Chapter 30: His Ex

3.6K 51 15
                                    

I want to dedicate this chapter to her! Thanks for reading! :"">

----------------------------------------------------------------------------------

Ex nya....si Daniel....

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa narinig ko.


Nakatayo lang ako habang nakatitig sa babaeng nasa harap ko...

Ex nya si Daniel....


Si Daniel rin kaya ang dahilan ng pag-iyak nya kanina?....

Akala ko ba wala pa syang nagiging girlfriend? Anong ibig sabihin nito? All this time, niloloko lang ba nya ako?....

Nahulog sa pagkakahawak ko yung Icecream. Pakiramdam ko nanlalambot ang buong katawan ko. Nagbabadya narin ang luha sa mga mata ko.

"Ok ka lang ba?"

Napatingin ako sakanya ng hawakan nya ang mga kamay ko.
Halata sa mukha nyang nag-aalala sya.

Lub.dub.lub.dub.


Daniel....bakit?... Bakit ganito nalang ang tibok ng puso ko pagdating sayo?

Hinila ko ang mga kamay ko para alisin sa pagkakahawak nya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Hindi naman pwedeng magalit ako sakanya, ano namang karapatan ko? Hindi naman kami..

Tumango lang ako sa kanya at bahagyang ngumiti..


Ngiting alam kong lalong nagpapasakit sa akin ngayon.

"Jamielle!"

"ARAY KO! masakit yun ah!"

nagulat ako sa ginawa nya. Bigla nya kasing pinitik sa noo yung babae...yung tinawag nyang Jamielle...yung ex nya.


"tss. Ano ba kasing pinagsasabi mo?! Mamaya maniwala yang si Ashley!"

"Ashley? Sya si Ashley?!"

kunot-noo naman akong nakatingin sa kanila. Seriously, ano bang meron sa kanila? Naguguluhan na ako!


"yah! Ate Ashley! Ikaw pala yan! Ang ganda ganda mo pala talaga!"

lumapit sya sa akin at saka yinakap ako ng mahigpit.

"a-ahh.w-wait"

Ano bang nangyayari sa batang ito? Talaga bang naging girlfriend ito ni Daniel? Psh. Baka naman inuumpisahan na nyang maghiganti. Tokwa!

"Ano ka ba?! Wag mo nga syang niyayakap! Ako lang ang pwedeng yumakap sakanya!"

Sapilitan naman nyang hinila yung Jamielle. Pero nagmamaktol naman ito na parang bata. Tengeneng! Paano kaya yung relasyon nila nung sila pa?

"Ayaw! Kapal mo ah! Bakit? Boyfriend ka na ba nya?!"

"Aish! Pcha! Kanina ka pa ah!"

"ATE ASH OH!"

pumunta sya sa may likod ko at ginawa ba naman akong harang kay Daniel.


"ano bang nangyayari sa inyo?"

"yan kasing lalaking yan feeler!bleh!"

"Psh. Sige lang. Humanda ka talaga sa akin. Dahil sayo kaya naghintay ng matagal si Ashley..tara na nga Ash!"

hinila nya ako papunta sakanya.


Dahil sakanya? Eh akala ko ba dahil sa......


"Wag ka dyang sumama kay kuya, ate Ash! Panget yan e!"

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now