko yung baso ko at iinom sana ng mapansing wala na palang laman. Tumayo ako at kumuha ng maiinom..

Tinignan ko yung paligid. Lahat sila masayang sumasayaw. May iba't ibang kasama, makakagrupo man o hindi, lahat sila masaya ngayon. Samantalang ako, eto... nag-iisa. Parang hindi kabilang sa mundong ginagalawan nila. Napahinga ako ng malalim. Tumalikod na ako at lumabas ng gym.

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon