Chapter 57.5 First

2.1K 34 1
                                    

"Ang sarap talaga ng libre! Busog na busog ako"

"loche! Ako gutom pati wallet ko gutom!"

nakakainis talaga itong lalaking toh. Mag-date daw kami, pero wag daw akong assuming masyado dahil friendly date lang naman ANG KAPAL! Ako pa talaga assuming?! Tapos dahil Champion naman daw sila, itreat ko daw sya. Whattheff! Yung P500 ko, naging P75 nalang! ANG KAPAL LANG TALAGA NI VINCE! Andami nyang inorder na puro sya lang talaga kumain!

"B may tatanong ako sayo"

"Ano naman yun? Wala na kong pera. Wag ka ng magpalibre!"

Nasa may parking lot na kami. Kukunin ko na sana yung helmet ng biglang pigilan nya ko.

"wait lang muna. Sagutin mo muna tanong ko"

"ano ba yun? Wala ka pa ngang tanong"

"ano kasi...Diba may tiwala ka naman sakin kahit hindi mo ko mahal?"

"Ano namang tanong yan?!"

Jusko! Out of nowhere bigla syang nagtatanong ng ganito. Eto na naman tuloy yung puso ko, nagpapanic na naman.

"Basta sagutin mo nalang"

nakaramdam naman ako ng pagkailang sa kanya. But I think he's serious. Based narin sa pagtitig nya sakin.

"Oo naman. Tiwala ako sayo saka mahal naman kita--"

"oh. Tama na. Wag mo ng ituloy. Mas ok na yan"

Ngumiti pa sya at may kinuhang panyo sa bulsa nya.

Masaya ako kapag kasama si Vince. Gusto ko lagi syang kasama. Pero sya kaya? Feeling ko lahat ng sinasabi ko, lahat ng kilos ko, nagiging cause para masaktan ko sya.

Tulad ngayon, mahal ko naman talaga sya.....pero bilang kaibigan lang.

"May pupuntahan pa tayo pero dapat nakablindfold ka,ok lang ba?"

"bakit kelangan pa nyan?! Anong trip mo?!"

"Basta. Tiwala ka naman sakin diba?"

Ano na naman kayang plano nito?! Pinasakay nya muna ko bago ikabit yung blindfold at helmet sakin.

Kinukulit ko sya pero surprise daw kaya wag daw akong magulo. Ano naman kaya yun? Baka naman eto na yung tunay na date! OMG! Baka sa isang bonggang restaurant nya ko dadalhin. KYAAAHH!

Pero baka naman ibebenta ako ni B?! O kaya baka itapon nya ko sa pasig river, o ipasalvage na nya ko! WAAAHH!

"B! San ba kasi tayo pupunta?!"

"relax lang. Kumapit ka ng maayos"

Kinakabahan ako. Wala talaga akong idea kung saan kami pupunta. May tiwala naman ako sakanya pero hindi ko maiwasang kabahan. Lalo na kung maloko tong si Vince. Kung anu-ano na pumapasok sa isip ko.

"B. Sabi ko kumapit ng maayos, hindi yumakap ng mahigpit."

masyado palang mahigpit yung kapit ko sakanya. Eeeee! Wala kong makita. Natatakot ako mahulog.

"Hindi makahinga abs ko B."

"loche! Abs ka dyan! Baka tabs"

Kinurot ko pa yung tyan nya. Ahaha! Abs abs. Napakayabang talaga nito. Well, may abs naman talaga sya. Syempre soccer player sya, nabibuild up yung body nya. Saka nakita ko narin naman yun dati. Oy ah! Walang malice yun. Swimming with my family last year syempre nakatopless sya.

Ang tagal! Kung anu-ano na nga pinag-uusapan namin ni Vince habang nasa byahe. Pero nakakamiss din yung ganito. Parang ang tagal-tagal naming hindi nagkasama. Sana ganito lang kami palagi, sana pagbalik ni Daniel ganito parin kami ni Vince.

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon