//Eleven//

34 4 0
                                    

A/N: Natatakot talaga akong ipabasa ito sa iba. Baka kasi ang daming madisappoint. :)

Chapter 11

                "Khate?" gulat na gulat si Harry ng makita ito sa harap ng bahay niya.

                "Saan ka ba galing soulmate? Nakipagdate ka na naman? Kanina pa ako dito." sabi pa nito sa kanya habang patuloy sa pag-iyak.

                "Hey. What happened? Bakit ka umiiyak!" natataranta pang sabi niya.

                "Hoy, wag ka ngang mataranta diyan. Papasukin mo na lang ako sa loob." sabi pa nito pagkatapos ay pinunasan ang mga luha.

                                                          ***

                Nakaisang oras na siguro si Khate sa bahay ni Harry. Pero wala pa rin sa kanilang nagsasalita.

                Hindi naman niya magawang tanungin ito.

                "Thanks soulmate ha. Grabe. Hindi ko alam na sasabog ako ng ganito. Tumakbo lang ako ng tumakbo kanina, hanggang sa hindi ko namalayan na nakarating pala ako dito sa inyo." pagpapaliwanag nito sa kanya.

                "Ano ba talaga ang nangyari?"

               Hindi siya makapaniwala sa mga kinuwento sa kanya ni Khate.

                Sa sobrang galit niya gusto niyang sugurin si Kevin.

                "KEVIN." tumayo siya at lalabas na sana ng bahay ng bigla siyang pigilan ni Khate.

                "Wait lang. Ang totoo, hindi naman ako galit kay Kevin."

                "WHAT! Pinaasa ka niya. Ganyan mo ba siya kagusto kaya hindi mo magawang magalit sa kanya!"

                Naiinis siya.

                Nagagalit.

                Hindi niya matanggap na ganun na lang kabait si Khate para hindi magalit sa taong pinaasa siya.

                Hindi niya matanggap na isinuko na lang niya ang nararamdaman niya para lang masaktan si Khate.

                "Kahit kailan hindi niya ako pinaasa. Ewan ko ba, pero kanina habang hinihintay kita narealize ko na, kahit kailan hindi ko naman naramdaman na gusto niya ako."

                "Khate. . . "

                "Masama ang loob ko kay Lee. Akala ko tapat siya. Akala ko kaibigan ko siya."

                "Ginawa niya yun dahil mahalaga ka sa kanya. Na mas pipiliin niyang masaktan para maging masaya ka. Naging masaya ka naman di ba?"

                "Yah. Masaya ako ngayon." sabi nito in her sarcastic tone.

                "Tama nasaktan ka, but not until nalaman mo ang totoo. Soulmate, don't you see nagsacrifice siya sa'yo. Bakit ba nagsasacrifice ang isang tao? Dahil nagmamahal siya."

                                                            ***

                "Bakit ba nagsasacrifice ang isang tao? Dahil nagmamahal siya."

Our Souls were Meant to BeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant