Chapter 41: December 16

2.9K 46 8
                                    

---  

"hindi nga siguro tayo para sa isa't isa"


pilit syang ngumiti kahit na tumutulo yung luha sa mga mata nya. Binitawan nya ang mga kamay ko at saka tumalikod palayo sakin.




Daniel...



Wag kang sumuko, please.


Wag ngayon.







Napabangon ako bigla. Pawis na pawis ako. Hinahabol ko yung hininga ko.     Panaginip lang pala.


 
Pero parang totoo. Ramdam na ramdam ko yung sakit makitang naglalakad sya palayo sakin.


Tinignan ko yung alarm clock ko. 

9:17am.


Bumangon ako agad para silipin sya sa bintana. Nakakapagdesisyon na ako. Ayoko syang mawala sakin kaya kakausapin ko na talaga sya ngayon.


Tinignan ko yung tapat ng gate pero wala sya dun. Kahit nga sa mismong poste hindi ko sya makita.



Kinakabahan ako. Ayokong isipin na sumuko na sya. Ayokong isipin na umalis na sya.



Bumaba ako at pumuntang kusina, baka sakaling andun sya, pero wala.


Pumunta ako sa may sala at nakita ko pa si Kuya Jake na nanunuod ng tv. Pero wala parin akong makitang Daniel.


"oh? Anong nangyari sayo?"

hindi ko pinansin si kuya. Sumilip ako sa may bintana para tignan mabuti kung may tao sa gate.


"ah,... May hinahanap pala. Hahaha"

lumapit sakin si kuya at kinurot yung pisngi ko.


"Arrggh! Wag kang magulo kuya, may tinitignan ako!"

inis kong sabi sabay alis sa kamay nya.


"kahit maghapon ka pangtumungin dyan hindi mo sya makikita"

"what do you mean?"

napalingon ako sakanya.. 

Pakiramdam ko ayoko ng malaman pa yung isasagot.



"diba sabi ko sayo kagabi, aalis na sya. Baka ngayon alis nya o baka nakaalis na."


halos manlumo ako sa sinabi ni Kuya. Napaupo ako at halos dumugo na yung lower lip ko dahil sa pagkakagat. Kinakalma ko yung sarili ko. Pinipigilan kong wag umiyak.....Dahil alam kong kasalanan ko. Kung sana binaba ko nalang yung pride ko.


Tumayo ako at ngumiti kay kuya.


Ito naman diba ang gusto ko? Ang layuan nya ako.... Pero bakit parang doble doble yung sakit na nararamdaman ko?



***     Nagmukmok lang ako sa kwarto ko maghapon. Wala akong pinapasok kahit si Kuya. Ayoko na munang marinig pa ang tungkol sakanya. Habang nagdidinner, pansin ko naman na iniiwasan din nila na matopic yung about kay Daniel. Nagkwekwentuhan kami habang kumakain. Tawa pa nga ako ng tawa kay Dhie, kinakawawa na naman kasi sya ni Mhie. UNDER eh..wala eh, ganun daw nya kamahal si Mhie. Ahahaha. Pero habang tumatawa hindi ko napansing umiiyak na pala ako. Parang tangek lang! Napatingin tuloy sila sa akin at tumahimik bigla kami.


Wala narin naman silang sinabi. Hinayaan nalang din nila akong umakyat sa kwarto.



If I could given a chance to talk to him, hindi ko na papalagpasin pa. Ayokong mawala sya sa buhay ko. Mas masakit pala kapag lumayo sya sa akin.



Sana po Lord, makausap ko sya ulit....


I made a sign of a cross at tumayo na sa pagkakaluhod.


Unang araw ng simbang gabi ngayon. Nagdasal muna ako sandali habang hindi pa nagiistart yung mass. Medyo mararami narin yung tao kahit maaga pa.


Umupo na ako sa tabi ni Mhie sa bandang dulo ng upuan.


 
Kahit papaano narelax yung isip ko saka yung nararamdaman ko. Iba talaga kapag si God ang kausap ko. Nakakagaan ng feeling kapag kausap sya.


   
"Good Morning po"


napatingin ako bigla sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Boses palang alam kong sya na yun. Pero sya nga ba to? Baka namamalikmata lang ako dahil sa kakaisip sakanya.... 


Pinikit-pikit ko pa yung mata ko, baka kasi nagkamali lang ako ng tingin.


"Good Morning Darling! Maupo ka. Shaine, umurong ka dito"


napanganga pa ako sa sinabi ni Mhie.


Si---si Daniel... Bakit sya nandito? Akala ko ba umalis na sya?


Napatikom agad yung bibig ko ng tignan nya ako. Umusog nalang ako at tumingin sa harap.


Oh God... Ang bilis nyo naman po. Naiiyak na ako. Thank you po! Labs na labs nyo po talaga ako. I love you Papa God!

    Hindi ako makapagconcentrate sa mass. Natetense akong katabi sya. Parang katulad lang dati nung makatabi ko sya sa jeep. Ang bilis ng tibok ng puso ko.


Lub.dub.lub.dub



Pakiramdam ko,ako lang yung kausap ni Father. Yung topic parang patungkol sakin.


"I'll give you one more commandments...and this is TO LOVE. Love is a feeling. It's a verb. It is an action that we should do!"


yes,Father. That's what I'm doing. Pero bakit masakit?


Napatingin ako  kay Daniel. Nakacross-arms sya at seryosong nakikinig kay Father.


Inalis ko na yung tingin sakanya at binalik yung atensyon ko kay Father.  
marami pangsinabi si Father na mapapatango ka talaga. Pero ang tumatak talaga sa akin, yung huli nyang sinabi.


"....and the last thing we should do to show our Love is to LISTEN. Listening doesn't required affection, or popularity, it's not based on appearance of a person. One thing you need is ACCEPTANCE. My brothers and sisters, we should accept whatever our neighbors want to say. God listens on us…whatever our Prayer, he always ready to listen. That's how God loves us. He accepts us. He accepts everything we say. He's always there to listen"
Bahagya akong napangiti ng marinig yun.  

Siguro ito na yung way ni God para mapatawad ko na sya at maibalik kung ano man yung meron kami noon.

        "Maghawak-hawak po tayo ng kamay at sabay-sabay nating dasalin ang 'Ama namin"

nanginginig pa yung kamay sa sobrang kaba nung itinaas ko. Hinawakan ko yung kamay ni mhie at hinayaang nakataas lang yung kaliwa.

Naramdaman ko namang hinawakan nya yung kamay ko. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kilig ngayon. Like it was the first time he held my hand. Parang may kuryenteng dumadaloy mula sa kamay ko.

Napatingin ako sa kamay namin. Susuot parin nya yung bracelet. 


I smiled.     He still not giving me up....



Natapos na yung dasal at binaba na namin yung mga kamay namin. Parang ayoko na ngang tanggalin yung kamay ko sakanya....Baka kasi hindi ko na mahawakan pa ulit yung kamay nya.



"...And the Peace may be with you"

"and also with you"


Humarap ako kila Mhie at hinalikan sa pisngi.

"Peace be with you Mhie... Peace be with you Dhie... Kuya! Panget mo! Peace! Ate Annika, Peace!"

"Panget mo rin, Peace!"

nagpeace sign kami ni Kuya. nagPeace be with you rin sila kay Daniel.

Humarap ako sakanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Parang natatameme ako sakanya lalo na ngayong nakatingin sya sa akin na parang hinihintay yung sasabihin ko.


Eto na! pagkakataon ko na! ito na yung pinakamadaling way para sabihin kong pinatatawad ko na siya.  

Narinig kong nagsalita na si Father at nagsiluhod na sila Mhie.



Sigh.


Peace lang ang sasabihin mo Ashley!!! Ano ba yan!?!


Tumingin ulit ako sakanya. Nakayuko siya at taimtim na nagdadasal.   Ano kaya yung dinadasal nya ngayon?   Hinihiling din kaya nya kay God na magkabati na kami?   Bago tumayo binulong ko yung salitang gusto kong sabihin sakanya.  


"Peace..."     Sana narinig mo.    
Kahit mahina lang, sana malaman mo…    

   

Pagkatapos ng mass, sumabay narin kaming lumabas sa maraming tao. Nakahawak ako sa may balikat ni Mhie, mamaya kasi mahiwalay ako sakanila.


"Sis, tingin ka sa may likod natin?"

"bakit?"

"loka,sa kanan bakla! May pogi"

Ano ba yan! Hindi pa nga nakakalabas ng simbahan, tss mga pinag-uusapan nila. Tinignan ko yung katabi kong babae at isang dyosa na nag-uusap. 



Sinundan ko naman yung tingin nila.


Bakit ba?! curious lang ako. I just want to know kung anong itsura ng gwapo sakanila.

 


Pero sana pala hindi na ako nag-tagubili pang tignan.


 
In fairness, may taste sila. Gwapo nga naman talaga yung nasa likod ko.


   
Sino pa ba, eh di si Daniel.

 

Ngayon ko lang naisip kung gaano ako kaswerteng mahal nya ako. Sa dami daming nagkakagusto sakanya, ako pa pinili nya....


Akala ko nga dati hindi nya ako mapapansin. Katulad ng iba, akala ko isa lang ako sa mga "Secret Admirers" nya.


Hindi ko rin ineexpect na pareho pala yung nararamdaman namin. Kaya bakit hahayaan ko pang mawala sya, kung andito na sya mismo sa buhay ko.

 

"Both of you,wala ba talaga kayong balak magbati? gusto nyo bang tawagin ko pa si Father?"

"nagPeace na ako sakanya Mhie"

tipid kong sagot.Nakasakay na kami sa kotse at pareho kami ni Daniel na nasa backseats. Hindi sumabay samin si Kuya Jake dahil ihahatid daw nya si Ate Annika.


"totoo ba yun Daniel? Parang hindi ko narinig"     Ayan na naman si Mhie. Mag-iinterrogate na naman sya. 

"hindi po ako sure kung sya yung narinig ko o nag-iilusyon lang ako nun."

"oh Shaine, hindi pa pala kayo nagbabati."

"May sinabi ako! Ang bingi mo kasi
!"
hindi ko maiwasang mapalakas yung boses ko. Kainis! Ang hirap hirap sabihin nung word na yun tapos...tapos... Aish! Badtrip! Humarap nalang ako sa may bintana at nagpakalumbaba.



"Magkabati na pala kayo bakit magkalayo kayo? Lumapit ka nga Daniel para hindi sumisigaw yang si Shaine."


hayst. Pakulo ni Mhie, korni.

Hindi na ako nagreklamo pa. Syempre hindi naman ako mananalo kay Mhie, kahit pagtulungan pa namin ni Dhie.


Umupo narin sa tabi ko si Daniel. As in, too close.


Lub.dub.lub.dub.


Hinawakan nya yung kamay ko.


Napalingon ako sakanya. Tinignan ko sila Mhie, baka kasi makitang magkaholding hands kami, pero busy rin sa paglalambing ng kakornihan kay Dhie.

"Problema mo?"
inis kong tanong sakanya. Pero halos pabulong mamaya umeksena na naman si Mhie.

But instead na kausapin ako, kinuha nya yung cellphone nya at nagtext.


Loche! Bigla na lang ng hahawak ng kamay tapos magtetext lang pala.!


Pilit kong tinatanggal yung kamay ko sakanya pero hinigpitan pa nya yung pagkakahawak.


"What are you doing?!"
Ibinibigay nya yung cellphone nya sakin. Nagtaka naman ako. Aanhin ko cellphone nya? Porket naka-Iphone? Psh.


Iniharap nya toh sakin at pinakita yung tinext nya kanina.


[Bati na tayo diba? c: ]

Tinignan ko sya pero diretso lang tingin nya sa harap.

Kinuha ko yung phone at nagtype din gamit ang isang kamay lang.


[Bakit hindi mo sabihin? Pipe lang!? -_- ]

Inabot ko na sakanya. Parang adik lang eh! Lapit lapit ayaw magsalita. 

Binasa ko yung tinype nya.

[baka hindi mo kasi ako pakinggan. Mapahiya lang ako ;) ]


"So anong point mo?!"     "oh, nag-aaway na naman ba kayo?"

"hindi po Dhie"


psh. Napalakas tuloy yung boses ko. Ang epal kasi. Ano ibig nyang sabihin dun?!


Hinablot ko yung phone nya.


[Bati na nga tayo! Loche ka! hate you! Wag mo ng uulitin yun.. ]


pagkatapos kong itype, hinampas ko yung cellphone sa dibdib nya. Napa-awch tuloy.

 

Napansin kong bahagya syang napangiti habang binabasa yun. Tumingin sya sa akin dahilan para mailang ako.


Ngayon lang nya kasi ako tinignan na nakasmile. Nakakamiss din pala talaga yung ngiti nya.

"Opo. Hindi na po mauulit."
bulong nya tapos nagtype sya ulit.

 

[I love you! <3>

I can't help but to smile when I've read the text. Parang bading kasi may paheart heart pa tapos wink.


Pero syempre may kasamang kilig na yun. Kyaah! Humarap nalang ako sa bintana para hindi rin nya mapansing nagblablush ako. Hindi ko pa mapigilang yung ngiti ko.

 
Ganun lang kami buong byahe. wala ng kumikibo but still nakaholding hands parin. Kinakabahan nga ako mamaya mapansin ni Dhie, lagot tayo nyan. Plus si Mhie, mang-aasar. Psh.


Bumaba na kami pero hinahawakan parin ni Daniel kamay ko. Tinatago ko tuloy sa may likod ko.


 
Pinagpapawisan ako bigla ng lumingon si Dhie sa amin.  

Dug.dug.dug.dug.



Tinignan nya kami ng matagal.   Yari! Baka mapagalitan ako nito. Si Dhie pa naman, madalas O.A na pagiging protective dad nya. Psh.         "Kumain muna kayo, bago kayo pumunta kung saan"


sigh.


Akala ko napansin nya na may tinatago ako.


Pinanlakihan ko ng mata si Daniel at pinisil yung kamay. Loko kasi! Ayaw bumitaw! Pero imbis na matinag ngumiti pa with matching kindat. Aish!



"At saka nga pala,"


humarap ulit Dhie sa amin. Ngumiti naman ako ng pilit.


"b-Bakit dhie?"
lumapit sya at hinawi yung pagitan namin sabay akbay kay Daniel.

"Hindi yan tatakas, kaya pwedeng hindi mo na hawakan kamay ng anak ko...Alalahanin mo may warning ka sa akin"


"u-uhh. O-po"

"hon! Tinatakot mo sya! Ok lang yan! Ikaw nga ganyan din noon! Hayaan mo na sila"

"p-pero hon,--"

"halika na!"
    Natawa naman ako sa magulang ko. Kawawa na naman si Dhie. Ahahahaha.Hinila siya ni Mhie papasok ng bahay.  

Bago pa masarado yung pinto, may pahabol pa na tingin Dhie kay Daniel.
Im-watching-you   May paturo-turo pa yan sa mata nya. Ahaha.    

"lagot ka kay Dhie"
natatawa kong sabi. Napahawak sya sa may likod ng ulo nya at ngumiti sa akin.


"Namiss ko kasing hawakan yung kamay mo. Parang ayoko nang bitawan....Pahawak nga ko ulit"

inilahad nya sa harap ko yung kamay nya.


Tinignan ko lang yung kamay nya at nagcrossarms.

"Dhie.... Si Daniel oh. Ahahaha"

ginaya ko yung ginawa ni Dhie. Tinuro ko yung mata ko at tinuro sya. 
Im-watching-you-stare-ni-Dhie
Mwahahaha.


"hanggang sa pinto lang naman eh. Bago pumasok"

nagpout pa sya. Ahahaha. Ang kyut kyut talaga nya kapag ganyan yung itsura. Parang bata.


"Che.Daming alam. Pumasok na tayo"

Hinila ko na sya papasok. Napangiti naman sya nung hawakan ko yung kamay nya.



Thank you po Lord. Hindi ko na po sasayangin yung chance na toh. Sana ganun din sya....


Sana yun na ang last na masasaktan ako...

     **TBC

malapit na po ang election kaya magpractice ng bumoto. VOTE na po! XD

mag-iwan narin po kayo ng kumento. mwahahaha. IFOLLOW nyo narin po ako. waah. padagdag naman ng followers :( Aasahan ko po ang pagfollow nyo. mwahahaha! eleksyon lang?  :"D VOTE>COMMENT>FOLLOW>

thankyahdears! ;*

Silently In Love (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora